BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Budget lang mumsh kung anu pde pagkasyahin sa natrang sahod, ako never ko nireklamo na halos wala na matra sa pera nya, iniisip ko din sya, nag ttrabaho sya, imiisip ko sya ren timitipid nya na sarili nya para d magastos, ako nman buntis, more on gulay munggo, ung mga mura lang lutuin, sakto lang samin mag asawa gang gabi na un pati baon nya... Kasi, mahrap dn kay hubby na alam nyang napapagod sya sa trabaho tapos parang wala nangyayare sa sahod.. parang d nya magampanan responsibilities nya if makakarinig sya na sabihin nating ginugutom tayo, tulungan na lang mumsh, kung ano natra, budget, now dpat d rin sya mag rereklamo sa ano lang kaya maiulam at makain, usap lang ng maayos, dpat magkaramay d magkaaway, ganyan kami ng hubby ko, kaya d kami nag tatalo sa pera at gastusim, 7 mos. preggy on our first bibi, and yes always gutom πŸ˜‚ tiis tiis nalang kung ano meron, basta magkalaman tyan..

Magbasa pa