BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ibudget mong mabuti ang pangkain nyo mommy at gulay na lang bilhin mo lagi. for example, munggo. 1/4 nun hindi naman mag20 pesos, kahit kalahati lang lutuin mo nun sakto na sainyo hanggang gabi kasi tatlo palang naman kayo. Pisong hibi(pinatuyong hipon sa sachet) tapos malunggay. Okay na yun. 50 pesos I think kasya na, kung half kilo ng rice ang konsumo nyo everyday. Kami kasi 4 kami pero di pa naman kumakain bunso ko. Kasya naman sa amin yun. 1 kilo of rice nag 2 days sa amin. Eto mga pwede mong lutuin na tipid pero marami: 1. Ginataang laing 2. Ginisang gulay (chopsuey mix sa market) 3. Ginataang kalabasa 4. Munggo 5. Adobong kangkong Ilang lang yan sa pwede. Di mo kailangan magutom basta madiskarte ka lang sa pagluluto. Lahat yan pwedeng hibi lang ang sahog kahit wag na muna meat kasi mahal. Sa bigas tiis muna ng NFA hanggang sa makaluwag luwag. Vitamins saka checkup pwede sa center gaya ng sabi ng ibang mommies dito. Walang mangyayari kung sisisihin mo pa hubby mo, masuwerte ka pa rin at hindi kayo iniwan gaya ng iba dito, kaya kung anong kaya mong maitulong, gawin mo. Hindi man sa pagtatrabaho kasi buntis ka, sa pagbabudget na lang. Kapag nakaluwag luwag kayo, bumili ka groceries, mag sari sari store ka kahit konti lang. Kahit isabit mo lang sa bintana nyo. Makakaraos din kayo basta tiwala lang sa isat isa.

Magbasa pa
6y ago

This is on point. Need talaga maging madiskarte. Makakaraos din kayo mamsh.