BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies

Habang binabasa ko to naiisip ko yung kalagayan namin ngayon ng lip ko. Ewan ko lang ahh pero di ko siya sinisisi na nagkukulang budget namin sa araw araw kase nag ttrabaho naman sia and every time na sumasahod sia at kinukwenta namin kung pano pgkakasyahin ung 5k saming dalawa nakikita ko din sa muka nia na nastress sia at wala siyang magawa. Minsan nag sacrifice nlang sia sa budget nia araw araw pag papasok, siya na gumagawa ng paraan pra sa sarili nia. Siguro wag nlang mag sisihan sis, kase im sure naman na nastress dn partner mo dahil di nia mabigay ung dapat sa inyo. And iwas nlang dn s utang sis, kase jan tlaga nalulubog ang tao. Danas ko yan, may work pa kame pareho non, nangutang ako, kase kulang budget namin. Nung time na may utang kame, prang di kame makaahon sa buhay, ung sahod namin naibabayad lang namin sa utang kaya tinigil ko na mangutang. Ngayon pinagkakasya ko kung ano lang ntitira samin. And sinusubukan ko din tlagang magsave 500 every sahod para kahit papano my pambili kame ng konting gamit ni baby. Hindi ko rin nga alam pano namin napagkakasya ung 5k kinsenas, gulat dn ako kase date pareho kame my work nagkukulang pa. Ngayon siya nlang may work napag kakasya pa namin. And pag my check up or laboratory dun s libre tlaga, pag walang libre ginagawan ng paraan. No choice, mangutang sa parents namin tas babayaran ng hulugan. Tipid lang tlaga sis, pagkasyahin kung ano meron tlaga, and iwasan ang utang para di kayo laging hirap. Kase ung sasahurin ng partner mo ipambabayad mo pa ng utang imbis na pang gastos niyo nlang. Kung kaya pa sis na wag mangutang, iwasan nlang.. Payo ko lang kase naranasan ko na yan madaming utang.

ibudget mong mabuti ang pangkain nyo mommy at gulay na lang bilhin mo lagi. for example, munggo. 1/4 nun hindi naman mag20 pesos, kahit kalahati lang lutuin mo nun sakto na sainyo hanggang gabi kasi tatlo palang naman kayo. Pisong hibi(pinatuyong hipon sa sachet) tapos malunggay. Okay na yun. 50 pesos I think kasya na, kung half kilo ng rice ang konsumo nyo everyday. Kami kasi 4 kami pero di pa naman kumakain bunso ko. Kasya naman sa amin yun. 1 kilo of rice nag 2 days sa amin. Eto mga pwede mong lutuin na tipid pero marami: 1. Ginataang laing 2. Ginisang gulay (chopsuey mix sa market) 3. Ginataang kalabasa 4. Munggo 5. Adobong kangkong Ilang lang yan sa pwede. Di mo kailangan magutom basta madiskarte ka lang sa pagluluto. Lahat yan pwedeng hibi lang ang sahog kahit wag na muna meat kasi mahal. Sa bigas tiis muna ng NFA hanggang sa makaluwag luwag. Vitamins saka checkup pwede sa center gaya ng sabi ng ibang mommies dito. Walang mangyayari kung sisisihin mo pa hubby mo, masuwerte ka pa rin at hindi kayo iniwan gaya ng iba dito, kaya kung anong kaya mong maitulong, gawin mo. Hindi man sa pagtatrabaho kasi buntis ka, sa pagbabudget na lang. Kapag nakaluwag luwag kayo, bumili ka groceries, mag sari sari store ka kahit konti lang. Kahit isabit mo lang sa bintana nyo. Makakaraos din kayo basta tiwala lang sa isat isa.

This is on point. Need talaga maging madiskarte. Makakaraos din kayo mamsh.

Sis hindi ka naman siguro sinasadyang gutumin ng asawa mo, nagkataon lang na saktong sakto lang ang meron kayo. Pareho kayong nag aadjust, i'm sure. Wag naman din iblame lahat sa hubby kasi mukhang gumagawa din naman ng paraan para buhayin kayo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, sagana ang buhay. Kung married kayo, ang sabi nga di ba "for richer or for poorer.... for better or for worse." mag unawaan kayo sa sitwasyon. naiintindihan ko may mga cravings ka, pero wag mong awayin kasi baka mapikon pa yan sa'yo lalo at alam niyang gumagawa naman sya ng paraan. Punta ka sa center, alam ko may binibigay sila yung parang food supplement, plumpymum ata pangalan nun (sana meron sa center nyo). Pwede mo miryendahin yun, lasang peanut butter. Pantawid gutom in between meals. Team effort kasi ang pagpapamilya. Di naman por que buntis tayo, ihahain na lang lahat sa atin. Ako nga, 7 months nang bed rest, pero basta may maitutulong ako sa mister ko at kaya naman ng katawan ko, go lang. Pakunswelo ko na lang sa asawa ko yun. Kasi alam ko naman napapagod din sya. Sana positive yung makita mo sa mga advices namin.

Dumating din kami sa point nun na walang wala kami. May ipon kami nun malaki, pero naubos dahil naaksidente xa. Kelangan nya gamutan ilang buwan pati therapy. 2mos tyan ko nun. As in ubos. Na halos cravings ko di ko makain kasi wala talaga. Until nagbreakdown ako. Super iyak ko sa cr nung naliligo kasi di ko na kaya. Nahihirapan ako, cguro dala din kasi buntis. 3mos wala xa work. Buti na lng anjan pamilya ko, sa kanila kami kumakain, binibilhan ako ng kapatid ko ng gusto ko. Minsan umuuwi kami sa side nya para makatipid ng gastusin. Ilang gabi ako iyak ng iyak kasi naawa ako sa sarili ko, sa kanya na halos di makagalaw pati sa baby ko. Until nabalik xa sa work, pero tinanggal din. Super duper stress ako nun, kasi nakikita ko sa kanya nawawalan xa ng hope. Inaatake din kasi xa ng seizures. Nakalala lalo sa sitwasyon namin. Gamutan nya. Umpisa na naman. Until nagkawork ulit xa. Kaya ayun, til now may work xa. Sapat pero nung buntis ko, nag ipon talaga ako. Para pag manganak ako may magastos kahit sa public ako nanganak. Kaya mommy, laban lang. Walang ibibigay ang Diyos na di natin kaya.

VIP Member

Budget lang mumsh kung anu pde pagkasyahin sa natrang sahod, ako never ko nireklamo na halos wala na matra sa pera nya, iniisip ko din sya, nag ttrabaho sya, imiisip ko sya ren timitipid nya na sarili nya para d magastos, ako nman buntis, more on gulay munggo, ung mga mura lang lutuin, sakto lang samin mag asawa gang gabi na un pati baon nya... Kasi, mahrap dn kay hubby na alam nyang napapagod sya sa trabaho tapos parang wala nangyayare sa sahod.. parang d nya magampanan responsibilities nya if makakarinig sya na sabihin nating ginugutom tayo, tulungan na lang mumsh, kung ano natra, budget, now dpat d rin sya mag rereklamo sa ano lang kaya maiulam at makain, usap lang ng maayos, dpat magkaramay d magkaaway, ganyan kami ng hubby ko, kaya d kami nag tatalo sa pera at gastusim, 7 mos. preggy on our first bibi, and yes always gutom 😂 tiis tiis nalang kung ano meron, basta magkalaman tyan..

Share ko lng den . Ako nung nalaman kung buntis ako , lahat ng pag iipon ginawa ko . alam ko sa sarili ko na hndi kakayanin ng tatay ng bata lahat ng expenses nmen kc construction worker sya .. May times and months na hndi sya nag bbgay sken sa loob ng isang buwan nung buntis ako , dun ko na realize na hndi nya kme kayang pakainin . Kaya ako sa sarili ko pinursige kung mag ipon nag babantay ako ng tindhan para weekly may sinasahod ako . gastos ko check up nmen ni baby monthly .. Hanggang sa nanganak na ko hndi ako nanghinge ng supporta sa mama ko , cnabe ko sa sarili ko na ginawa ko , ginusto ko to kaya panindigan kong mag isa to hndi ako mamemerwisyo sa nanay ko khet piso .. Ayun awa ng dyos nakaraos na ko Na emergency cs 35k binayaran ko .. umabot ng almost 50k yung ipon ko sa loob ng 8months .. Ayun lng share ko lng 😅

Hingi ka ng help sa family mo sis. Naiintindihan kita pero naiintindihan ko din situation ni hubby mo. Tina-try niya best niya to provide kaso nagkukulang kasi yun lang sahod niya. Instead of blaming him, mag-usap kayong dalawa ng maayos. Alam mo sis, napapagod din ang mga lalaki kakatrabaho. Di lang nila sinasabi minsan kasi mas iniisip nila tayo, mga pamilya nila. Kaya sis, dapat iparamdam mo sa husband mo na nakikita mo mga sakripisyo niya at naaappreciate mo lahat ng ginagawa niya. Kaya dapat magusap kayo ng maayos para magawaan niyo ng paraan. Kung may family ka, lumapit ka sakanila. Nandyan sila para gabayan kayo at tulungan kayo sa lahat ng mga magiging problem ninyong mag-asawa. Magrelax ka lang sis. Wag ka masyadong ma-stress. Marunong ang Diyos. Di Niya kayo pababayaan.

Buti kpa nga may work hubby mo. Kahit papano may pan gastos kayo. Kami nga asawa ko mag aaral pa. May anak kaming grade1 at ngayon buntis ako sa 2nd baby namin ng 10 weeks. Sa parents nya kami nakatira. Ok naman kasi libre kami sa food at tirahan. Dati ako nagtitinda ng mga meryenda pra kahit papano may pang baon anak namin. Ngayon lg ako natigil muna dahil sobrang hirap ako maglihi. Suka ng suka laging nahihilo lagi masama pakiramdam ko. Kaya wala talaga ako ka pera2 ngayon. Naiintidihan ko naman ung asawa ko dhil mga ng aaral. Minsan pag may sideline gina grab nya dn at lahat ng sahod binibigay nya sakin. Sa awa ng diyos graduating na ngayon at hopefully mkapag trabaho agad after grumaduate. Ganon talaga mommy. Tiis2 muna tau.

sis , pero sakin ha, hnd nman sa ginugutom kayo ng hubby, sabi mo nga halos tlgang walang matirang pera sa inyo, dapat intindihin mo un,.. naiistress din asawa mo kada aawayin mo ,, hnd lang ikaw ang nahihirapan pati si hubby mo, tingin mo kung meron nman tlga syang ipapakain sayo, tingin mo gugutumin ka nya? intindihin mo rin hubby mo sis .. kung ikaw pinoproblema mo lang pag kecrave mo, ano pa asawa mo, eh buhat nya kayo, tapos dadagdagan mo pa ng problema, ganyan sitwasyon mo dapat intindihin mo, pasensya na sis pero dpat mas intindihin mo sya dahil sa kwento mo, tingin ko mas naiistress hubby mo, sa kakaisip kung paano ung pang araw araw nyo, sayo na nga nanggaling eh wlang natitira sa sahod.. tapos aawayin mo p 😔

Truuueee, saka intindihin mo din sana partner mo. Kasi sa totoo lang sampal sa lalaki yan na hindi nya kaya magprovide ng sobra. Kita naman na nagtatry sya. Makakaraos din po kayo. Tiwala lang

Hi mommy. I feel u, nung sa 1st baby ko nakakarinig ako ng sumbat sa partner ko bat wala akong ipon, kain kase ako ng kase sa Jollibee pati mga gc ko nagastos ko na dun. Pero nung nawalan na ako ng trabaho, alam ko na napre-pressure din sya kaya nakuntento nalang ako kung anong meron ako. Pero pag may sahod naman sya, kumakain kami sa labas pero mas gusto kong sa bahay nalang para tipid. Siguro, try mo kausapin si hubby mo in a good way. Baka nakakaramdam din sya ng pressure. Magtulungan kayo and for me hindi po magandang pag awayan ang financial. Try mo mommy dumiskarte minsan. 🙂 Lalo na pag may internet ganyan gawain ko sa bahay, pag ginugutom ako heheh. Naghahanap ako ng mga free.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles