Share ko lang sama ng loob ko. I'm currently pregnant. Gustung-gusto ko ng bumukod kami ng asawa ko at umalis dito sa bahay nila kaso ang problema single parent si MIL at wala syang kasama kapag umalis kami. Habang tumatagal kasi mas lalo lang akong naiinis sa kanya. Akala ko kasi nung una okay sya. Mabait naman po sya kaso ang ayaw ko po sa kanya e masyado po syang damak. Di po sya mahilig maglinis. (By the way kami ng asawa ko parehong may trabaho, mas malaki ang sahod ko kesa sa asawa ko kaya halos lahat ng gastusin e sakin din) Ayun nga po, napakatamad nya. Yung tipong pwede nya namang linisin ngayon (like tae/sula ng pusa nya) pero hindi, uuwi na lang ako dito sa bahay nila galing duty pagod, madadatnan ko pa yun. Wala po syang trabaho, asa lang sya samin. Usually paghuhugas ng pinggan lang talaga nakatoka sa kanya, the rest like pagluluto ako na po lahat. Pero maski paghuhugas ng mga pinagkainan ipinapaabot nya pa kinabukasan or worst umaabot ng 2 days. Ayoko rin po sa kanya yung hindi po sya masabihan, gusto nya sya lang ang palaging tama. Ayaw ko rin sa kanya na pag may ginawa syang di tama at pinagsabihan sya ng asawa ko e sya pa po ang galit at sinasabihang tanga ang asawa ko. Tapos kung may gagawin sya magpaparinig pa yan na pagod na pagod daw sya. Nakakairita po kung panu nya sumbatan ang asawa ko na kesyo inanak nya samantalang di naman sya naging responsableng nanay dahil sa murang edad pinagtrabaho nya na agad ang asawa ko kaya hindi tuloy sya nakapagtapos ng pag-aaral samantalang sya pangangapitbahay lang ang alam. Marami pang nakakairitang pag-uugali nya. Minsan natatakot ako na baka maging kamukha nya ang baby ko 😅
#stresssharing #advicepls #1stimemom