Need ng kausap!

Share ko lang po wala kasi ako makausap tungkol dito. Kaka one month pa lang ni baby ko kahapon , Feb 15 ko sya nilabas thru CS . Pure breastfed si baby and I'm also a first time mom kaya aligaga ako sa pagaalaga kay baby. Minsan nga ni maligo di ko magawa. March 14 , nahuli ko yung bf ko na ini stalk yung fb and picrures nung niligawan nya dati. Nagalit ako syempre, lalo na kasi naalala ko nabisto ko sya dati na pinagsabay nya kami ligawan pero nauna ko sya sagutin kaya sakin sya tumuloy. I felt betrayed at the same time disappointed not only for him and also sakin. Feeling ko kasi ang panget ko na, tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko , di na ako nakakapag ayos sa sobrang busy kay baby . May naging mali ako alam ko kasi ang grumpy ko after ko manganak siguro PP depression . Pero di naman tama na behind my back gumagawa aya ng ganun db? Kaka 1 month pa lang ni baby at sariwa pa yung tahi ko. Akala ko aya yung unang tao tutulong sakin kay baby after manganak , hindi pala.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magusap kayo ng partner mo. Linawin niyo kung ano ang plano niyo para sa pamilya niyo lalo ang para sa anak niyo. Constant communication ang need niyo. At yung mga issues mo sakanya, kailangan niyo yan talagang pagusapan. And for you mommy, wag kang madown. Cheer up po. Pag natutulog si baby, gawin mo na yung dapat mong gawin. Mahirap talaga yan, i feel you, ganyan din ako nung mga unang weeks ko, as in, naiiyak talaga ko, feeling ko wala akong katulong lalot di ko kasama mister ko, kasi sa mother ko ako tumira muna at nanganak. E busy din mother ko, kaya pagminsan buhat ko si baby ko umiiyak talaga ko. Pero nilakasan ko loob ko, hindi pwedeng mahina ako. Mas kailangan ako ng anak ko. Saka inisip ko, madami pa kami pagdadaanan, kung susuko na ko ngayon sa pagaalaga lang ng maliit na bata, e ano pa pag may worst pang pwedeng mangyaring pwede naming pagdaanan. Kaya mo yan, sa una talaga walang madali, unti untiin mo lang mommy. Hindi mo kailangan biglain lahat. Hingi kang tulong sa mga malalapit sayo, hindi naman masamang magsabi. Pabantay mo saglit kung di mo maiwanan, tas maligo ka ganun or gawin mo mga gagawin mo. Soon enough, mas madadalian ka, pag sanay kana. Di lang ikaw ang dumaan sa ganyan. Tatagan at lakasan mo loob mo. Malalampasan mo din yan. And mommy, you are beautiful just the way you are. Dapat ikaw mismo ang magangat sa sarili mo. Be proud momma, di biro ang magbuntis at manganak. God bless you!

Magbasa pa

Jusmiyo ifugao same tayo Kay hirap pag ftm .. kulang sa tulog ni Hindi makaluto Ng gusto...puyat lagi Wala Ng ligo ni magpalit nga Ng undies Dina magawa kelangan pa hintayin si husband bago makaligo.. at makaluto . Feel u momsh tumaba ako from 63 to 76kg I feel so fat at depress ako sa katabaan ko Buti sana Kong matangkad ako 5 flat lang kaya nagmukhang palaka .losyanh na ako feeling ko ampanget ko. Kaya Hindi ka nag iisa Minsan umiiyak nalang ako. Kasi taon taon dagok sa Buhay ko mama at papa ko Wala na . Anak Kong una namatay lola ko mother and father side namatay last yr TAs mama ko naman ngayong tao .. be brave lang tayo mi

Magbasa pa

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-147044)

Ganon ba mommy. Kausapin nyo po c bf bat nga ginagawa yon? Communication lang mommy ang makkapag survive sa relationship lalo at may baby na kayo. Try talk to him po