Pregnant again after 2 miscarriage

Hello, share ko lang po ung story ko. Baka sakaling may makarelate sakin. Sorry medyo long read din po. First pregnancy ko 2017 no heartbeat nakunan ako 9 weeks, niraspa. 2nd pregnancy nitong June 18 lang ako nakunan at 6 weeks at di na niraspa. July 18 nagkaroon na uli ako ng period. Pero after nun wala na. Sept 8 nagPT ako at nagpositive. This time nakakaramdam na ko ng nasusuka which is never ko naranasan sa first 2 pregnancy ko. Sobrang nagulat kami ng asawa ko kasi hindi kami trying na magkababy unlike nung first 2 na intentional talaga, plus sabi ng ob atleast after a year na kami sumubok. Halong saya at takot ang naramdaman namin. Nagdecide kami na hindi na muna kami aasa pero aalagaan ang sarili ko. Pero iba talaga si Lord. Nagfirst check up na ako nung sabado at may heartbeat na si baby 😭❤️ grabe first time kaya grabe iyak namin mag asawa. 9 weeks and 2 days pregnant na din ako ngayon. Madaming pinatake na gamot si ob at nasusuka pa rin talaga ako pero ok lang, kakayanin ko yan lahat para sa baby ko. Alam kong its too early to celebrate, pero sa mga pinagdaanan naming mag asawa malaking milestone ito para sa amin. Sa mga kagaya kong naranasan ang sakit mawalan ng baby at halos mawalan na ng pag asa, wag po kayong susuko at magtiwala lang kay Lord. Mas maganda ang plano nya kesa sa plano natin sa mga buhay natin ❤️ PS: yung pic ay yung pt na tinake ko last sept 8, may interval yan na 3-4 hours at gabi ko na tinake

Pregnant again after 2 miscarriage
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same case tayo sis. 2 times miscarriage and pregnant now. Iba ang struggle at joy ng rainbow pregnancy/baby. Stressful na ibang level kasi hindi mo alam kung aasa ka pa ba o ano. Everyday worried ka para sa dinadala mo. But God has been very good to us now I’m 16 weeks 3 days and malakas ang puso ng baby namin. I feel him/her move everyday. Everyday with a rainbow is a blessing and every first is very special. Kaya ngayon pa lang spoiled sa daddy at mga older siblings ang aming bunso. Congrats to us momshie! Praying that God’s angels protect our little rainbows!

Magbasa pa
5y ago

aww congrats mommy! 💖 totoo po yan, alam po naming mag asawa na special ang baby pero ngayon parang mas special talaga yung baby namin dahil sa mga nangyari. praying for you and your little rainbow mommy 😍💖