Alone

Share ko lang po. ? Sino po dito yung kaparehas ko na habang buntis e magisa lang. Yung tipong minsan kahit na may masakit sayo wala kang mapagsabihan kase magisa ka lang? Kung merun man minsan txt or chat lang walang nag cocomfort, suporta nalang po kase ako nung ama ng baby kaya kinakaya ko nalang magisa. Yung tipong magpapacheck up ka lagi nilang tanong sayo asan ang partner mo? Bat magisa ka lang? Tapos ngingiti ka nalang. Kapag naman magpapaultrasound ka nakakainggit kase makikita mo yung kasabayan mo kasama nila partner nila, asawa nila. Mapapaisip ka nalang buti pa sila magiging happy family na. Samantalang ikaw magisa. Ang hirap kase wala kang katabe sa pagtulog. Wala kang mapagsabihan na ( Uy, gumagalaw na si baby hawakan mo dali) ? Yung mga kamag anak mo is may sari sarili na din silang pamilya kaya no choice ka ikaw nalang magisa. Ang hirap pero kahit kailan never kong naisip na ipaabort o kung ano pa man si baby dahil sya ang magandang blessing na natanggap ko kay god. Kaya sa mga katulad ko tiis tiis nalang tayo mga mamshie. Kayanin natin to para kay baby. Wag nalang tayong magpakastress, oo malulungkot tayo minsan pero libangin nalang natin yung sarili natin. Mag-isip tayu ng mga gagawin natin, libangan. Lagi nalang natin tandaan na gift natin yan kay god. ?♥️ Share ko lang din po sa mga ftm mommies na kinakayang magisa. ?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here. LDR po kasi kami ng partner ko. Na kakainggit nga yung may mga kasama pag may check up. Like naalalayan sila ng nga partner/asawa nila. Kaso ganon eh need mag trabaho ng partner ko kaya laban lang. I'm working ftm as well. 😊

6y ago

Yup nakakainggit pero kapag lumabas na si baby bcbc na tayu mamsh.