Alone

Share ko lang po. ? Sino po dito yung kaparehas ko na habang buntis e magisa lang. Yung tipong minsan kahit na may masakit sayo wala kang mapagsabihan kase magisa ka lang? Kung merun man minsan txt or chat lang walang nag cocomfort, suporta nalang po kase ako nung ama ng baby kaya kinakaya ko nalang magisa. Yung tipong magpapacheck up ka lagi nilang tanong sayo asan ang partner mo? Bat magisa ka lang? Tapos ngingiti ka nalang. Kapag naman magpapaultrasound ka nakakainggit kase makikita mo yung kasabayan mo kasama nila partner nila, asawa nila. Mapapaisip ka nalang buti pa sila magiging happy family na. Samantalang ikaw magisa. Ang hirap kase wala kang katabe sa pagtulog. Wala kang mapagsabihan na ( Uy, gumagalaw na si baby hawakan mo dali) ? Yung mga kamag anak mo is may sari sarili na din silang pamilya kaya no choice ka ikaw nalang magisa. Ang hirap pero kahit kailan never kong naisip na ipaabort o kung ano pa man si baby dahil sya ang magandang blessing na natanggap ko kay god. Kaya sa mga katulad ko tiis tiis nalang tayo mga mamshie. Kayanin natin to para kay baby. Wag nalang tayong magpakastress, oo malulungkot tayo minsan pero libangin nalang natin yung sarili natin. Mag-isip tayu ng mga gagawin natin, libangan. Lagi nalang natin tandaan na gift natin yan kay god. ?♥️ Share ko lang din po sa mga ftm mommies na kinakayang magisa. ?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kaya mo yan sis,ramdam na ramdam ko yung mga pinag dadaanan mo napag daanan ko na din kasi yan, tipong first check up yung mga kasabayan ko kasama hubby nila habang ako naiyak nalang nung nakita ko heart beat ni lo,at malaki na tummy ko binibiro ako ng ob ko na wala pa daw ba daddy niya hindi ko pa din daw ba kasama manganganak na daw ako wala pa din,pag magkaka sakit ka walang mag aalaga,pag nag lalambing walang nandyan para sakin,hindi ko nga rin naranasan mag lihi sa foods dahil pilit kong nilalabanan yung cravings ko dahil wala naman mag bibigay nun sakin wala rin akong work para ipang bili ng mga pangangailangan ko simula kasi nung nabuntis ko nag resign na ako at umuwi ng probinsya kasi iniwan na din naman kami ni hubby,pero eto pa din ako turning 4months na si baby lumalaban pa din kami,kung tutuusin ang swerte mo nga eh dahil may suporta ka na makukuha galing sakanya ako nung nanganak ako 75k yung bill ko kahit piso wala akong natanggap sa boyfriend ko buti nalang may philhealth😅,pero laban lang kasi may anak na tayong naka salalay yung kinabukasan satin kaya hindi tayo pwedeng maging mahina ☺

Magbasa pa
5y ago

Yes laban lang tayo para kay baby. Anjan yung maiinggit tayo sa complete family, pero wala e eto lang tayo. Pakatatag nalang tayo para kay baby. 😊

Kaya mo yan momsh. Ramdam na ramdam kta naranasan ko ndn yan when i was 7mos. Pregnant yung magisa nlang ako kse nagwowork pako nun khit magkawork lang kme ni BF di kme nagpapansinan di kme sabay nakain di dn sbay napasok at nauwi inshort hinahayaan nya lang ako. Pero netong january noong malapit nako magleave naging okay na kme minadali ko Tlaga yun leave na yun kse gustong gusto ko na umuwi smen pra may makasma nako kse nga ang hrap ng solo lalo nat 7mos nako preggy dame na nasakit. Tapos ayun humingi sya ng Sorry umiyak sya sa harap ko niyakap nyako At hinatid nyako sa province nmen nung umuwi ako. Kaya ngyon LDR kme pero ayos lang ramdam ko nman presence nya araw2. Kaya momsh kya mo yan. Malay mo matauhan dn sa BF mo pag malapit kna umanak. Godbless ☺️🤗

Magbasa pa
5y ago

Sabagay. Tsaka dimo nsya maiisip pag lumabas na si Baby mo kse magiging Busy kna nun. Bsta Goodluck momsh. Pag labas nlang ni baby isipin mo ☺️

Ako din mag isa ko lang... nasa tarlac kasi yung tatay ng baby ko. Tawag text lang kami.. Lalo na ngayon 7 months na ako hirap na ako kumilos.. pero kailangan, kasi wala akong madaingan na pagod na ako.. wala akong mautusan para ipagawa yung mga bagay bagay. Yung tipong papasok pa ako ng trabaho. Haist .. minsan napapaiyak na lang ako. Pero kailangan maging strong para kay baby ...

Magbasa pa
5y ago

Minsan di natin maiwasan malungkot mapaiyak, kase yung iba malayo yung iba hiniwalayan.. Tipong mapapaisip ka nalang paano na? Kaya ko ba? Kaya fight nalang tayo para kay baby. 💪

may naalala tuloy ako, kaofficemate ko dati. awang awa daw sya sa sarili nya nung nanganak sya. wala kasi syang partner at nanay lang nya kasama nya. nung ililipat na daw sya ng bed hinanap asawa nya para buhatin sya. eh wala nga. natapat pa puro babae yung nurse. kinailangan pa daw tumawag ng janitor para mailipat sya ng bed..

Magbasa pa

Pero bakit po ganun ano, kung kelan magkakababy tska nag tuturn ng 360 degrees ang sitwasyon, bkit bigla kailangan maghiwalay ng magpartner, bka bigla nawawala ung love, kung kelan merong mas mahigpit na nagbbind sa knila? Dito po kc ako nagtataka, pg nabubuntis na, pinapabyaan na smtnlgn nung mag jowa eh sayang saya..

Magbasa pa
5y ago

I know how it feels, been there..at gang ngayon npapaisip ako bkit kung kelan my baby na, tska ako pinabayaan..ni hindi ako matingnan.. kala ko mas mgging matatag kami dhil my baby na kung tutuusin xa ung my gusto..pinkamsakit na part hanggang sa nkakasanayan ko na lang na ganito na lang..masakit, ang daming bakit 🥺🥺

Relate... Mahirap talaga maging mag isa.. Dad ko malayo, mom ko nasa heaven na.. Mga kapatid ko may sari sariling pamilya na.. Kahit kaibigan wala din maasahan.. Kakayanin mo yan sis.. Sabi nga nila pray lang daw... Sali ka sa mga groups sa fb para may nakakausap ka and may magbibigay advice sayo.. 😘😍

Magbasa pa
5y ago

Thank you. 😊

Sme tyo mommy...alm mo gnyan dn nrrmdmn q..mnsan ask u c god bkit gnun...un gus2 mo bgyan ng buong pmilya ank mo peo d n2pad....msrap sna s pkrmdm un hbng nsa tyan un baby andyn s tabi mo un prtner u...lalo n frst tym mom p...mnsan maiiyk k n lng....n sna dumting tym mkumplto dn

5y ago

Wala e baka eto talaga yung nakatadhana satin mamsh, pakatatag nalang tayo para kay baby.lagi tayung mag pray. 🙏 Konting tiis lang malalagpasan din natin yung mga pagsubok. 😊 Always fight lang. 💪

Aq naranasan ko Yan, Hindi Naman abroad asawa ko mama's boy Kasi sya, pero nung nanganak aq nandun sya, nung lumaki laki na anak ko nilayasan ko hahaha binuhay ko anak ko pero siguro natauhan sya ayun ngsama na ulit kami Ngayon dito n sya skin nauwi. Kaya mo Yan momsh.

Same here. LDR po kasi kami ng partner ko. Na kakainggit nga yung may mga kasama pag may check up. Like naalalayan sila ng nga partner/asawa nila. Kaso ganon eh need mag trabaho ng partner ko kaya laban lang. I'm working ftm as well. 😊

5y ago

Yup nakakainggit pero kapag lumabas na si baby bcbc na tayu mamsh.

Laban lang Mamsh. Same case. Nakaraos na ko. Nanganak ako ng Feb 12. Inabutan pa ko ng labor sa opisina. Kinaya ko mag isa sa tulong na rin ng dasal. Kapit lang sis para kay baby. Sending you virtual hugs. ❤

5y ago

Salamat Sis! Sa lying in ako nanganak. Sinamahan naman ako ng brother ko. Good luck sis. Dasal lagi. Maniwala ka sakin, mabisa sya. ❤