Alone

Share ko lang po. ? Sino po dito yung kaparehas ko na habang buntis e magisa lang. Yung tipong minsan kahit na may masakit sayo wala kang mapagsabihan kase magisa ka lang? Kung merun man minsan txt or chat lang walang nag cocomfort, suporta nalang po kase ako nung ama ng baby kaya kinakaya ko nalang magisa. Yung tipong magpapacheck up ka lagi nilang tanong sayo asan ang partner mo? Bat magisa ka lang? Tapos ngingiti ka nalang. Kapag naman magpapaultrasound ka nakakainggit kase makikita mo yung kasabayan mo kasama nila partner nila, asawa nila. Mapapaisip ka nalang buti pa sila magiging happy family na. Samantalang ikaw magisa. Ang hirap kase wala kang katabe sa pagtulog. Wala kang mapagsabihan na ( Uy, gumagalaw na si baby hawakan mo dali) ? Yung mga kamag anak mo is may sari sarili na din silang pamilya kaya no choice ka ikaw nalang magisa. Ang hirap pero kahit kailan never kong naisip na ipaabort o kung ano pa man si baby dahil sya ang magandang blessing na natanggap ko kay god. Kaya sa mga katulad ko tiis tiis nalang tayo mga mamshie. Kayanin natin to para kay baby. Wag nalang tayong magpakastress, oo malulungkot tayo minsan pero libangin nalang natin yung sarili natin. Mag-isip tayu ng mga gagawin natin, libangan. Lagi nalang natin tandaan na gift natin yan kay god. ?♥️ Share ko lang din po sa mga ftm mommies na kinakayang magisa. ?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako din sis. pregnant ako at first baby namin MashaAllah.magisa din ako sa bahay at nasa malayo din asawa ko.tawagan at chat lng kmi.dapat kayanin for baby.kahit miss ko na asawa ko.tiis tiis lng din😇

5y ago

Konting tiis tiis lang mamsh makakaraos na din tayo. Fight lang. 💪

wow! ι ѕalυтe yoυ ѕιѕ 👏🏻😊 oĸay lg yan aтleaѕт dмυ naιѕιpan gυмawa ng мalι ѕa вaвy мo.. pray lg alwayѕ.. laвan lg ѕιѕ.. god вleѕѕ ѕa ιnyo nι вaвy😘

5y ago

Thank you sis, inisip ko kase na gift saken yan ni god bakit ko sasayangin? Pinangarap ko lang to dati inaantay ko lang date ngayun eto na. Kaya papakatatag kakayanin para kay baby. 😊

Bute ka nga po ate may suportang nakukuha eh. Ako kahit ano wala. As in wala. Kakayanin na lang para kay baby.

5y ago

Yun naman kase yung sabe nya. Suportahan na lang nya si baby kaya ok na din saken. Fight nalang po tayo para kay baby. 💪

Kaya mo yan momsh 😊 Lagi mo lang isipin na di ka nag iisa, kasama mo si God at ang baby mo. Be strong 💕

5y ago

Thank you po. 😊

Same situation po tayo....pag lumabas na baby natin ay mapapawi na yung lungkot natin magiging busy na tayo

5y ago

Oo magiging busy na tayo, anjan yung mapapagod, mapupuyat, pero sa isang ngiti lang ni baby pawi na lahat.

Same po mag Isa mahirap talaga Minsan maiyak nalang sa isang tabi. (😁

parehas na parehas tayo sis ,basta Kakayanin lahat para kay Baby ❤🥰

5y ago

Yes mamshie, nung una sobrang stress talaga ako like di ko alam gagawin ko. Pero dahil sa mga kaibigan/relatives ko pinalakas nila loob ko. Isipin ko nalang daw si baby wag magpaka stress kase kawawa si baby. Libangin sarili hayaan ko na daw kung ano gusto ni partner. Kaya ayun eto nagpapakatatag ako para kay baby. Konting tiis nalang makakaraos na. Mas magiging happy na pag nakalabas na si baby. 😊

I feel you. But still, we are so much blessed ✨

Pray ka lang lagi kay god kaya mo yan 😀

5y ago

Thank you. 😊

Tiwala lang kay God😍❤

5y ago

Yes.. Fight lang. 🙏💪