7months pregnancy lost

share ko lang po, nakunan po ako kahapon 7months na baby sa tummy ko :( bigla na lang sya nawalan ng heartbeat tatlong beses kami nag paultrasound para sure kasi hindi ako mapakapaniwala na patay na sya sa loob ng tyan ko pero wala talaga sa tatlong ultrasound na yon iisa sinasabi walang heart beat, kaya nag punta na kami sa ospital binigyan ako ng pang pa labor october 15 ng madaling araw ko sya nailabas baby boy sya, hirap na hirap ako sa pag lalabor sobrang sakit talaga pero mas masakit nung nawala sya sakin 😭 pangalawang beses kona po to na nawalan ng baby yung una 4months naman sya sa tummy ko pero mas masakit yung ngayon kasi konti na lang lalabas na sya 2months na lang tapos biglang nawalan ng heart beat at naubos panubigan ko, hindi ko matanggap mga momsh 💔😭 Sa ngayon ayoko na una mag anak, kasi hindi ko alam kung kaya koba sya palitan sa buhay ko at isa pa sobrang nakaka trauma pinag daanan ko mailabas ko lang sya ng normal kahit wala na sya, mula sa pag lalabor at pag ire sa kanya hirap na hirap ako para akong malalagutan ng hininga buti na lang andyan partner ko naka alalay sakin, siguro may mas magandang plano sakin si god ayoko na muna mag baby hindi ko pa sya kayang palitan at natatakot ako mawalan ulit nakakabaliw na 💔🥺 anjan kana sa heaven anak kung may pagkakataon lang na mahahawakan kita hinding hindi kita bibitawan baby ko, Hindi ko matanggap pa rin bakit naman kasi iniwan moko ilang beses ako nag mamakaawa sayo na wag mo iiwan si mami diba? kasi ikaw buhay ko pero iniwan mopa rin ako, Kumpleto ka naman sa checkup at vitamins hindi rin ako kumikilos pero bakit ganon? 😭 kinuha kapa rin pakiramdam ko napaka walang kwentang nanay ko sayo sorry anak alam ko masaya kana dyan sa piling ni god gabayan mo kami ni daddy at sana kayanin namin to 🥺💔 Alam mo kung gaano kita kamahal, nung sinabi sakin ng doctor na wala ka ng heart beat di kami naniwala pinaulit pa namin ng tatlong beses ultrasound ko sa ibat ibang ospital pero wala kana talaga 😭

7months pregnancy lost
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

i just want to send you hugs, napakasakit na walang heartbeat si baby kahit ilang ultrasound na. last year nakunan din ako, walang heartbeat si baby hanggang dinugo na ako. stay strong mommy, do not lose hope. take this time to heal your body and start eating healthier foods. God bless you.

condolence po mami, same po tayo 3x na ako first is 8months next is 9months(1week nalang pwede nako manganak) and ung last 3months. now 26weeks ako preggy araw araw kabado pero dasal lang po.♥️

3y ago

pag pray ko kayo ni baby na sana safe kayo lagi hirap mawalan ng anak 💔

napakasakit naman nito, condolence po. if you dont mind my asking po, paninigas ng tiyan at sakit ng balakang lang po ang symptoms? condolence po ulit at stay strong po mommy 🙏

3y ago

stay strong po mommy, you now have an angel in heaven who will watch over you. give time to yourself to grieve and heal, will pray for you ❤️

Condolence po Mommy. 🥺 Mahirap magpakatatag sa ngayon pero kailangan kayanin mo para sa mga taong nagmamahal sayo around you. Remember God has better plans for you. 🙏

mommy if you dont mind if i ask ano po sign or naramdaman nyo? 7 months preggy din po ako and may lumalabas na brown discharge sakin na medjo fishy worry po ako...b

3y ago

isa po s mga sign ng makukunan eh yung pag sakit ng balakang..

There will be no exact word to say para gumaan yung pariramdam mo. Also wag mo sisihin sarili mo, I know mahirap yang pinagdaanan mo, but be strong. ❤️

Prayers po para sa inyong baby at sa inyo mommy🙏🙏🙏 may plan si God.. Take care po.. Condolences.. Rest in God's Hands Little 😇

condolence momshie, baby is in heaven, angel na SYA. God has always plan for us..wag mawwalan ng pag.asa..🙏🙏🙏

Condolence po, Sa mga nakaraang check up po hindi po nakita na kumukunti ang panubigan niyo?

Condolence mommy, i feel you. nangyari din saakin yan. pahugggggg 🤗🤗🤗🤗

Related Articles