7months pregnancy lost

share ko lang po, nakunan po ako kahapon 7months na baby sa tummy ko :( bigla na lang sya nawalan ng heartbeat tatlong beses kami nag paultrasound para sure kasi hindi ako mapakapaniwala na patay na sya sa loob ng tyan ko pero wala talaga sa tatlong ultrasound na yon iisa sinasabi walang heart beat, kaya nag punta na kami sa ospital binigyan ako ng pang pa labor october 15 ng madaling araw ko sya nailabas baby boy sya, hirap na hirap ako sa pag lalabor sobrang sakit talaga pero mas masakit nung nawala sya sakin ๐Ÿ˜ญ pangalawang beses kona po to na nawalan ng baby yung una 4months naman sya sa tummy ko pero mas masakit yung ngayon kasi konti na lang lalabas na sya 2months na lang tapos biglang nawalan ng heart beat at naubos panubigan ko, hindi ko matanggap mga momsh ๐Ÿ’”๐Ÿ˜ญ Sa ngayon ayoko na una mag anak, kasi hindi ko alam kung kaya koba sya palitan sa buhay ko at isa pa sobrang nakaka trauma pinag daanan ko mailabas ko lang sya ng normal kahit wala na sya, mula sa pag lalabor at pag ire sa kanya hirap na hirap ako para akong malalagutan ng hininga buti na lang andyan partner ko naka alalay sakin, siguro may mas magandang plano sakin si god ayoko na muna mag baby hindi ko pa sya kayang palitan at natatakot ako mawalan ulit nakakabaliw na ๐Ÿ’”๐Ÿฅบ anjan kana sa heaven anak kung may pagkakataon lang na mahahawakan kita hinding hindi kita bibitawan baby ko, Hindi ko matanggap pa rin bakit naman kasi iniwan moko ilang beses ako nag mamakaawa sayo na wag mo iiwan si mami diba? kasi ikaw buhay ko pero iniwan mopa rin ako, Kumpleto ka naman sa checkup at vitamins hindi rin ako kumikilos pero bakit ganon? ๐Ÿ˜ญ kinuha kapa rin pakiramdam ko napaka walang kwentang nanay ko sayo sorry anak alam ko masaya kana dyan sa piling ni god gabayan mo kami ni daddy at sana kayanin namin to ๐Ÿฅบ๐Ÿ’” Alam mo kung gaano kita kamahal, nung sinabi sakin ng doctor na wala ka ng heart beat di kami naniwala pinaulit pa namin ng tatlong beses ultrasound ko sa ibat ibang ospital pero wala kana talaga ๐Ÿ˜ญ

7months pregnancy lost
65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mommy๐Ÿฅบ Anyway story kolang nung kung san ako nanganak. Nung dadalhin naako noon sa ward sa isang room may isang babae akong kasama. So ako naman si chismosa (hehe) nag ask lang naman ako kung nasan ung baby nya.. Tapos bigla nyang sinabi na "NAMATAY UNG BABY KO SA LOOB NG TYAN KO" kahit hindi ko sya kilala naiyak talaga ako sa kwento nya. Ayon sa kwento nya nagpapa glucose dw sya ang expect nya namatay dw baby nya sguro sa kaka inject sa kanya para sa sugar nya. Actually nakasabayan ko din sya magpacheckup before kami nagsabay din manganak. Sya pala ung tiningnan ng mga doc pati sa nag ccs na doc tiningnan hb ng baby nya ang tagal nya sa loob wala talagang ma detect na hb ni bby nya un pala patay na. Nakakalungkot lang. tapos kwento pa nya na halos hindi na dw makita ung gender ng baby nya kasi as in natutuklap tuklap na dw mga balat ng baby. Kaya namatay anak nya ng di manlang nalalaman kung babae o lalaki ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ Kaya pinangalan nalang sa baby "angel". Kaya mga mommies na preggy dyan always nyong echecheck babies nyo sa loob ng tummy nyo. Inom kayo ng malamig na tubig para magising o gumalaw sya. Laro laroin mo lang sya.๐Ÿ˜Š Goodluck mommies๐Ÿฅฐโ™ฅ๏ธ

Magbasa pa

Condolence po momshie....๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”Ako din 3 times nakunan lahat almost 3 months....sa pang 4 ko na pag buntis Ako at ang asawa ko mas lalo laging pinag dadasal na sana sa pang 4 safe na at dininig nman ang aming mga dasal.. although hndi smooth ang pagbubuntis ko sa pang 4 Kase high risk pregnancy...nagpa alaga Ako sa Isang private ob...pati ang ob ko lagi sinasabi na lagi mag Pray for the safety of my baby....ang Dami lab test pinakuha sa akin.... worth it lahat dahil nagsilang Ako Ng baby girl via CS.......Keep Praying lang Momshie....in God's will ibibigay din niya yong para sayo talaga...๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Magbasa pa
3y ago

Be strong Momshie.... ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

condolence po mommy...be strong po..pray lang po kayo lagi para po gumaan pakiramdam nyo.lagi nyo po sya ipagpray na gabayan po nya kayo palagi.ngayon po isa na po syang angel na nagbabantay sa inyo.sobrang sakit po talaga mam mawalan.naranasan kp din po yan nagkamiscarriage din po ako.mag 3months na tummy ko wala din po heart beat.ramdam na ramdam ko din po sakit na nararamdaman nyo...kahit din po ako sinisisi ko sarili ko bakit nawala baby ko.pero dasal nalang palagi.may plano si God na mas maganda.yon nalang po isipin natinโ˜บ๏ธ.Godbless po.

Magbasa pa

Parehas po Tayo nawalan heartbeat baby boy ko first time mom po Sana ako September 25 pa ultrasound ako Nalaman wla Ng heartbeat baby ko dapat kabuwanan kna itong October 23, ansakit sobra mawalan Ng anak mag isang buwan pa lang SA akin sariwa pa ,๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ™ C's ako ung Bp ko Ng 150/100 na eclampsia po ako biglaan ngyari SA akin hanggang ngayon Dko tanggap ngyari naiiyak ako lagi sobra sakit , konting pang antay na lang SNA binawi agad baby ko dko manlang nakarga nahawakan baby ko napakasakit ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Magbasa pa
3y ago

momsh naintindihan po kita sobrang sakit talaga mawalan ng baby ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’” yung akin din sariwa pa kasi 5daya ago palang nung nawala sya sakin due date ko ko december konti na lang sana kinuha pa ๐Ÿฅบ๐Ÿ’” may plano satin si god sis isipin mona lang ginawa nya tayong instrumento para madagdagan yung angels sa heaven ๐Ÿ˜‡ walang words na makakapag pa alis ng sakit na nararamdaman natin sis i feel you

condolence mommy :( yung sakin 22days ko lanq din sia nakasama. binawi din siya sakin ni God. napakasakit po talaga mawala ng anak. first baby pa man din namin siya :( nagkasakit kasi si baby ko ng sepsis na hindi namin aLam. basta isang araw hirap nalanq siyanq huminga. tapos pagdala namin sa hospital 50 50 na siya :( 2days pa naman siya sa hospital. pero sa 3days bumigay na siya. masakit man pero kailanqan natin tanggapin. isipin nalanq natin na my Angel na tayo mommy. pakatatag ka po.

Magbasa pa
3y ago

Condolence po..isa rin akong ina na nawalan n ng anak kulang isang buwan ko din xa nakasama boy din..pero ndi siguro sila talaga para satin..now im 30 weeks pregnant lagi ko din pinag dadasal kay lord n ipaubaya ito sakin..tulad mo lagi ko rin kinakausap ang baby mo sa tummy ko n kapit lng laban lang mamahalin ko xa ng higit la sa inaasahan nya..wag susuko sis darating din din yung para sayo.

condolence. I feel you momshie. Nangyari din po sa akin yan nitong March 2021. 8 months na si baby at namatay sya sa tummy ko. Detached na rin ang placenta at wala ng amniotic fluid. Sobrang sakit dahil first baby namin yun. At ngayon Im 3 months preggy. Nakakatakot at sobrang worried baka maulit yun. Nagpapa alaga na ako sa OB. . Kaya mo yan at malalampasan mo rin yan. Sumali ka sa mga Support group sa Fb page.

Magbasa pa

Praying for your healing and your baby in heaven as well. ๐Ÿ™ Losing your child will never be easy. It will always leave an empty spot on your heart but trust God's plans for you and your family. Hindi nya tayo bibigyan ng problema at pasanin na hindi natin kaya lampasan. Focus on your healing nalang muna para pag dumating na si baby number 3, ready ka sa kanya physically, emotionally and mentally. ๐Ÿค—๐Ÿ’–

Magbasa pa

ano cause momshie? abruptio placenta po b or placenta previa? kdalasan kc n namamatay c baby sa loob ng tiyan, eh humiwalay ung placenta n nka attach sa uterus. kya nawalan ng oxygen at less n ung pggalaw ni baby sa loob. By the way condolence momshie. Hope sa next pregnancy, Maabot nya yung full term at healthy ung magiging baby mo soon ulit pg nagbuntis ka.

Magbasa pa
3y ago

Codolences momshie ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

condolence mommy. ako po mommy nakunan sa first baby 22 weeks immature placenta naman po findings. sa second pregnancy ko po naman kumonte panubigan pero kabuwanan ko na kaya na ECS po ako the day ng follow up check up ko po. nakita po ng OB ko sa ultrasound na onte na panubigan ko. sa 3 ultrasound niyo po ba mommy hindi nakita panubigan niyo kung naubos na po?

Magbasa pa
3y ago

nakita po sa tatlong ultrasound na yon puro sinasabi na wala na nga panubigan

VIP Member

condolence mommy, i hope na nasa peaceful place na si baby at angel mo na sya, dont worry po di naman sya pababayaan ni God sa heaven, iiyak mo lang po alam ko masakit pero di mo naman po kailangan mag move on kasi lagi lang anjan si baby guardian mo..please take time to heal and pagaling ka po! sending hugssss

Magbasa pa