Bakit ganun yung nanay ko ayaw ako magpaultrasound poπππ
Share ko lang po mga mommies Gusto ko po magpaultrasound pero ang hirap magpaultrasound kapag walang pera πππ ayaw ng nanay ko po magpaultrasound ako kasi pwede naman daw yun, eh sinusunod ko lang naman yung sinasabi sakin ng mid wife ko, naiiyak po ako kasi gusto ko na malaman gender nito ni baby pero wala akong sapat na pera pang paultrasound hays Pati imbis na magpagender reveal ako wala din di din natuloy kasi nga di makapagpaultrasound πππ

Hi mamshie, di ko alam kung mali lang ung phrase mo sa post mo na may pang gender reveal ka sana pero wala kang pang utz?. Mamshie magastos talaga lalo na ngaun Pandemic mag buntis kaya dapat talaga pinag hahandaan pero minsan talaga may pag kakataon na hindi mo inaasahan pero pag nandyn na SET UR PRIORITIESπ hindi lang yan ang need mo gastusin sa pregnancy journey mo mamshie marami pa lalo na pag labas nyan ni baby. Kaya kung ano ung important un ang sundin. Like kami ni hubby before nung preggy ako kahit kaya namin mag gender reveal hindi na namin ginawa kasi maselan ako mag buntis inisip namin ung pangangailangan namin ni baby like laboratory everymonth minsan everyweek pa bago napakaraming vitamins and lalo na ni mindset ko what if ma CS ako so need ko mag budget na pang CS and thank God dahil sa ganun mindset namin ni hubby never kami nahirapan nakaraos kami at tama na CS nga ako kaya di namoblema ung both parents namin. Kaya mamshie wag ka mag pa kastress sa mga ganyan bagay. Mas lalo makakasama sa inyo yan ni baby.
Magbasa pa