Mother In-law problem

Share ko lang po mga mommies at baka my advise din po kayo. Dati po kc magkasundo kami ng mother in law ko nung wala pang baby wala ako masasabi sa kanila mabait naman mga byenan ko skin maasikaso at maalaga pero ngayong meron nang baby nakakasama na sya ng loob, ang hirap talaga paghindi nakabukod. Nawalan na ko ng gana sa kanya, mula nung lumabas si baby wala na sya ginawa kundi agawin ang moment ko bilang mommy, sa sobrang gusto nya alagaan apo nya at pinagbigyan ko naman feeling ko ngaun parang pinagdadamot na sakin ang anak ko. Di ko na alam gagawin ko,malapit na ko sumabog,nagtitimpi lang. sobrang mapagbigay po kc ako,khit ako yung magsacrifice mapagbigyan ko lang mahal ko sa buhay. After ko po manganak willing ako magbreastfeed habang naka leave sa work pero diniscourage nya ko, hindi daw husto ung gatas ko kaya ngpabili ng formula para daw busog ang baby at di magiiyak at para din daw hindi padisplay display suso ko,at di naman daw sya nagpabreastfeed pero maaus naman daw mga anak nya, syempre bilang respeto at ngtiwala na din dahil experienced mom sya sa 3 nyang anak madalas ko hingin advise nya. nilaban namin ng husband ko yung breastfeed pero nakakapundi sa tenga ung pangdidiscourage nya kya pinagbigyan ko na, un pala gusto lang nya itabi sa pagtulog nila ng father in-law ko si baby.ung father in law ko nmn mabait kaso bisyo ang pagyoyosi nagusap kami na wag papalapitin ky baby paggaling sa pagyoyosi pero di nagtagal di na pinagbawalan edi langhap na langhap ni baby ung amoy ng yosi. Pagnakikita nya na buhat ko si baby kukunin nya bawal daw ako magbuhat dahil CS ako (kht 2 mons na ang nakalipas at nagawa na din naman ako ng gawaing bahay) ibibigay nya sa FIL para buhatin kht my ginagawa ang father in law ko. naappreciate ko nman yung concern pero iba na habang tumatagal parang pinagdadamot na sakin anak ko,sobrang limited ung time ko ky baby,feeling ko nilalayo sakin anak ko kaht nandito lang ako,minsan aalokin nya ko na tabihan c baby pagtulog na pero after 1 hr at nkta nyang gcng kukunin na nya syempre ako hahanap ng ibang gagawin. May tindahan sila, imbis na bantay ako ky baby ako tao sa tindahan. di naman ako makatanggi kc wala naman ako sa sarili kong teritoryo. tapos gusto nya lagi ikukumot ky baby yung daster nya pati twalya ni baby pampaligo daster din nya. kht my binili kami panggamit. feeling ko binubura nya ung amoy ko ky baby para di nya ko hanapin. Hindi ko tuloy maramdaman yung feeling na maging nanay sa anak ko. Nilimitahan ko na pakikipagusap sa kanya mukhang nakakahalata na sya na masama loob ko. di ko nalang din sinabi sa husband ko para di na sila magaway. Salamat po sa magbabasa.

2 Replies

same situation din from my eldest up to my youngest. sa eldest ko ndi ko dn masyado naiintndhn naasar aq ksi un eldest ko ndi n close skn up to the point na pg aq kukuha sknya umiiyak sya.. but un MIL knmn pro breastfeed sya gusto nya un sa baby nmn... buti knga husband mo support sau b4 husband ko wla sya pakielam non sa feelings ko but eventually na overcome ko hnyaan knlng ksi mother pdin un ng husband ko.. pti sa second and sa youngest ko hinihiram nya un baby ko sa youngest ko may sched tlg at pg ndi nasusunod nggalit tlg sya may time p lht ng kids ko ksma nya nsabe ko nlng "wla nq anak na ksma?" ntawa nlng sya... pero aq iniintndi knlng ksi I know mhilig sya sa baby pag need nmn help na mag aalaga sa baby nmn never sya nag no at mabait dn tlg skn MIL ko... we never know when the tym na tau nmn un nsa stage na lola na bka mging gnyn din tau ksi sympre sabik mag alaga ng baby or may ibng story na kya todo alaga sa apo dhl may na miss sila sa pag aalaga sa anak nla because of work.... for me kng maayos nmn pakikitungo nya intindihn m nlng minsan idaan m nlng sa biro pra ndi msaktan un feelings ksi buti nga may katu katulong k mag alaga un iba hirap mag alaga ng baby na sila lng... mhrap dn kng sa maid lng dhl ndi ntn alm bka nppbayaan na un baby... pero un pag yosi mgnda kausapn mo c hubby pra sya kmausap sa parents nya.... wag ikaw hyaan mo c husband mo mgsbe...

Good for you mommie na overcome mo na ung inis mo. Ang sakit lang po kasi na para kang hangin na ikaw yung nanay pero ayaw pahawakan sau yung anak mo suspetya ko po kasi gusto nya yung amoy nya ang makilala ni baby. naexperienced na nya maging nanay sana naman ipaexperience din nya sakin. Naging selfish sya.

Sana po masabi nyo sa husband nyo. Kasi kung hindi, magtitimpi lang po kayo at sila gagawin lang nila anong gusto nila kahit labag sa kalooban nyo. Nakakaworry po yung pagtabi tabi nya sa nagsisigarilyo, and hindi rin po tama na kung anu anong sinasabi nila tungkol sa pagbbreastfeed nyo. May pagkaganyan din nanay ng partner ko kaya minsan naiinis ako, laging parang feeling nya sya ang tama kasi masmarami syang experience. Be that as it may, kayo po ang nanay, kayo ang dapat na makadiscover ng way para alagaan si baby sa sarili nyong diskarte. Na-try nyo na po bang humindi sa kanila? lalo na dun sa paninigarilyo 😢 i know mahirap pong magsalita, pero para po sa safety ni baby. Pati yung pag gamit ng daster, parang sobra naman, may twalya naman si baby. Kausapin nyo na po si mister.

opo mommie, sinasabi namin ng husband ko yung ayaw namin pero ginagawa pa din tapos yung mga suggestions ko ndi nya pinapakinggan. nawiwierduhan po ako sa ginagawa nya na paggamit ng mga damit nya pangcomfort kay baby. salamat po sa answer.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles