βœ•

induce

Share ko lang po kung gaano kabuti ni Lord sa naexperience namen ni baby nung ipinanganak ko si baby Hannah Trinity.. Oct.21 ng umaga nagpunta ako sa midwife ko para sa weekly chek up..2 ,3 cm n cervix ko..at due date narin nag wowory asawa ko baka daw. Ma over due at makatae si baby kaya sabi nya magpainduce nalang daw ako..sabi ko naman wag na muna ilakad at squat ko nalang..sa tutuo lang po napakasipag ko nman maglakad at squat halos ngalay n mga binti at paa ko pero nagtataka ako bakit di pa ako naglalabor puro paninigas lang pero wla pain sabi ng midwife ko pwede naman daw ako mag paninduce..10 pm nagdeside na kame mag asawa na induce na ako 12 am oct 22 admit for induce halos naubos ko na ang isa keri ko pa ang sakit at nakakangiti p ako,sa pangalawa 5pm ko na halos nrandaman ang matagal ko ng inaantay na pain ng labor sa bawat sakit halos napapadasal ako..10 pm i.e 7cm n pinasok na ako sa delivery room hanggang sa bukang buka na cervix ko urong sulong si baby un pala nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg at naiipit pala ng blader ko si babay kasi namaga na so ayun kinatither ako para makalabas ang ihi ko gravee ang dami pala ihi kaya pala doble ang sakit na naramdaman ko sa tuwing hihilab sya di ko alam kung paano nangyari un pero ang mahalaga after nun lumabas n si baby at ang sarap sa pakiramdam napasigaw tlga ako ng thank u Lord.11:55 /oct 22 lumabas si baby..isang desisyon ang di ko pinagsisihan at tinest din ako ni Lord sa pananampalataya ko sa knya kasi bago ako nag pirma ng waver for induce may sinabi ng Dr. Saakin na pag di daw tumuloy tuloy ang paghilab within 24 hrs pwede daw ako ma cs..sabi ko wla po kame pera for cs pipilitin ko kayanin ang normal delivry sabi ko sa knila tiwla lang sa Panginoon.God is good at safe at normal delivery kahit nakapulupot at marami pagsubok at sakit at hirap worth it naman.sakripisyo ng mga ina para sa anak gagawin natin lahat s abot ng ating makakaya dahil sabi nga nila kalahati ng ating paa nasa hukay n..pero hindi hinayaan ni Lord na ma cs ako..

94 Replies

God is really good all the time!!! I have a very painful pregnancy, and still waiting na mailabas si baby til now (35 weeks preggy na). Halos lahat ata ng dpat maramdaman ng buntis naramdaman ko na.. Pero hindi ako pinabayaan ni Lord sumuko sa mga skait na naramdaman ko.. God is Good, all the time! Congratulations mamsh! Goodluck and enjoy with you babe! πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰

Congrats momsh! β˜ΊοΈπŸ™ Last ultrasound ko 36weeks cordcoil si baby ko, may ultrasound ulit ako this week 38weeks and 4days nako hoping na hindi na nadagdagan or nawala na lang pag kaka cord coil ni baby πŸ™πŸ™ pinag prepray ko talaga na mainormal delivery ko sya πŸ™πŸ™

Si Lord lang po ang makakatulong sa atin

sis ask q lng.nung huling ultrasound mo ba ok c baby mo.i mean ind sya cord coil.nag woworry kc aq malikot c baby q sa tummy maghapon na.ayoko isipin pero nag aalala aq.mag 37weeks nq sa sunday.pero wala pdin aq narramdaman na pain

u mean kapag ind bumaba ang tiyan my possible na cordcoil c baby?

Same sa bunso ko nakapulupot din pusod nya sa leeg nya thank God at magaling din ung midwife ko dat time.. Dasal lng din ang dala ko kz wla din kme pang CS. Btw congrats momshie. πŸ’•

it's amazing how our lord God answers our prayers 😊 madalas mapapangiti na lang after ng pagsubok. God is good for giving you a healthy child. congratulations.

Congrats mommy! God is good all the time... enjoy motherhood. Nakakapagod pero fulfilling...

San hospital po kayo nagpa induce at magkano lhat nabayaran mu sa hospital kasama na philhealth?

1700 po pag may philhealth pero halos kulang kulang 6k din nagastos namen

Congrats mommy! 😍 Pinaka the best talaga ang pagdadasal sa lahat ng bagay mommy. πŸ™

Congrats girl 😊 kabirthday nia ung baby ko.. God Bless!

congrats pooo sana po magopen na din cervix ko at malabas ko na baby ko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles