21 hours Labor

Edd:aug 18 Dob:aug 15 2.8 via normal delivery Hi ftm .nanganak din after npkahabang paglalabor Nagising ako nun ala una ng madaling araw basang basa ung short ko akala ko npaihi ako tumayo ako then nag palit tapos biglang sakit ng puson ko tapos 5 minutes ung pagitan akala ko normal lng alas 3 am na hindi parin nawawala tapos sabi ko bka naglalabor na ko lakad lng ako ng lakad pabalik balik hanggang 7 am sumasakit na lalo tapos nagpa IE ako sa kabit bhay nmin 5 cm na daw tapos saka lng ako uminom ng buscopan sabi ko bago magtanghali mapaanak n ako Kaso hanggang hapon hindi pa lakad squat pag humihilab tapos IE ulit 8 cm na sobrang tagal talaga nahihirapan n ko halos hindi nko makahakbang sa sakit halos magtatalon na ko para mailuwa ko na si baby Tapos 9 pm ie ulit 10 cm n kaso hindi bumababa si baby. Buti nlng magaling ung midwife pinatagilid nia ko tapos ire ng ire Hanggang 11 pm pagod na pagod na ko sa paglalabor plang At 11:15 lumabas na si baby Payo ko lng buscopan lng lakad squat tapos pag open na cervix mo khit 1cm umire k n ng umire oag nahilab para bumama agad si baby . Pero mawawala lhat ng sakit pag nkita mo na ang anak mo

21 hours Labor
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung saakin po normal lang po ba un na lagi na po nasakit ung puson ko tas parang ganyan din po katulad ng sayo ang sakit sakit na itaas ng paa ko peru di pa po ako nag papa i.e kasi wala pa naman pong lumalabas sakin tas pag nakaupo po ako nawawal namn ung sakit nya sa tingin nyo po anu po gagawin ko umiinom lang po ako ng pineapple juice tapos di po kasi ako makapaglakad kasi sobrang sakit ilakad 37 weeks na po ako

Magbasa pa
4y ago

2 piraso ng buscopan every 3 hours. simulan nio na po inumin . sobrang bisa po promise

VIP Member

congrats mumsh! opo nakakapnghilab po ang buscopan pero inaadvise po yun ng OB kng kailangang kailangan na, do not take buscopan without your OBs advise and wag din po iire ng walang midwife or OB na kasama. sila po magsasabi kung kailangan mo na din umire.

Super Mum

True mommy, pg nasilayan mo na anak mo nawawala lahat ng pain! hayyyy ang sakit manganak pero ang sarap ng feeling. Congrats pala mommy. Hello baby! ang cute mooo

Congrats Same pala tayo mommy 21hrs labor hahaha 1.am ng madaling araw din nag start ako maglabor subrang sakit. Ftm din, 2.9kg c baby girl..

Ok lang po ba uminom ng buscopan?.... Di po ba makaka apekto sa baby yun kahit manganganak na po?

4y ago

hindi po masama un basta sa kabuwanan mona ikaw iinom nun midwife papo minsan nag aauthorized uminom nun sa tamang kabuwanan lang po ang inom nun hindi po basta basta ka iinom nun kahit dmo pa due date .. pampahilab po kase talaga un

Congrats momsh..ako din sa eldest ko katgal ko ng labor.. i hope now di na 😅😅😅

VIP Member

Galing mo naman mommy 🌷 congrats po sa inyo ni Baby at nalagpasan jyo po❤️

VIP Member

same po tau mamsh ng DOB ni baby pati oras ng paglabas...congrats po 😙😘

Buscopan ? Pwede po ba mag take nun kahit close cervix pa po mamsh?

4y ago

kung full term n si baby 37 weeks above pwede na o kaya primrose

Para saan ang buscopan? Kelan po kau nag start mag lakad ng nag lakad?

4y ago

pampalambot ng kwelyo sa cervix po