Share ko lang po may biyanan po kasi akong napakaligalig, last check up ko po nito June 1,2020 nagpacheck up po ako kasi palagi naninigas ang tyan ko at medyo masakit pag nakatayo or matagal akong nakaupo, so ang sabi sakin sa pinagpacheck upan ko mahiga ako at maglagay ng unan sa may bandang sasapnan ko para tumaas si baby kasi mababa na 32weeks and 3days palang po kasi hindi ko pa pwede ianak baby ko kaya doble ingat ako ngayun ,medyo maselan po kasi ako magbuntis,, pangatlo ko na po ito una po ay di nabuhay kasi ectopic ,sumunod po ay nakunan ako kaya nag iingat ako ngayun kasi ayoko na naman mawalan ng baby ,,,so ayun po siguro napansin ng biyanan ko na palagi ako nasa kwarto nakahiga ,yun kasi ang bilin sakin sa check up ko dahil sobrang bilis din ng heartbeat ni baby ,, gusto mangyari ngayun ng biyanan ko maglakad lakad na daw ako at exercise kasi malapit na daw ako manganak July 27 pa po ang due date ko, pinagsabihan pa ako na wag daw ako lagi nakahiga ang gusto nila hindi lang ako sa umaga maglakad gusto yata maghapon eh , di ko naman masabi yung part ko na di pa naman ako sinasabihan ng doc ko na maglakad lakad na kasi mababa na nga yung tyan ko ,, natahimik na lang ako at mangiyak ngiyak dahil nastress na din ako sa sitwasyon namin ng lip ko ,wala kami ipon sa panganganak kaya bumabawi sya sa trabaho para man lang may mapangbayad kami sa ospital, ang hirap gumalaw dito sa bahay pakiramdam mo saling pusa ka lang,palamunin tuloy tingin ko sa sarili ko ,,di naman kami makabukod dahil sa sitwasyon ngayun dahil sa virus ,,, sabi na lang ng lip ko hayaan ko na lang daw,wag ko pakinggan, gawin ko gusto ko at baby ko na lang intindihin ko kasi ayaw nya na mapaanak ako maaga , alam nya nahihirapan ako sa pagbubuntis ko kaya sya lang talaga kakampi ko kaso wala sya dito araw araw.. minsan pa para wala masabi sakin nagtitiis ako ng gutom pinapatapus ko lang muna sila makakain lahat bago ako kumain kung ano matira nila ulam sa lamesa yun na kakainin ko ,para wala lang nasasabi biyanan ko,,, ang hirap makisama pag mali ang nakikita naiiyak na lang ako sa kwarto ,???
Anonymous