the other woman
share ko lang... nahuli ko si hubby na may other woman thru his fb messenger kalaro nya sa mobile games. nag meet sila sa hotel. nalaman ko ito ng di ko sinasadya dahil sa sobrang pag aalala ko na hindi sya nagpaparamdam kung nasaan na sya ng 11pm.(nagpaalam na sasamahan nya uncle nya papuntang tarlac) so out of desperation, gumawa ako ng paraan para malaman ko kung sino huli nya nakausap kasi baka mamaya napahamak na sya sa byahe, then naalala ko na nakalogged in at remember ang pw nya sa messenger ko at nakita ko yung recent message na wala pala sya sa tarlac, nagpunta pala sya sa hotel para imeet yung babae at magovernight sila. pinapili ko sya kung uuwi ba sya o hindi, kasi kapag hindi, wala na sya babalikan kahit kailan. umuwi naman sya. tinatanong ko kung may nangyari sa kanila ng babae nya sabi nya wla, imposible naman yun ano yunh nagprayer meeting sila...nagawa daw nya yun kasi nadeprrss sya at humanap ng nakakaintindi kanya, wala kasi ako masyado time noon sa kanya dahil ako lang ang may work sa amin at nag aaral at the same time. inaalala ko kasi baka mabuntis nya yung babae at balikan sya, eh hindi pa naman ako buntis nun kahit kasal na kami. sabi nha nila may part talaga na di aaminin ng lalaki kahit totoo naman na nagawa na nila. pinatawad ko si hubby. pero nagkaroon ulit sila communication nung babae. ang hirap..... parang minsan manhind na ako... tapos takot ako maulit pa yun sa susunod d ko alam kung kaya ko pa ba sya tanggapin. o patawarin. mabait naman po, maasikaso at hindi nananakit asawa ko.. yung babae lang talaga at bisyo sa mobile game ang prob ... sa mga wife na katulad ko.. keep on praying....
Mommy ni Magnum at CZ Parabellum