Baby's daddy

Share ko lang mga mommies tsaka pahingi narin ng advice nyo Yung partner ko sa tingin buhay binata padin kaya nandito padin ako sa bahay ng parents ko BTW 28weeks preggy na ako. okay naman kami ng partner ko masaya at excited sya kasi magkakababy na kami pero kasi dba dapat sinusustentuhan or kahit papano hati kami sa pagpapacheck up, pagbili ng vitamins o sa pagbili ng gamit ni baby? hindi pa nya kasi ako nabigyan ng kahit konti sa sinasahod nya at take note po nakatanggap pa sya ng ayuda dalawang beses na pinangpatatoo, pinang inom at pinang paganda ng motor nya. Syempre dito ako sa parents ko nakatira simula nung natanggal yung ECQ isang beses palang sya nakadalaw sakin dito nahihiya daw kasi sya sa parents ko. At bilang nandito ako sa parents ko hindi din maiwasan na magtanong o magsabi sila sakin na pa easy easy lang yung boyfriend mo dun alam ba nya yung mga pinaggagagawa mong checkup dapat sinusustentuhan ka nyan hindi yung ikaw lang gumagastos pati pagpapakasal nyo hindi pa inaayos πŸ˜” Ngayon nakabili na ako ng konting gamit ni baby, nagalit sakin parents ko kasi bakit daw ako lang nanaman bumili bakit daw hindi ako tinutulungan ng partner ko πŸ˜” hindi ko naman masabi sa kanila na bakit hintayin ko pang bigyan ako ng perang pambili nun eh mas madalas pa ngang manghingi sakin ng pambili ng mga gamit nya sa motor o kung saan man minsan din sakin pa nanghihingi ng budget nya pangbaon sa work πŸ˜” Sa tingin nyo po? Mas okay na dito nalang muna ako sa parents ko o sumama na ako dun sa partner ko? Gusto nya kasi pagkapanganak ko dun na ako sa kanila tumira eh kaso parang magiging kawawa naman ako nun baka di pa ako magaling sa panganganak kailangan ko na agad magtrabaho para mabuhay ko sila pareho πŸ˜”

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo momsh na sa kanila muna tumira. Kase parang mas inuuna nya mga hilig nya kesa sa inyo. Si mister nga kahit lockdown at sa parents ko muna ako tumuloy, talagang gumagawa sya ng para mabisita at madalhan nya ko ng mga needs ko. Hilig din nya magpaporma ng motor pero natigil na yun mula nung mabuntis ako. Sa sobrang awa ko nga ako na nagsu-surprise sa knya ng mga pyesa πŸ˜‚

Magbasa pa
4y ago

Sana all momsh. Sakin mas inuuna pangsarili nya kesa samin ni baby. Iba yung mga sinasabi nya sa ginagawa nya πŸ˜”

Para sa akin sis. Try mo na dun ka. Di kasi natin masasabi yan, dpende rin yan sa klase ng lalaki. Baka rin nahihiya talaga yang partner mo sa parents mo. Mas mkaka galaw2x kasi ang guy lalo na pag komprtable sya sa tahanan. Mag adjust.ka.talaga sis kasi mag asawa na kayo eh. Dapat pag usapan nyo yan. May malaki na kayong responsibilidad bilang magulang.

Magbasa pa
VIP Member

Stay with your parents nalang po muna, di ka po nya maalagan ngayon buntis ka pa ano pa po iexpect nyu doon pag tumira ka sa kanya. Baka mastress ka po lalo, mahirap pa naman magbantay ng bata. Kung willing sya gawin ang bagay talaga, mawawala ang hiya niya humarap sa mga magulang mo mas mahiya sya kung hindi sya makapagbigay po sa inyo ni baby. πŸ˜”

Magbasa pa
VIP Member

Kaylangan pagusapan niyo muna ng maigi yan sis. 😊 ipaintindi mo sakanya na priority na niya dapat yung baby niyo. Kung ganun parin siya kahit after niyo magusap siguro that's the time na pagisipan mo kung sasama ka sakanya and i think hindi worth it. Magsuffer ka lang. Kung gusto niya makasama kayo ni baby iprove niya na gusto niya at kaya niya.

Magbasa pa

ikaw nkka alam talaga sa ugali ng hubby mo po sis, if hindi ka nya pababayaan if dun ka sakanila try mo lang, if alinlangan ka sis jan kna lng sa bahay nyo total hindi nmn sya nagbibigay sayo, magkaka anak na kyo tapos mahihiya pa sya sa inyo , palusot lng ata nya... Isipin mo lng mabuti desisyon mo po.. God bless po

Magbasa pa

Sa parents mo. Alam mo naman sa sarili mo na irresponsible yung partner mo. Day one pa lang dapat sinusuportahan ka na niya kaso mas inuuna niya yung luho niya kesa sainyo ni baby. Mas okay kayo sa poder ng parents mo. Kahit saan anggulo, walang reason para mag live-in kayo.

Napaka irresponsable naman ng partner mo sis. Yung asawa ko parehas kami may trabaho pero lahat ng sahod nya inientrega nya sakin kahit alam nyang may pera ako. Ngaun ngang naka skeletal ang pasok nya naghanap pa sya ng side line maibigay lang pangangailangan namin.

try mo after birth sakanila ka,para makita niya un needs niyo magina,baka lalo sya magpursige pag kasama nya kau,tsaka be honest sknea,kausapin mo,minsan din kasi mga lalaki dapat deretsahan pagdating sa mga ganiyan bagay

ngaun palang ganyan na xa paanu nlng kng lumabas na ang bata better mag isip ka maigi..mahirap pumasok d madaling lumabas......kng kaya mo nman at suportado ka nang parents mo wag ka nlang umasaπŸ™‚

Hindi pa nga niya napuprove sa'yo pati sa parents mo na responsible siya eh, so dapat lang na hindi ka sumama sa kanya. Patunayan niya muna na kaya niya kayong buhayin ni baby mo bago kayo bumukod.