Baby's daddy
Share ko lang mga mommies tsaka pahingi narin ng advice nyo Yung partner ko sa tingin buhay binata padin kaya nandito padin ako sa bahay ng parents ko BTW 28weeks preggy na ako. okay naman kami ng partner ko masaya at excited sya kasi magkakababy na kami pero kasi dba dapat sinusustentuhan or kahit papano hati kami sa pagpapacheck up, pagbili ng vitamins o sa pagbili ng gamit ni baby? hindi pa nya kasi ako nabigyan ng kahit konti sa sinasahod nya at take note po nakatanggap pa sya ng ayuda dalawang beses na pinangpatatoo, pinang inom at pinang paganda ng motor nya. Syempre dito ako sa parents ko nakatira simula nung natanggal yung ECQ isang beses palang sya nakadalaw sakin dito nahihiya daw kasi sya sa parents ko. At bilang nandito ako sa parents ko hindi din maiwasan na magtanong o magsabi sila sakin na pa easy easy lang yung boyfriend mo dun alam ba nya yung mga pinaggagagawa mong checkup dapat sinusustentuhan ka nyan hindi yung ikaw lang gumagastos pati pagpapakasal nyo hindi pa inaayos π Ngayon nakabili na ako ng konting gamit ni baby, nagalit sakin parents ko kasi bakit daw ako lang nanaman bumili bakit daw hindi ako tinutulungan ng partner ko π hindi ko naman masabi sa kanila na bakit hintayin ko pang bigyan ako ng perang pambili nun eh mas madalas pa ngang manghingi sakin ng pambili ng mga gamit nya sa motor o kung saan man minsan din sakin pa nanghihingi ng budget nya pangbaon sa work π Sa tingin nyo po? Mas okay na dito nalang muna ako sa parents ko o sumama na ako dun sa partner ko? Gusto nya kasi pagkapanganak ko dun na ako sa kanila tumira eh kaso parang magiging kawawa naman ako nun baka di pa ako magaling sa panganganak kailangan ko na agad magtrabaho para mabuhay ko sila pareho π