Baby's daddy
Sorry po pero magshare ulit ako nastress po ako at nagpapanic ngayon. October 1 po due date ko base sa LMP ko at sabi ng partner ko malapit na daw ako manganak wala daw sya ipon. Dito kasi ako sa parents ko nakatira at dun naman sya sa bahay nila kaya hiwalay kami. Okay naman kami walang problema. Pero kasi simula nagbuntis ako wala sya binigay para samin ni baby, dapat nga nagbibigay or sya na nasagot sa mga check ups, vitamins, laboratories lalo na sa mga gamit ni baby dba? Pero po wala talaga sya nabibigay. Nung naglockdown po dba may mga pinamigay na ayuda pero kahit nabigyan sya ng dalawang beses wala ako natanggap kahit hindi na para sakin para kay baby nalang sana pero wala po talaga. Pinangtatto, pinang inom at pinang paganda nya lang ng motor nya. Ngayon po sabi nya malapit na ako manganak pero wala sya ipon pano daw gagawin nya ๐ simula nung nagusap usap kami ng parents ko napagusapan namin na magipon kami parehas para sa pagpapakasal at panganganak ko pero naglockdown kaya di natuloy ang kasal pero kahit lockdown matutuloy at matutuloy parin ang panganganak ko pero wala sya inipon. Ano nalang sasabihin ko sa parents ko na walang ipon yung daddy ng baby ko kaya kami lang gagastos kasi alam ko din namang kulang din ang ipon ko ๐ Nakakastress lang kasi nakakahiya na sa parents ko na sila parin nagastos sakin kahit hindi na dapat ๐ hindi ko din alam kung pano ko sasabihin kila mama na wala na kami aasahan sa daddy ng baby ko ๐