Share ko lang mga mi. Nung friday ng umaga pag gising ko sobrang sakit ng mga binti ko. Halos di ko maapak at mailakad. Talagang gusto ko ng iyakan. Yun yata yung pulikat na tinatawag. Tiniis ko yun hanggang hapon di parin nawawala kaya chinat ko na ob. Tinanong nya anong bp ko sabi ko nung una mababa over ko nasa 58 lang gawa ng ilang gabi na kong madaling araw na nakakatulog. Pero nung sumunod na bp ko normal na. Then tinanong nya kung kumusta movement ni baby. Dun ako nabahala kasi less movement sya that time so yun na nga sabi ni ob er na ko. Magpa bps and nst. Pero pinakiramdaman ko muna hanggang mag gabi movement ni baby and less talaga dagdag pa na hirap akong makalakad pero nag decide parin akong pumuntang er non. So yun na nga pagdating ko ng er sinabi ko nararamdaman ko. Sabi ko magpapa nst ako. So sinalang na ko ok naman heartbeat ni baby. Hanggang nung in i.e ako. Pag tanggal biglang bumulwak yung dugo. Normal lang daw yon sabi nung ob (not my private ob kasi sa public ako pumunta sa papaanakan ko). Pero di pa rin nawala yung dugo as in tumutulo talaga tas dun na nag start yung contraction ko which is bago ako nagpa er wala akong kahit anong naramdaman pa tlaaga maliban lang don sa pulikat and less movement ni baby. Maya maya sinalang ulit ako sa nst so yun na nga nakita na na nag ccontract na ko. In i.e ulit ako so na open cervix na nga ako. Sa unang i.e nya pala close pa ko. Yun na nga pinag decide tuloy akong ipa admit na di ko talaga inexpect. So ngayon stock ako ng 2cm and may konting bleed nalang kaya pinauwi muna ako. Ok na rin kasi na inject na rin ako ng pampa matured ng lungs ni baby kasi nga di pa sya full term. Sino mga naka experienced ng ganto mga mi? Share nyo naman anong ginawa nyo and anong nangyari sa inyo?