Share ko lang ang experience ko sa panganganak

My baby Charles Lorenz EDD: Nov 17, 2019 Birth: Nov 8, 2019 Ngayon ko lang nashare sa inyo, pinagbawalan kasi akong gumamit ng cellphone baka daw kasi mabinat ako. So ayun na nga, hindi ko inexpect na mapapaaga ang panganganak ko. Basta ang alam ko lang naglakad ako ng bonggang bongga then kinabukasan sumakit na ang tyan ko. Mga around 5am nagtext na ako sa ob ko pero dahil matagal magreply si ob, dumeretso na ako sa er. Kaya lang 2-3cm pa lang daw kaya ayun umuwi muna ako kahit pwede naman ako magpa admit. Super dami lang kasi ng mga manganganak that time kaya tinamad akong makisabay. hehehehe. Then pasakit na ng pasakit yung tyan ko at balakang ko buong maghapon. Hanggang sa di ko na kinaya ang sakit nung mga bandang 10pm na kaya nagpahatid na ulit ako sa er. Nahihiya pa nga ako nun magpasama kay mama kasi alam kong pagod na pagod na sya tapos wala pa siyang maayos na tulog. Then, pagdating namin sa ER, 3cm parin daw. Sabi ko na lang super sakit na nga ng nararamdaman ko tapos 3cm parin? Ginawa na lng ng duty na doctor tinext nya yung ob ko kung anong mabuting gawin ko. Pero dahil nga matagal magreply si ob, nagwait pa ako ng 1hr sa ER. Then finally nagreply na sya at sabi nya pwede naman ako magpaadmit kung kakayanin ko na nakawheelchair lang ako. (Public Hospital po kasi at walang bakanteng bed). Pumayag na rin ako kasi kung uuwi na naman ako tapos bigla akong manganak sa daan edi mas mahirap yun. Titiisin ko na lang na nakawheelchair atleast nakaupo. Then dinala na nila ako sa delivery room, buti na lang may tapos ng manganak kaya may magagamit akong kama. Then in-IE nila ako at nagulat sila kasi 6cm agad samantalang 3cm lang ako sa ER. Then after 30mins, 8cm na. at maya maya pa 10cm na. Muntikan ng di umabot ang OB ko kasi natraffic pa siya. And after ng super hirap na paglelabor, pinanganak ko si baby ng 3am Nov 8, 2019. Haba ng kwento ko noh? Ikaw anong kwento ng panganganak mo? ???

Share ko lang ang experience ko sa panganganak
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

congrats sis.sa akin naman dati I gave birth wala pa yung ob ko kaya sa bed ko naipanganak ang baby ko.sabi kasi ng ob ko 1am pa raw ako manganganak eh 6 pm talagang di ko na keri kaya umire ako ng umire ayun hanggang sa lumabas na si baby kaya pag dating nung ob ko nagtahi na lang siya

5y ago

Hindi man lang nahirapan ang mga ob sa atin. Nagsariling sikap na tayo bago pa sila dumating. Hehehe