Bad dream due to stress

Share ko lang mga mi kung ako lang ba, nagising ako ngayon gawa ng nanaginip Ng masama, una Kong panaginip ung sobrang stress ako last last month kakaisip sa future ko like panu manganak kakayanin ko ba ung mga fears Ng mga maging soon to be mom na for the first time, kakaisip ko nun nanaginip ako Ng sobrang parang true to life ((nd ko na po ilalahad)then after few days narealise ko sguro Dala Ng stress baka ganun epekto sken kakaisip Hanggang sa magpalpitate , bilis tibok Ng puso sabay heartburn paggising o may times na nafefeel to pag Masyado madami iniisip, then ngaun nanaman nanaginip ako ng as in bad dream talaga grabe gawa Ng stress kahapon sbe ko kahapon kontrolin ko Kasi baka maheartburn o managinip nanaman ako Ng masama natatakot Nako matulog ulit pagganun, nd Naman nanaginip kagabi pero ngaun ung epekto. Paggising ko takot na takot ako Kasi parnag totoo, bilis Ng heartbeat k pati si baby parang nafeel din ako sobrang galaw, ako lang ba ung ganito ? Share nyo Naman mga mamsh . Hayss#1stimemom #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy. try nyo po kaya magpalit ng pwesto sa pagtulog? ganito po kasi ako nun. dati ung pwesto namin sa may pinto ng kwarto ung mga unan. pero ngayon baligtad. paanan namin nasa may pinto. di po dahil sa pamahiin o ano. baka sa circulation po ng hangin naapektuhan pagtulog nyo. pag po masama panahinip nyo at nagising kayo, inom po kayo ng tubig para kumalma agad kahit papano. di ko po alam gaano katotoo ung sa tubig pero kahit pag nagugulat ako iinom din ako tubig para kumalma. kakayanin natin to mommy. have faith. 🥰

Magbasa pa
3y ago

napainom din ako Ng tubig mi after makapagmuni Muni sa paggising, nakakatakot lang matulog ulit mi kahit antok Kapa, then nagpray din ako. Ang creepy lang na ewan, mahaba Kasi pag kwinento ko pa buong panaginip ko, pero as in nakakatakot talaga tipong gising kana pero feeling mo totoo panaginip mo. Try ko din yan mi, baka Kasi dahil Isa lang din bintana sa kwarto nmen then ung makikita is pader lang Ng kapitbahay nmen haha kaya Wala Masyado hangin. thank you mi, stay safe po satin 🥰

VIP Member

Same here mommy na recently super realistic ng dreams ko. Kagabi nga lang ang dream ko nanganak na ko and akala ko totoo kasi pati yung week ko ngayon is tama, so parang premie si baby. Medyo nadisorient ako paggising. Altho not the same effects as yours mamsh, so siguro I suggest iconsult din sa OB kasi di natin alam yung level of stress na may effect kay baby. Pero if it helps, know that the dreams your having are normal and not think too much about it. Kapit lang mommy, makakaraos din tayo hehe

Magbasa pa

Ako nmn po hindi ganyan hindi ako nananaginip o nag iisip ng mga negative nilalakasan ko loob ko para kay baby. ang palage kong iniisip kakayanin ko lahat. kaya ko lahat para sa baby ko dapat po ganun din iniisip nyo mii wag po kayong panghinaan o mag isip ng kung ano ano isipin nyo po kaya nyo para sa baby nyo.

Magbasa pa

Normal naman po magkaron ng super realistic dreams. Pero if it's due to stress po you have to do something about it. ☺️ Hopefully that article helps. May isa pa akong Pregnancy app na gamit (Pregnancy tracker by Timsky) and very nice yung everyday articles na uploaded , try mo din po idownload.

Post reply image
3y ago

yung upload po ng articles depende kung ilang weeks na si baby. sakin kasi 15 weeks na so madami na yung uploaded hehe. try nyo po para mabasa nyo yung articles. pwede mo naman ibalik sa tamang due date after. ☺️

Gnyn din po ako, nagigising naman ako madaling araw dahil naiihi, tapos ano2 na naiisip at kinakabahan nalang at mag isa lang dn ako sa room ko. Ginagawa ko po, is pray lang. At isipin na if kaya ng iba mommy, kaya ko din. Tapos nagiging okay din. 😊🙏

3y ago

hindi naman ako lagi nanaginip Ng weird or bad dreams mi, narealise ko lang sya kapag sobrang isip ko sa mga bagay2 na ganyang, overthink Malala talaga, sabay worried sa future ganun, Minsan may di pagkaintindihan ni partner ganun , kinokontrol ko Naman sya pero pag talaga inatake Ng stress o anxiety Jan pumapasok ung bad dreams, Nung naexperience ko parang ayaw ko na matulog ulit gawa Ng takot, pero nagppray Naman ako iniisip na kabaliktaran mangyari, stay safe sten mi 🥰

Ako naman mi kakabasa ko ng mga horror stories sa fb napanaginipan ko na yung husband ko na sasaksakin daw ako hahahaha tapos may nag landing daw na aswang sa bubong namin. Ayun tinigilan ko na kakabasa, nakakastress hahahaha

3y ago

Oo mi grabe nginig ko nung nagising ako hahahaha kaya sabi ko puro happy thoughts na lang. Para di na horror panaginip hahaha. Happy thoughts lang tayo mi! Para di din maapektuhan si baby. Scary talaga pag naiisip natin yung future pero bigay ni Lord to. At di ibibigay ni Lord to kung di natin kaya 🥰🥰🥰

hi mommy, di ka po nagiisa. ako dn nkkaramdan ng ganyan. libangin nio po sarili nio at iwasang magisip.. play ng music or maglakad lakad... and best of all, pray lng po tau. kaya nio po yan. 🤗 feel better soon po.

Magbasa pa
3y ago

thank you mi 🥰 sayo din po, ingat po parati

ako naman po palagi nanaginip ng mga patay pati yung lolo ko na patay na napapanaginipan ko natatakot tuloy ako baka may masamang mangyari sa baby ko

3y ago

mostly po Kasi pag sobra yata taung nagooverthink eh kung ano2 napaginipan natin, Lalo sating mga Preggy nagcchange ung hormones kaya mas nattrigger din Lalo e. Kahit sabihin na magkontrol o wag pakastress, ako nafefeel ko paminsan Minsan ung feeling alone, tipong Masaya ka Naman tapos biglang Ang lungkot mo na after tas Hanggang sa naiiyak ka nalang. Keep safe satin mii, makaraos din Tayo 🥰