ANG SAKIT MAG LABOR!!!!

Share ko lang experience ko mga miii hehehe para narin to sa mga manganganak PA LANG or near due date na. TAMA nga sabi nila hindi biro manganak tipong gusto mo na talaga ilabas si baby pero hindi pa pwede kasi nasa 1-4 cm ka pa. Yung pabalik balik ka ng delivery room kasi gusto mo na talagang manganak pero sabi ng midwife malayo pa juskooooo... Kakapagod ayon lakad lakad ulit, squat squat ulit hanggang tumaas yung cm 🤣 Tapos kapag nag contraction ka pa hindi mo ma e explain yung sakit tipong gusto mo ng sabunutan partner mo kasi sa sobrang sakit. By the way, induce labor pala ako yung tipong overdue ka na pero wala paring any signs of labor kaya yun na induce labor tuloy ni doc. Yung induce labor more pain talaga kaysa normal lang na labor kasi continues yung sakit nya yung tipong gusto munang umiyak pero bawal kasi papagalitan ka. At ito pa, MAS SAKIT MAG LABOR KAPAG MAY ALMORANAS KA 🤣 Iwan ko nalang yung tipong lalabas na ulo ni baby tas sumabay pa yung almoranas mo abaaaaaa ang sakit 🤣 pero lahat ng yan WORTH IT in the end pag nakalabas na si BABY MO!!! Pag nakaraos ka na yung tipong parang wala nalang yung sakit kasi nandyan na yung BABY mo ❤️ Oo, expect mo nalang na masakit talaga mag labor pero pag nandyan na baby mo WORTH IT TALAGA! Pray ka lang kay God makakaraos ka din mommy.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Not in my case baby out 2 weeks before due date. Masakit but tolerable. Nagsimula sumakit around past 12mn to 1am,di ko pinansin kase dko expect na yun na yun. Bigla lang sumakit tyan ko pero binalewala ko tas ihi ako ng ihi until na pansin ko may mucus plug na nung nagpunas ako ng tissue. Nd na ako nkatulog after nun. Sumasakit xa sa left side paikot puntang kanan. Nka left side lying position ako hanggang umaga. Around 7 am nagpunta ng hospital pra sa antigen swab waited for almost an hour pra sa result and nag punta na sa hospital kung san ako manganak. Admitted around 1030AM baby out 1150hrs. Nung ni IE ako ng attending doc while waiting my OB fully dilated na pala bat ang tahimik ko daw😅 hanggang dun nakahiga na sa DR sabi ni OB ko ok lang ba daw ako kase ang tahimik ko. Haha sa isip ko pano ba umire kailangan ba yung nasisigaw haha umire ata ako not more than 5x baby out. Yung ma fefeel mo yung paghiwa for episiotomy and yung fundal push baby out partida nka face shield and double mask pa ako pagpasok hanggang paglabas😂 now my baby boy is 10mons old today💕

Magbasa pa