ANG SAKIT MAG LABOR!!!!

Share ko lang experience ko mga miii hehehe para narin to sa mga manganganak PA LANG or near due date na. TAMA nga sabi nila hindi biro manganak tipong gusto mo na talaga ilabas si baby pero hindi pa pwede kasi nasa 1-4 cm ka pa. Yung pabalik balik ka ng delivery room kasi gusto mo na talagang manganak pero sabi ng midwife malayo pa juskooooo... Kakapagod ayon lakad lakad ulit, squat squat ulit hanggang tumaas yung cm 🤣 Tapos kapag nag contraction ka pa hindi mo ma e explain yung sakit tipong gusto mo ng sabunutan partner mo kasi sa sobrang sakit. By the way, induce labor pala ako yung tipong overdue ka na pero wala paring any signs of labor kaya yun na induce labor tuloy ni doc. Yung induce labor more pain talaga kaysa normal lang na labor kasi continues yung sakit nya yung tipong gusto munang umiyak pero bawal kasi papagalitan ka. At ito pa, MAS SAKIT MAG LABOR KAPAG MAY ALMORANAS KA 🤣 Iwan ko nalang yung tipong lalabas na ulo ni baby tas sumabay pa yung almoranas mo abaaaaaa ang sakit 🤣 pero lahat ng yan WORTH IT in the end pag nakalabas na si BABY MO!!! Pag nakaraos ka na yung tipong parang wala nalang yung sakit kasi nandyan na yung BABY mo ❤️ Oo, expect mo nalang na masakit talaga mag labor pero pag nandyan na baby mo WORTH IT TALAGA! Pray ka lang kay God makakaraos ka din mommy.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kinabahan po ako. Kasi dalawa yung almoranas ko ngayon 😭 Hindi ko maimagine yung sakit. Sa cr palang umiiyak nako what more kung actual na.

2y ago

pg my almoranas po ba na ccs?

team August kaway kaway malapit lapit na tayo 😆😄 pwede rin by last week ng july 🤗 congrats po sainyo mommy ☺

2y ago

August here medyo may konteng Kaba Sana naka ikot na si baby last na nagpa ultrasound ako naka breech pa si baby 🥺

VIP Member

same mi grabe saket sa induced sabe ko doc ayoko na haha sabe nya ayan anak pa 🤣 una dugo pa ako nun at ang dame kong poop 😩

congrats miii, omygaad my almoranas din po ako katakot naman pooo huhuhu first time mom po ako . kakayanin koba mi???

Walang kapantay yong sakit mii😅Pero pag nakita mona c baby mawawala lahat ng sakit at hirap sa pag labor. ❤

congrats mii at nakaraos ka na, sept pa due date ko. Every morning lakad ako ng lakad atleast 30mins

2y ago

ako po first week of September ❤️ sabay sabay tayong mag labor 😂 second baby ko naman po

grabe mii 1st time ko ma IE today ang shaket na pano pa kaya pag labor na huhu 😥😥

2y ago

Hindi naman po agad agad ubos may time pa tumakbo sa hospital delikado kasi pag bumaba ang amniotic fluid kapag pansin mo na di macontrol yung fluid na lumalabas mabsabi agad kay ob at punta na sa hospital, and Yes po tumitigas po tlaga tyan pero dapat po hindi magtagal ng super, same po sobra din kaba ko nung nsa early weeks pa kausapin mo din si baby na kapit lang sya wait nya ma full term sya bago lumabas 😁 37 weeks here kinakabahan ako sa pag llabor pero mas nangingibabaw excitement ko na makita na baby ko

October pako manganganak pero natatakot nako jusme HAHAHAHAHAHA

Yung pagkatapos mong tahiin e EI ka ulit jusko

Mommy dumugo po almuranas mo?