RESPONSABLENG AMA?

Share ko lang .. Ang hirap pala mag asawa no? Ilang buwan palang kami nag sasama ng mister ko kasabay ng pagkabuo ni baby 6months.. Sa pangatlong buwan na pag bubuntis ko dun ko nasimulan makita yung bagay na kaya nya kaming tiisin ng anak nya .. Yung Bisyo nyang Pag SUGAL . Actually Isang beses nya ginawa yun pero 9k yung tinalo niya Buong sahod nya ng isang cut off Pag kuha nya ng pera nya Dina siya umuwi at pumasok ng trabaho buong araw ako nag hihintay inabot na ng tanghali natiis nya kami ng anak kong di kumain buong maghapon .. ang sakit diba?! .. ginawa ko umuwi ako samin QC to Tondo buti nalang at may gatas ako at biscuit bago ako magpasundo Nakakain muna ako, hindi pa kami nakabukod noon nangyare yun dun kami nakatira sa kanila akala nya siguro andon mama at papa niya na kahit iwanan nya kami e may magpapakain sakin, tyempo na wala parehas ang parents nya Bumalik ako sa bahay nila wala parin siya umuwi na siya madaling araw na at nag usap kami kung itutuloy paba namin relasyon namin o hindi kasi si baby lang mahihirapan kung mapapabayaan nya kaming mag ina Pero hindi siya pumayag... kaya binigyan ko siya ng chance para baguhin yung sarili nya.. Hanggang sa naulit na naman ngayon araw Na akala ko kapag nakabukod na kami dina nya yun gagawin dahil alam nyang wala akong kasama sa bahay namin.. pero nagkamali ako .. sakto wala din akong kapera pera nasakto pang ubos na ang tubig gatas bigas namin .. ang sakit sa dibdib na natitiis nya kami ng anak nya diko alam kung Mahal nya ba talaga kami mahalaga ba kami sa kanya o hindi.. Ituloy ko paba na makisama sa kanya ? kasi nakakastress po ayoko po madamay si baby sa pag iisip ko :'( gusto ko lang ishare kasi sobrang sama po ng loob ko ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Be strong po for your baby. You have to choose. Be a good mother or be a good wife. Sakin sis wag mo na sya asahan. Nakakaawa si baby go to your parents nlng muna mukang nakapili na sya eh bisyo nya napili nya. Kaya mo yan isipin mo anak mo. Yun ang number 1 priority mo

5y ago

Nag up pa to 😁 Going 8months na si baby sa feb.15 and naulit ulit kahapon to haha .. Konting tiis nalang lalabas na si baby 😊 Thank you sa advice

dats love pero hanapin mu muna sarili mu,love urself and the bby..bawal mastress kc buntis ka,kawawa c baby

5y ago

naulit ulit kahapon .. mag 8months na po si baby diko na masyado dinadamdam ginagawa nya .. Konting tiis nalang naman lalabas na si baby 😁