Kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?

Moms, paano at kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?

Kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?
89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

We were together since high school but we only tied the knot 13 years after, during our 13th anniversary. I know na sya na talaga kasi kahit LDR kami for most of the time of our relationship, hindi kami natibag. 😊Now we are expecting our first baby after 2 years of marriage.

I prayed for it. Almost 7 years din kaming mag couple before kaming magpakasal. Sa 7 years na yun, mas nakilala ko kung sino at anong ugali meron siya. Then dun ko nasabing ready na kong mag settle. Lalo na ngayon, magkaka baby na kami. Sobrang blessed ako sa asawa ko.

VIP Member

I know na ready na ko nung time na nakita kong may enough savings na kami ng partner ko, alam kong kaya na namin at stable narin ang parents ko. Until now, no regrets sa naging decision ko, kasi happily married kami for almost 6years now at may cute baby boy narin kami.

Nkitahan ko sya ng kabusilakang puso. Mapagmahal sa pamilya nya sa mga magulang kapatid at mga pamangkin niya. D ako buo ng mgkakilala kami pero tinanggap nya ako. That time gusto ko n ring mgbaby kya nagpkasal n ko saknya. After a month buntis na ko.

VIP Member

Nong dumating si Baby. don na nagsimula lahat ng plano. Hindi pa talaga kami ready pero pag magulang ka na pala talaga don mo na marerealize lahat ng bagay . na kailangan lahat nang Plano at desisyon ay para sa ikakabuti nang Pamilya at mga anak..

VIP Member

Una pinagdasal ko talaga na sana kami na ang magkatuluyan bukod doon naging mas sigurado ako sa feelings ko sa boyfriend ko at nag ready kami oara sa buhay mag asawa sa pamamagitan ng pagtatapos ng aming kurso at makahanap ng stable na trabaho.

yung time na hinayaan namin si God na mag guide sa amin if it's our time to settled down, and I can say it's all worth it, worth yung time na naghintay kame kung kelan hahayaan ni God na bumuo kami ng sarili namin Family. πŸ’žπŸ’žπŸ˜˜πŸ˜Š

Nong nakita kong responsible siyang ama sa amin. Bata pa kasi ako nong nabuntis niya at di pa talaga ako ready narealized ko na lang na nong nag 8yrs. na yung son namin and we give and take lang pagdating sa mga bagay. ☺️

Nung nakilala ko sya,pinagdasal ko na sana siya na bigay saken ni Lord. kinumpleto ko pa ung simbang gabi non,tpos yun ang wish ko.hehe naging kame at 8yrs mahigit na kame at kaka Kasal lang namen kAhapon. β€πŸ’•

It's an unexplainable feeling.. I just felt it. I was in a 6yrs long relationship before I met my husband now. Things happened so fast between us. Basta bigla mo nlng mararamdaman handa ka na at sya na.