Sept 26, 2022 nag start pumasok si LO sa therapy center para sa may ASD.
Habang ineevaluate si LO, iniinterview naman ako ng isang staff regarding sa can do's niya.
Day1: Umiiyak talaga siya kasi ayaw ni LO na anything new sakanya, threaten siya. Madalas ang pag iyak during sess and di cooperative si LO. 1 task lang daw nagawa niya.
Day 3: Di siya umiyak nung kinuha sya sakin ni Teacher, that's a good sign sabi ko pa sa isip ko. From 1 task to 4 task na ang nagawa niya. Sobrang happy ako. Nabawasan din daw ang pag iyak during sess and nagkukusa na daw siya pero minsan may time pa din na ginaguide pa din niya si LO.
Usually twice a week lang daw talaga ang sessh a week pero I suggest na thrice a week kasi yun naman ang suggestion ni DevPed.
Nag pe-Parent Training din ako para malaman kung bakit may mga behavior ang bata na di natin maintindihan at kung ano ba dapat ang gawin natin kapag nakikita natin yung mga unusual na ginagawa nila kaya with all this knowledge mas naiintindihan ko pa si LO. 🥰
Note: If you are planning to assess your LO at wala kayo mahanap na Devped pwede "daw" sa Psychologist pero iba pa din daw talaga pag sa DevPed. Try nyo lang din po mag inquire, wala naman mawawala. 😁