Birth Story

Sept. 25 nagpa ultrasound ako kasi 40 weeks and 1 day na still no signs of labor.. pagkakita ng ob ko sa result need na daw ako pa admit dahil konti nlng ang water ko. wala naman akong napansin na nagleleak na pala water ko. So nung hapon, nagpa admit na ako. By 5pm nasa labor room na ako, no fone, no bantay.. mga kasabayan kong buntis lang ang andun. Stuck at 2cm pa din ako hanggang sept. 26 ng 5am. Nkailang insert sakin ng EPO, no progress pa din.. Dumating OB ko at sabi need ko na e induce kasi delikado kung maubos na tubig ko.. dun na nagstart ang active labor ko, though bearable pa naman ang pain. By 7pm, 4cm na. Napapaaray na ako.. Dumating ulit OB ko tas minonitor na progress ko. 4cm pa din ako. tapos by 8:30 kinabitan na ako ng pangfetal monitoring. biglang takbuhan ang nurse kasi di na daw gumagalaw baby ko. buti nlng di umalis si ob, by 9pm dinala ako sa operating room para sa emergency CS.. grabe pala ang hirap ng CS operation. di ako natulog. panay dasal ko na sana ok lang si baby.. gusto ko gising ako para marinig ko ang iyak ni baby.. Thankfully by 9:50pm baby's out na.. napasigaw pa ako ng thank you, Lord.. Di ako nakatulog hanggang sa pinakita sa akin si baby, kaso yung pototoy lng nakita ko. hahaha. buti nlng gising ako ng dinala ako sa isang room kung saan nakarequest ako kung pwede ko makita si baby. laking tuwa ko ng makita ko ang baby Kalix ko.. 3.8 kilos sya at double cord coil pa kaya pala di xa bumaba.. Tumaas din ang BP ko after operation kaya im on medication until now. si baby naman super healthy, no complications which i am thankful for. sorry mahaba maxado.. hehehe. di rin ako magaling magkwento.. Good luck and God bless po sa lahat ng buntis!. Laban lang, kayang kaya nyo yan!#1stimemom #firstbaby #theasianparentph

65 Replies

same case tayo momsh..sept 20 ako na CS..sept 19 ng gabi tinurukan ako ng pangpahilab para manormal delivery ko si baby kaso ilang hrs na naka lilipas walang progress open ng cervix ko kaya nag decide ob ko na iCS ako..kaya pala di nababa si baby na cord coil pala sya..di lang tayo same nagising during CS momsh kasi ako pinatulog nila ako..nataas din bp ko at nag memedication ako ngayon..pray lang kay Lord na hb lang natin to during pregnancy natin momsh..🙏🙏 #firsttimemom

Congrats mommy..ang cute n baby,ako 39weeks and 4days na ngaun kaso panay hilab lng nman nrrmdman ko,tpos lastweek meron prang dugo n marumi s panty ko,yun lng til now sarado p nman cevix ko,nag aalala n din ako,pg dpa dw lumabas gang oct5,paadmit nku ng hospital sabi ng ob ko..nakakakaba😥

Same! Oct 5 din po due mo?

same story of my 1st born ..di ko na notice nag leleak na pala water bag ko hanggang emergency cs nangyari kasi pawala-wala na heartbeat ni baby ko ..breech pala siya kaya diko mailabor ..pero thanks God healthy naman baby ko..and now his 7yrs old..

same experience tayo mami ☺️ first time mom din po ako . halos ganyan din po naramasan ko kaso po hika naman ang kasabay nung sakin . si baby din po ang healthy 😅 thanks god talaga 💚 congrats po 💜

congrats po mommy .. akin 2cm noon setp 22.. ilan araw na sumasakit balakang ko pero wala naman nalabas sa akin dugo or tubig

VIP Member

congratz mom, bute ka pa nkaraos na.... tiwla lang tlga sa may kapal may milagrong maganap...

Mommy share mo namn yung experience after mo sa operating room.. yung sa recovery po

congrats po! Praying for your speedy recovery. Godbless you and your lil one 🙏

congrats mommy! mabait talaga si God di niya kayo pinabayaan mag ina. 😊❤

congrats Mommy..same thing happened to me with my 1st born..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles