masakit

Selosa ko, mahigpit, matampuhin, mainisin, pero pilit ko binabago. humingi ako last chance para pakita nag bago ko. pero eto pinaka masakit narinig ko dahil ba ganito ko kaya niya nasabi na "mali na binuntis kita at "mali na nakilala kita" sobrang sakit. ilang araw na ko iyak ng iyak

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ako sa hubby ko. prangkahan ko pa ngang sinabi sa kanya na wala akong tiwala sa kanya kaya hindi ko sya gustong umalis ng bansa. bukod sa may itsura sya sobrang bait din kasi. inaamin ko naman sa kanya na mas matindi akong magselos ngayon dahil may fear na ako. pinagpalit kasi ako ng ex bf ko non so parang nawala yung trust ko. so far sa ilang taon namin ni hubby na nagsasama at kahit stay in sya sa work never akong kinutuban. yun lang pag talagang may nakita akong babaeng nagpapacute sa kanya hindi ko mapigilan. maswerte na lang ako at mahal na mahal ako ng hubby ko. pag usapan nyo pong mabuti. minsan talaga hindi natin maiiwasan nature nating mga girls yan pero pag mahal na mahal mo ang isang tao yung pagmamahal mo sa kanya ang mangingibabaw lagi.

Magbasa pa

Siguro po sobrang napuno nalang si partner mo kaya nasabi niya yan. Kadalasan kasi sa lalaki, talagang iniipon lang din lahat, hanggat kaya nagpapasensiya sila, but once napuno nanyan, makakapagsalit talaga sila ng masakit. Kaya for now, hayaan mo nalang muna siya. Hayaan mo munang humupa yung inis/galit niya. Distansiya ka muna, kung mahal ka naman talaga niyan, di ka rin matitiis niyan. But dont stop showing na nagbabago kana talaga, kahit galit siya, ipafeel mo pa din presence mo, pakita mong nagbabago kana talaga for good. Wag mo nalang sabayan muna. Pakatagtag ka po. Pray lang din.

Magbasa pa

minsan hindi maganda na sobrang higpit natin sa kanila naaasar sila pag nagseselos tayo kasi pinapamukha sa kanila n walang tiwala kahit wala naman silang ginagawang masama..yung pagtatampo dapat nating ilugar minsan nagtatampo tayo na wala lang gusto lang natin magpabebe pero di nila naiintindihan yun..hayaan mo muna sya makapag isip isip siguro napuno lang talaga sya pray ka lang na maging maayos kayong dalawa lagi kang humingi ng guidance kay lord sa lahat ng gagawin at sasabihin trials lang yan sayo kaya mo yan wag kana magpaka stress masyado para kay baby.

Magbasa pa

Ganyan din ako sa hubby ko before. Actually, even now, paminsan minsan. Nakasanayan na kasi e. Pero kelangan talaha natin mag adjust specially meron na tayong kinakasama. And to make it even worst, un nga, buntis ka na. Di naman worst ung baby. Blessing yan. Pero dapat kung lagi ka ng ganyan sa asawa or partner mo, magssorry ka after. Tapos slowly change para di naman kau maghiwalay. Take a moment is silence in a day to think kung paanong malelessen ang mga traits mo na ganyan. Lessen or totally be gone. Tapos kausapin mo sya ulit.

Magbasa pa
VIP Member

hayaan muna yan mamsh. magpakatatag kapo para kay baby, mga ganyan lalaki walang kwenta. alagaan mopo srili mo. hinge kapo tulong sa parents mo tutulungan kapo nila. kawawa naman si baby kung plgi kang umiiyak at mastress. let go muna po para hnd kna masaktan. god bless u po.

6y ago

sobrang sakit lang kasi binabago ko naman eh.

Thankyou so much mga mamsh. baka nga napuno na siya sa sobrang kulit at needy ko. much better mag sorry nalang ako ng maayos na maayos po. salamat sa mga advice niyo saakin

momsh, be strong. masakit tlaga yan pero isipin mo nalang si baby. he don't deserve you. nakaka inis siya.

magpakumbaba ka nalang sa kanya, kasi baka yang attitude mo ang maging cause ng separation nyo.