CS Mom
Scheduled CS this jan.31.? Kinakabahan and may fear po talaga ako sa injection.Any advice mga mommy? *ano po mga dapat kong paghandaan *sobrang sakit po ba ng epidural? *ilang araw po bago maghilom ang tahi? *masakit po ba pag panay tayo halbawa iihi?o need mag diaper nlang? pahelp naman po..first time mom po. first time din maooperahan?

Wag ka kabahan momsh.. Di mo na masyado mararamdaman yung injection. Dahil first time ko din nun, natakot talaga ako na baka bumuka yung tahi 😂😂 laki kasi ni baby, pinagbawal ng ob ko na buhatin ko sya ng matag na nakatayo. Sa takot ko na bumuka ang tahi, lagi ko chinecheck yung binder ko. Ayun, napapahigpit pala masyado, dahil paranoid ako😂😂 Naputol daw yung sinulid sa loob na dapat e kusang nalulusaw, nagnana yung tahi ko sa loob, buti napansin ko agad nung nilinis ko, may sumirit na parang tubig. Pinapunta ako ng ob that day din.. parang piniga sya para lumabas yung nana.. tapos 7 days di pwede mabasa, bawal masyadong gumalaw.. Then, napaextend ako ng maternity leave, naging 3 months. Tip lang din, wag daw masyadong mahigpit or masyadong maluwag ang binder.
Magbasa pa