MIL

May sarili kami place ni partner pero since na CS ako and need ng kasama sa bahay, dito muna mami sa MIL ko. Pinakikisamahan ko naman at nakikinig ako sa mva gusto niya. Pero sobrang nakakainis eh. Nagalit na may sterilizer kami. Sayang daw space. Tas ang arte raw na may baby laundry wash and detergent. Isasabay lang daw niya labhan damit ni baby sa damit namin. Magiging maarte raw kasi si baby :( tapos yung panghugas ng bote, ayaw din niya. Ang arte raw bat may brush pa at bottle cleaner liquid. Joy lang daw ilalagay sa bote tas shake shake lang daw. Tapos nagttry ako pa breastfeed tapos sabi niya wala raw nakukuha kaya bumili siya formula :( tapos nakaka 60ml lang si baby na milk sa isang araw kasi di na raw need gisingin para dumede. Advise kasi sakin every 1 hr since may gdm ako. Pero pinapalatch ko pa rin baby ko kaso iyak kasi ng iyak eh. Tas sa pag ligo, sa sink lang. Running cold water lang naaawa ako kay baby. Tas partner ko nakikisang ayon pa. Arte ko raw.. Tinanggal na rin niya mittens kahit di pa nagugupitan si baby... huhu 4 days old pa lang si baby. Kwawa naman Sa mga nag sasabi po na dun ako sa parents ko... gusto ko man pero si dad ko ay taga Australia po. Mommy ko po ay nakakulong. Mga kapatid ko malayo po eh. Las pinas ako ngayon sila po nasa may north KAYA PO KAMI NASA MIL KASI FRONTLINER PO PARTNER KO.

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lagi kasi nila kinukumpara ung noong araw sa ngayon.. Byenan ko ganyan.. Sya daw dati center lang daw check up okay na tapos ferrous sulfate lang daw vitamins nya.. Ngayon dami daw pinapagawa pacheck up check up pa daw sa lying in.. nasagot nlng ako ng "Nung panahon nyo kasi un. Iba na ngayon" Yan lagi ko sinasabi.. Pati nga pangalan ng baby ko eh,sabi ang pangit daw sabi ko " Yan po gusto namin ng anak nyo. Hayaan nyo na " Binabara ko lagi nkkainis kasi tlga hnd maiwasan

Magbasa pa
5y ago

I feel you mumsh. super negative ng MIL ko sa lahat ng decisions ko. pati mga gamit na gusto kong bilhin for my baby kinokontra nya. even sa name na gusto ko para kay baby ayaw nya kasi gusto nya yung name na naisip nya. buysit

Talk to ur partner about it pra sya kmausp sa mother nya.. prng ang aga tanggalan ng mittens c baby.. pero warning lng ndi tlg maiaalis mangielm c mother in law mo kya much better c partner mo kausapn mo pra sya kmausap sa mother nya.. ituloy mlng un breastfeed mo sa baby mo ksi mas mgnda pdin yn compare sa formula lalo na kng kaya mo nmn... iba pdin ksi tlg un may ksamang nkkatanda sa pag aalaga ng baby lalo na pg first tym..

Magbasa pa

Running water mamsh? Baka magka amoebiasis anak mo😓bilin nga ng pedia ko nun kung nagpakulo ka ng tubig para sa bote palamigin lang wag hahaluan ng tap water kasi sterilized na ung tubig tas hahaluan mo na naman ng madumi para lumamig lang agad pampaligo ni baby. Joy? Ang tapang ng amoy nun d ba? Mahirap talaga pag pakialamera mga MIL, manindigan ka sa mga gusto mong gawin sa anak mo kundi mawiwili yan sa pakikialam.

Magbasa pa

Grabe yung running water ha, papatayin nya ba yang baby?? Jusko kastress. Hindi din ba nya alam na pwedeng masundot ng baby yung mata at mulha nya lalo na hindi pa nagupitan ng kuko. Naku naman 🤷‍♀️🤷‍♀️🤷‍♀️Thank God di ganyan MIL ko at mama ko. Kahit madami silang pamahiin hindi sila nangingialam sa pagpapalaki ng anak. Andyan lang sila para sumubaybay at alalayan ka.

Magbasa pa

Ito yung ayaw kong mangyari sakin pag nanganak na ako. FTM ako at alam kong mangangapa talaga ako sa kung paano alagaan c baby. Yes, i need a helping hand pero d ko gustong pakialaman nlng lahat. D kasi porket na experienced na nila eh yun na dapat gawin. Kaya mas gusto ko yung nakabukod na kami ni Partner or dun nlng sa mama ko😊mas mavo-voice out ko at magagawa ko lahat ng gusto ko for baby.

Magbasa pa
5y ago

Ako mamsh ftm, i dont need a helping hand. Mas marunong pako sa MIL ko na ito. Tatay ko lang talaga nagpumilit na di ko kakayanin na mag isa after manganak kaya no choice kami magstay ngayon dito hays :(

VIP Member

hala sya..katakot naman 4 days old sa sink nililigo plus running water pa..nilalamig nga tayo adults ang baby pa kaya.. she can give tips or advise pero dapat ikaw parin nanay ang nasusunod pano alagaan ang baby mo. sa panahon ngayon na may pandemic, dapat mas pinalalakas immune system ni baby by breastfeeding him/her..mas magaling pa sya sa expert by saying walang nakukuha..tsk..

Magbasa pa

pakita mo mamsh na ikaw talaga yung nanay nung bata, kausapin mo muna partner mo para magkasundo kayo. hindi kaartehan yun concern yun sa bata kamo. mahirap talaga makisama kapag ganyan. pero kapag nasa tama ka, hindi mali ang magsalita.. hindi yun sa wala kang respeto, yun ay pagtatama sa mali. Ideliver mo lang ng maayos yung mga sasabihin mo , siguro mag aagree din yung asawa mo.

Magbasa pa
VIP Member

Baka po pwede nyo issugest ke hubby mo, na bumalik na lang kayo sa pagbukod. Magkaclash talaga kayo ng MIL mo nyan. Minsan kasi ang problema, tinitake over nila (ung iba) ung responsibility and decision ng mommy. Malay mo, maintindihan ng asawa mo ung sitwasyon. Mahirap nang mastress nh todo momshie! 💓 Sana you will have the courage to speak up! good luck po. God bless! 😊

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan ang nakakainis, yung feeling na ikaw ang nanay pero nawawalan ka ng freedom to take care of your own kid, especially mas marami kang gustong ma experience in your own way and ma enjoy si baby kaso sa ganyang sistema maiinis ka talaga. Haysss kausapin mo si LiP mo sis, in a nice way. Sabihin mo iba na panahon ngayon at sa panahon nila noon..

Magbasa pa

Nurse ba hubby mo? Kung nurse sana alam nya kung gaano ka sensitive ang baby lalo na at newborn pa. Nurse din ako, kung ako nasa side mo aba mkikipag argue talaga ako nyan. Lalo na at alam ko kung paano talaga mag handle ng baby. Anak mo yan, you have all the rights to do what's best for you baby. Lalo na ngayon at may virus na pa kalat2.

Magbasa pa