MIL
May sarili kami place ni partner pero since na CS ako and need ng kasama sa bahay, dito muna mami sa MIL ko. Pinakikisamahan ko naman at nakikinig ako sa mva gusto niya. Pero sobrang nakakainis eh. Nagalit na may sterilizer kami. Sayang daw space. Tas ang arte raw na may baby laundry wash and detergent. Isasabay lang daw niya labhan damit ni baby sa damit namin. Magiging maarte raw kasi si baby :( tapos yung panghugas ng bote, ayaw din niya. Ang arte raw bat may brush pa at bottle cleaner liquid. Joy lang daw ilalagay sa bote tas shake shake lang daw. Tapos nagttry ako pa breastfeed tapos sabi niya wala raw nakukuha kaya bumili siya formula :( tapos nakaka 60ml lang si baby na milk sa isang araw kasi di na raw need gisingin para dumede. Advise kasi sakin every 1 hr since may gdm ako. Pero pinapalatch ko pa rin baby ko kaso iyak kasi ng iyak eh. Tas sa pag ligo, sa sink lang. Running cold water lang naaawa ako kay baby. Tas partner ko nakikisang ayon pa. Arte ko raw.. Tinanggal na rin niya mittens kahit di pa nagugupitan si baby... huhu 4 days old pa lang si baby. Kwawa naman Sa mga nag sasabi po na dun ako sa parents ko... gusto ko man pero si dad ko ay taga Australia po. Mommy ko po ay nakakulong. Mga kapatid ko malayo po eh. Las pinas ako ngayon sila po nasa may north KAYA PO KAMI NASA MIL KASI FRONTLINER PO PARTNER KO.
Same mommy. Yung MIL and FIL ko rin po ganyan sakin. Actually kinukuha nga po nila atensyon ng anak ko na dapat saakin e. 8 months na po baby ko, hawak hawak ko na mama sya ng mama tas nung tinanong ng partner ko kung nasan mama nya which is ako na nasa harap nya, ang tinignan yung lola nya. Nakakainis lang. Masyado nilang kinukuha atensyon ng anak ko na dapat saakin na bumabawi na nga lang ako sa mga bagay na dapat meron si baby ko since student palang naman kami ng partner ko, kaya nung nanganak ako, walang wala si baby ko. Ngayon lang ako nagkapera at ngayon ko lang nabibili gusto ko para sakanya ayaw nila. Mga tiny buds products ganyan mga damit. Ultimo sa damit, gusto pa e magpabili yung MIL ko sa kapatid nya. What? Really? Diba? Nakakahiya. Parang ipinanglilimos anak ko, na gusto pala nyang magkaroon magagandang damit apo nya edi dapat sya bumili diba? Kaso go lang ako ng go pakielam ko sa kanila. Natuto na kong ilaban anak ko tho andon pa rin yung respect pero di na same dati na halos parang tupa ako na oo lang oo na sila nagdedesisyon para sa anak ko na dapat ako kasi ako nanay.
Magbasa paMamsh sorry pero parang nanggigigil ako sa MIL mo. Hindi nya dapat pakielaman kung pano mo alagaan si lo, anak mo Yan ikaw dapat masunod. Kapag ba nagkasakit si baby dahil sa pangengeelam nya, magtetake responsibility ba sya. Sensitive ang babies hnd dapat sinasabay damit nila sa damit ng matatanda. Dapat hiwalay din sabon nila kase dapat mild and hypoallergenic ung gamitin sa damit nla. Samin nga every other day ang paglalaba sa damit ni baby and pinaplantsa pa namin lahat (yup maarte ako). Naloka din ako sa pangingielam nya sa bottle brush mo, anong gusto nya Yung sponge na panghugas na pinggan gamitin (Andaming mikrobyo nun kadiri Yun, prone magkaron ng gastroinfection si baby. Lastly, newborn po yan dapat maligamgam na tubig panligo nian hnd tap water! Prone sa hypothermia po cla, dapat laging regulated ang body temp nyan. Kung hindi nya po kayo nirerespeto sa way mo sa pagaalaga ke baby mas mabuti pa umuwi na kayo sa bahay nyo and makisuyo ka na Lang sa sariling mother mo.
Magbasa paSis. Kung wala naman work partner mo, bumalik nalang kayo sa tinitirahan nyo. Ang dami din jan na nacs pero sila sila lang mag asawa at baby nila. Iba na kasi yung panahon ngayon. Yang paniniwala ng MIL mo eh panahon pa ni kopong kopong yan. Mas prone na ngayon sa sakit ang mga baby at tayo mismo. Dapat hindi nya pinapakealaman yung mga bagay na para sa anak niyo. Anak niyo yan. Siya dapat aalalay lang hindi mamandohan yung mga mangyayari sa buhay nyo. Kaya nga kayo nagpamilya eh. Yan ang mahirap kapag hindi nakabukod. Hawak kayo sa leeg. Yang partner mo dapat ikaw ang kinakampihan. Kakapanganak mo palang. Sobrang pagod pa yung katawan at utak mo. Sana naman alagaan ka nya at wag ka bigyan ng stress. Kung mahal nya kayo, kahit kayong 3 lang kaya niya gampanan lahat ng gawain para man lang matulungan ka. Nakakainis tong nabasa ko promise. 😅
Magbasa paNakabukof mmd naman po kami sis. Tatay ko lang may gusto na may mother figure keme raw.
Ikaw dpat masunod sa baby mo jusko kakapanganak plng tas running water na agad pinanliligo hello!! eh ung byenan ko ngang lalaki lagi pa nag papakulo ng tubig b4 maligo kahit ang init ng panahon ngaun eh yan pa kayang baby.. Naku sis mag salita ka' mag sabi ka di pwede ung ganyan.. iba na kamo generation natin ngayon.. saka lahat nman ng gamit pang baby is ok! di nman madidiscover yan kung ndi ok sa mga baby yan.. saka hiwalay po dpat pag lalabhan damit ng baby sa damit nyo jusko! super sensitive pa ng skin ng mga baby and dpat pa nga plantsahin after labhan mga damit nila.. Nakakastress nga po MIL nyo sis bumukod nlng kau mas kakayanin mo mag isa alagaan c baby kesa mastress ka at baka magka post partum depression kpa di dahil kay baby kundi dahil sa mil nyo po.. wawa nman c baby po
Magbasa pagrabe naman si MIL. hindi naman arte yun, nah iingat lang tayo. Iba kasi panahon nila noon eh ngayon madami ng pollutants at iba na ang panahon ngayon kaya di mo na masasabi na safe ang mga ganung gawain nila. Tayo pa din mga nanay ang nakakaalam para kung ano mabuti sa anak natin momsh. ipaliwanag mo nalang ng maayos sa MIL mo at sa partner mo.breastmilk sabihin mo may mga natural antibodies yan panlaban sa mga viruses at bacteria lalo na ngayon proven na ng science yan. maligamgam lang na tubig panligo baka magkasakit baby mo. tsaka ang joy matapang yan nakakasira ng bote maninilaw eh di bibili ka na naman ng bago. may sterilizer para sa conveniency nyo at para safe ang mga ginagamit ni baby. sabihin mo lahat para sa safety ng anak mo. kakaloka siya. hehehe
Magbasa paBe assertive sis. Ikaw Ang gumawa Kung ayaw Niya. If I were you I won't tolerate n parang pinag mumukha akong walang alam. Anak ko kaya ako masusunod.. I would rather sa bahay namin and sa mom ko ako if ganyan siya and Hindi Niya kaya irespeto gusto ko. Cs din nmn aq nun sis pero d KC aq naniniwala sa mga Sabi Sabi. Pag kauwi ko that week nag lilinis n din aq bahay. Minsan katulong ko asawa ko. Pero gumagawa n ko Ng mga magagaan n work. Pero madalas asawa ko. . walng tulong sa Mil ko. Nakaraos nmn. Pagod pagod nga lng tlga.. sja every 2-3hrs gising tlaga ko para padedein si baby kahit tulog baby pinapadede ko and madaling araw pure bf kmi Ng anak ko. Mas matrabaho Kasi pag formula.
Magbasa paMommy, di po ata tama. Mejo nainis ako sa nabasa ko honestly. My MIL is super annoying too but hanggang salita lang yun. I make sure I draw a line somewhere, that means when it comes to my baby, I make the rules and ako ang masusunod. Ang sad na nakocompromise si baby. If you can, talk to her. Old people ways are wrong on so many levels (most of it) promise! Kaya sa end ko I educated myself talaga about baby DOs & DON'Ts nung buntis pa ako para pagdating ni baby, I get to decide. It's never too late to do the same thing. Good luck. ❤️
Magbasa paKung ako sis? Magagalit ako. Magagalit ako sa asawa ko yun talaga, ano bang alam niya? Parang tanga yang biyenan at asawa mo di na naawa sa anak mo papaliguan sa running water sa lamig pa ng panahon ngayon? Kung makakaya mo naman sis ikaw nalang mag asikaso sa anak mo kung kaya niyong umuwi sa sarili niyo ang hirap ng ganyan dibali ng mag away kami mag biyenan kung ganyan naman sa totoo lang. Nakakainis kasi di ba niya naranasan mag alaga ng anak kung sa hospital ng warm water gamit kabang siya eto talagang diretso. Nakaka asar!!
Magbasa pakawawa ka naman sis. tandaan m ikaw ang ina at ikaw ang masusunod. kung anu ang para sayo na tama at makakabuti kay baby un ang sundin mo. ako nakikinig dn pero at the end of the day, my child my rule. iexplain m n.lng sa asawa m kung bat kelangan ung kaartehan n sinasabi.nia.. preventiin is better than cure eka nga. sa byanan m, wala k dapat iexplain, naging ina n sila kaya sana bgyan k dn ng pagkakataon maging ina, nagguguide lang sila at matuto ka dn sa sariking pagkakamali. haaay, naawa tlga aq sau sis
Magbasa paBalik na lang kayo sa place nyo. Hirap ng ganyang sakit sa ulo. Anak mo yan kaya ikaw dapat masunod. Sabihin mo mag anak na lang ulit siya at dun nya i-apply ang mga gusto nya. Wag kamo pakelamera. Yung asawa mo naman sabihin mo manahimik na lang siya. Hindi naman siya nagpakahirap ipagbuntis at iluwal ang anak nyo kaya mag na siya makisawsaw. Pasensya na nakakainis din kasi yung ganyang mga pakelamera sa anak. Buti sana kung nakakasama mo yung anak mo yung gusto mo gawin. Hayaan ka nila maging mommy sa anak mo
Magbasa pa