Mean Byenan ( long post pero please lift me up)

Sanay na akong mag stay lang sa kwarto, so parang di na bago sa akin ung quarantine. Pero di ko pa din maiwasang mag alala dahil sa sitwasyon ko at malapit na din ako manganak. Di ka din pwede basta lumabas para bumili ng kailangan mo. Sobrang pahirapan lahat. Ultimo buďget, apektado. Pag gantong patapos na yung bwan, medyo tight budget na..lalo ngayong may lockdown. Ramdam mo ung crisis. Matagal n akong nag resign sa trabaho para makapag focus sa pag bubuntis ko. OFW ang husband ko. Kada padala nya, iba yung budget ko at yung expenses sa bahay. Bnibigay ko s byenan ko yung para sa bahay basta ung pangpacheck up ko, sa vitamins etc..tinatabi ko. Etong dumating ang lockdown, medyo nagulo ang budget dahil s panic buying, nag mahal ang bilihin, natigil din business ng byenan ko. Dumating na sa punto na nagpahiram na ako ng pera sa byenan ko para pang dagdag budget sa pagkain. Last money ko yun, pero nagpabili na lng ako ng gatas since madami pa naman vitamins ko. Isa pa, di naman ako madamot. Pede naman ako mag kanin at kung nagugutom ako. At eto na, wala ng budget. ? paubos na din gatas ko. Inutusan ako ng byenan ko n manghiram sa kapitbahay (wala na kasi ako maipahiram, dahil wala na talaga) na nauutus utusan namin mag drive papuntang palengke. Pandagdag daw sa foods dito sa bahay. Nakahiram ako at kanina namalengke sila. Bago sila mamalengke, chneck pa nya tray namin kung anong kailangang bilhin. Nakapila din yung tray ko dun. Sinadya ko ilabas un tray nung hiniraman nya ako ng pera para makita nya na kung hanggang kelan lang aabutin nung pinabili kong gatas sa kanya. Wala pang 1 oras, naka balik sila. Nakapamili naman. Vitamins nya, nung dalawang apo nya, mineral water (3 galons para sa apo nyang may kagagaling lang fr allergies) crackers (para din sa apo nya) tsaa, asukal etc. Nabili nya lahat...maliban sa gatas ko. Di ako kumibo..tinitignan ko lang syang mag ayos ng pinamili nya. Parang wala lang sa kanya na makitang walang laman yung tray ko kundi yung 2 scahet ng Energen - na hanggang pang ngayong araw ko na lang? tangina gusto ko maiyak..di ako nag damot kaht maalanganin kami ng baby ko. Alam nyang wala na akong pera. Pero di nya binili yung kailangan ko. Hindi ko alam kung baka nakalimutan nya lang, o mali na di ko sya nasabihan, o ang focus nya e dun lang sa ibang apo nya..Ayun, sabi nya sa akin ubos na daw yung nahiram na pera. Sabi ko na lang "wala..ganun talaga ang pera" pero sa loob ko, naubos ung perang ako pa nakipag usap na hiramin pero ako naman yng walang napakinabangan. Ni di nga sya nagtanong kung may vitamins pa ba ako o ano. Alam naman nya siwasyon ko. Ewan ko kung nagiging sensitive lang ako o baka unfair na talaga. Di ako mka daing sa asawa ko kasi ayoko mag away sila. Kinakausap ko na lang baby ko sa tummy ko na babawian ko sya after kong manganak at maka recover. Lagi ko isesecure needs nya, di na baleng masabihan akong madamot. Kasi ang hirap pag ikaw na yung mawawalan tpos di ka naman tinutulungan. ?? Ang hirap pag di kasama ang asawa habang nag bubuntis.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku as soon as the ECQ ends, uwi ka na lang muna sa pamilya mo kung di agad makakauwi ang asawa mo. Iba ang aruga at malasakit ng sariling pamilya. Sa nakikita ko, walang pake ang byenan mo sayo. Kaysa bumigat ang loob mo lalo sa byenan mo at pagmulan ng galit yan, bumukod ka. Magpadala na lang asawa mo ng pera sa nanay niya basya yung iyo hindi pwedeng mas maliit sa padala ng asawa mo sa pamilya niya. Magdemand ka. Kung tutuusin ikaw ang priority dito dahil ikaw ang buntis. Kung may mangyari sayo, sila ang kasama mo, sila ang may pananagutan kaya dun ka sa pamilya mo muna at least may kadamay kang nakasamahan mo sa paglaki mo. Sinasabi ko to sayo dahil nadala din ako. Usapan din namin ng asawa ko na bukod kami pero dumating sa point na kelangan namin lumipat muna sa kanila kasi HINDI PA SIYA MABITAWAN NG TATAY NIYA. KAKAGALIT DIBA. Naranan kong gawing utusan ng byenan kong babae at naranan kong bastusin ako sa hapag kainan dahil sa Adventist ako, puro baboy at hipon ang hinahain nila at ako laging manok. Minsan magpapabili na lang ako ng pagkain sa asawa ko kaysa sumabay sa kanila at magkukulong ako sa kwarto. Nanawa naman kami sa ugali ng pamilya niya dahil ninanakawan kami ng gamit at nung nakunan ako, pinabayaan lang kaming dalawa ng asawa kong tumakbo sa ospital, ni hindi ako binisita. Naranasan ko pang maglayas at umuwi samin dahil di ko kaya. Wala silang pakielam sakin, sinundo lang ako ng asawa ko sa terminal. Nalaman pa naming ninakaw ang engagement ring kong may tunay na diamond sandaling nalimutan naming ilock ang pinto namin. Dahil don, umalis kami at bumalik sa tinitirhan namin nung nagsimula kami. Kaya sinasabi ko sayo, kung nakakitaan mo na ng ganyan ang byenan mo. Layo ka na. Darating ang araw na pati sweldo ng asawa mo itutuos sayo. Wag mo nang antaying lumabas ang ugali nyan, dun ka na muna sa pamilya mo.

Magbasa pa

haist, i'm hoping and praying na hindi umabot sa ganyan kami ng MIL ko. Before kami kinasal ni hubby, sinabi ko kanya na bumukod kami kaso ayaw nya kasi only child xa at napag usapan na daw nila yan eversince the world began. Umabot sa point ng pag uusap namin na umiyak na talaga ako. Pero, tinanggap ko nalang. May point naman xa sa mga explanations nya and I dont want him choose between me and his parents (partly because I know, pipiliin nya parents nya). Live in kami for 4 years sa kanila at so far wala namn problema sa parents nya. I just hope and pray na it will stay that way specially magkakaanak na kami ng hubby ko. I'm always praying for peace sa bahay. 🙏 hopefully, u will find the courage to tell ur husband, sis. Mas importante kayo ni baby now. 😇

Magbasa pa

Di ako mkarelate sa mga usapang byenan kc never ko nman naranasan makitira sa byenan o kasama ang byenan sa iisang bubong. 😅 D ko pdin alam ugali ng byenan ko eh, pro sana wag nman dumating sa point na yun 😂 mukhang d ko ata alam anu ggawin ko pg ngkataon. Takot kc ako sa nanay ng hubby ko, ang laking babae tas prang boses lalake buo tpos ang lakas 😂 eh maliit na babae lang ako 4'9 😁 lahi p nman nila ng matataba at mattangkad. Pero sana mommy, natanong mo mnlang sa byenan mo kung nkabili ba siya ng pinapabili mo (khit alam mo n wala) para mnlang alam mo kung bakit diba? 😊 or kausapin mo nlang po hubby mo ng mahinahon. Parang nkkpagdamdam nha nman kc puro sa kanila lng mga binili niya, partida ikaw pa dahilan bakit may pinambili sila.

Magbasa pa

Thanks momshies. I'm on 36th week at eto p dn inaalala ko. Sana lang matapos na tong Covid19. At pag nanganak na ako't maka recover, babalik na ako ulit sa work. Kaya ko naman mag work homebased. Tapos pag naka bwelo na, saka ko sila gugulatin na bbukod na kami. Di man mangyari ngayon, ayos lang basta may plano na ako. Kung ayaw ng asawa ko bumukod kami..bahala sya.🥴 Di ko naman ramdam na welcome ako dito. Basta ang gusto ko lang, peace of mind para sa akin sa magiging anak ko.. wala e, tinuruan ako ng parents ko na maging mapag bigay. Pero tong tribo ng asawa ko naman nag turo sa akin na kailangang maging self centered din paminsan minsan.

Magbasa pa
5y ago

Parihas tayu siiss hindi ko rin ramdam na welcome ako dito parang plastik lng

Moooommmmy nakakaiyak naman. 😭 It breaks my heart while reading ur hanash! Naiiyak ako kc u need vitamins and something healthy kc there is a baby inside you that needs more nutrients. Naaawa ako for the baby. Ang bait mo nalang talaga. Kc ako I always want to give the best for my baby. Ftm 27weeks nako so tlagang I choose healthy foods. Buti nalang ang gusto ng tyan ko healthy like fruits. Kc maselan ako magbuntis. Ang hirap maranasan ng situation mo mommy lalo na ang mga preggies ang dami cravings. If I could just help you. ❤ May God bless you mommy. 😊

Magbasa pa

Sis i feel you basta byenan na ..ang sarap manampal wla tayung magagawa bsta nandito pa tayu sa puder ng mga byenan natin. Kahit nandito bga hubby ko parang amg layu ko lng din sa kanya. Gusto na tlagang mag bukod ng sriling bahay ayko na tlaga dito hndi mu magagawa kng anung gusto mu. Puro sa kanila nl g lahat dpt ang disisyon nkakabaliw .lahat ng mga galaw mu dpt alam nla. 🤦‍♀🤦‍♀🤦‍♀😭😭😭😭😭

Magbasa pa

Bka naman walang stock ng gatas na iniinum mo momsh kaya d nkabili. Sana tinanung mo byenan mo. Para alam mo din ung side nya. Mahirap kc bka d nya intension nkalimutan nya lng tlga. Nxt time na mgpapabili ka mgbigay ka ng list para sure. Minsan kc ganyan din aq pag namimili nakakalimutan kung anu pa ung importante. Naalala ko nlng pag nsa bahay na ko kaya ang ginagawa ko naglilista aq ng mga bibilhin para d malimutan.

Magbasa pa

Grabe nung nagbununtis ako hindi ako nakukulangan sa gatas at vitamin kasi kusang bumibili ung byenan ko kahit meron naman kami pambili. Swertehan lang talaga sa byenan. Pero mas maganda pa rin talaga na kahit ano mangyari bumukod nalang kayo mag asawa or pag wala asawa mo sa parents mo ikaw mag stay kasi mas komportable ang nasa tabi ka ng sarili mong nanay habang buntis ka at pag nanganak ka na.

Magbasa pa

Kaya mo yan Mamsh, matatapos din ang quarantine at mabibili mo ang needs for pregnancy. May ganun lng talaga na tao na sadyang inuuna ang sarili, yan ang epekto ng quarantine. At hanga ako sayo Mamsh kasi kaya mo magtimpi. Kung sa iba yan, naconfront na. Wag ka na malungkot, nakakasama sa baby yan. Congrats pala. Wishing you and your baby good health. Ingat palagi Mamsh.

Magbasa pa
5y ago

Salamat mamsh..at least medyo nkaka gaan ng loob. Okay din pala na mag rant paminsan minsan. Sana nga. Un na lang din pinapanalangin ko, ang matapos na tong quarantine at panatiliing matatag baby ko habang ganto yung sitwasyon. Wala naman akong ibang kakampi kundi sarili ko..walang ibang magpapalakas ng loob ko kundi ang baby ko. Ang hirap maging mabait kasi naabuso ka. 😞

VIP Member

Pag usapan nyo na ng hubby mo ang pagbukod or paglipat sa family mo. Hindi ko nakasama sa bahay ang inlaws ko dahil alam ni hubby ugali ng side nya at ugali ko kaya mas pinili nya na samin tumira kasama ang tatay at kapatid ko. Which is working for us kasi tulungan talaga samin. Will pray for you mamsh. Cheer up pa den bawal mastress si baby :)

Magbasa pa