Mean Byenan ( long post pero please lift me up)

Sanay na akong mag stay lang sa kwarto, so parang di na bago sa akin ung quarantine. Pero di ko pa din maiwasang mag alala dahil sa sitwasyon ko at malapit na din ako manganak. Di ka din pwede basta lumabas para bumili ng kailangan mo. Sobrang pahirapan lahat. Ultimo buďget, apektado. Pag gantong patapos na yung bwan, medyo tight budget na..lalo ngayong may lockdown. Ramdam mo ung crisis. Matagal n akong nag resign sa trabaho para makapag focus sa pag bubuntis ko. OFW ang husband ko. Kada padala nya, iba yung budget ko at yung expenses sa bahay. Bnibigay ko s byenan ko yung para sa bahay basta ung pangpacheck up ko, sa vitamins etc..tinatabi ko. Etong dumating ang lockdown, medyo nagulo ang budget dahil s panic buying, nag mahal ang bilihin, natigil din business ng byenan ko. Dumating na sa punto na nagpahiram na ako ng pera sa byenan ko para pang dagdag budget sa pagkain. Last money ko yun, pero nagpabili na lng ako ng gatas since madami pa naman vitamins ko. Isa pa, di naman ako madamot. Pede naman ako mag kanin at kung nagugutom ako. At eto na, wala ng budget. ? paubos na din gatas ko. Inutusan ako ng byenan ko n manghiram sa kapitbahay (wala na kasi ako maipahiram, dahil wala na talaga) na nauutus utusan namin mag drive papuntang palengke. Pandagdag daw sa foods dito sa bahay. Nakahiram ako at kanina namalengke sila. Bago sila mamalengke, chneck pa nya tray namin kung anong kailangang bilhin. Nakapila din yung tray ko dun. Sinadya ko ilabas un tray nung hiniraman nya ako ng pera para makita nya na kung hanggang kelan lang aabutin nung pinabili kong gatas sa kanya. Wala pang 1 oras, naka balik sila. Nakapamili naman. Vitamins nya, nung dalawang apo nya, mineral water (3 galons para sa apo nyang may kagagaling lang fr allergies) crackers (para din sa apo nya) tsaa, asukal etc. Nabili nya lahat...maliban sa gatas ko. Di ako kumibo..tinitignan ko lang syang mag ayos ng pinamili nya. Parang wala lang sa kanya na makitang walang laman yung tray ko kundi yung 2 scahet ng Energen - na hanggang pang ngayong araw ko na lang? tangina gusto ko maiyak..di ako nag damot kaht maalanganin kami ng baby ko. Alam nyang wala na akong pera. Pero di nya binili yung kailangan ko. Hindi ko alam kung baka nakalimutan nya lang, o mali na di ko sya nasabihan, o ang focus nya e dun lang sa ibang apo nya..Ayun, sabi nya sa akin ubos na daw yung nahiram na pera. Sabi ko na lang "wala..ganun talaga ang pera" pero sa loob ko, naubos ung perang ako pa nakipag usap na hiramin pero ako naman yng walang napakinabangan. Ni di nga sya nagtanong kung may vitamins pa ba ako o ano. Alam naman nya siwasyon ko. Ewan ko kung nagiging sensitive lang ako o baka unfair na talaga. Di ako mka daing sa asawa ko kasi ayoko mag away sila. Kinakausap ko na lang baby ko sa tummy ko na babawian ko sya after kong manganak at maka recover. Lagi ko isesecure needs nya, di na baleng masabihan akong madamot. Kasi ang hirap pag ikaw na yung mawawalan tpos di ka naman tinutulungan. ?? Ang hirap pag di kasama ang asawa habang nag bubuntis.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hang in there mamshie napaka hirap po ng sitwasyon nyo suggest ko lang po try nyo po kausapin yung byenan nyo and if makakahanap ng way para makabili ng gatas for you kung pwede lang naman lagi po look on the brighter side of life and ofcourse kausapin nyo po yung hubby regarding sa sitwasyon nyo always stay po goodbless.

Magbasa pa
VIP Member

Next time wag mo nalang iasa lahat sa side ng hubby mo.. bumukod na din kayo.. Para sila ang mahiya next time na maubos budget nila. Have your own money, Na kahit anong mangyari di mo gagalawin dahil para sa anak mo.. Goodluck momsh. Kaya mo yan. Basta may vitamins pwede na. Ipasadiyos mo na lang byeanan mo.πŸ’ͺ😘

Magbasa pa

Hirap talaga pag nasa inlaws ka tapos wala pa asawa mo. Iba pa din yung may sarili kayong bahay, kahit mahirap, iba pa din yung walang nangengealam. Grabe nmn yang inlaw mo, buntis ka, dapat priority ka din. Kung ako yan, di na ako magbibigay talaga or i.sesecure ko muna pangangailangan ko. Buntis ka, dalawa kayo.. Sigh

Magbasa pa

Alm mo momsh, asawa ko ofw din pinipilit nya akong pumunta sa knila at dun tumira, lam mo ndi aq pumayag kahit mg away kame.. Ayaw ko talgang tumira sa in laws kc de numero lahat ng galaw mo lahat pansin, kaya kausapin mo asawa mo na bumukod na kayo.. Dpat nmn tlaga ndi ka nkatira dpat ibukod ka nya.. Payo lng momsh

Magbasa pa

Kapag nagkapera na kayo ulit sis mag open ka ng bank account pra sa baby mo for daily expenses,education and in case of emergency. Tpos kapag namili ka ng groceries nyo diretsyo sa room mo itago mo. Walang ibang tutulong sayo kundi kayo lang mag-asawa. Tpos wag ka na papayag na gamitin name mobpra makautang.

Magbasa pa

Una sa lahat buntis ka . Prior dapat mabili lahat ng needs mo . And the fact na ikaw nagbigay ng pera sana nabili yung gatas n kelangan mo . Swetihan lang talaga sa In Laws kaya kung ako sayo mamshie suggest m sa asawa mo bumukod kayo tutal pamilyado na kayo maaalagaan mo baby m kasi nga wala kang work .

Magbasa pa
VIP Member

Issugest nyo po sa asawa nyo na kelngan nyo npo bumukod sis. Mhrap po tlg na makisama. Pro higit po sa lahat, kausapn nyo po ang asawa nyo. Sbhin nyo po ang totoo. Wag po kayong maglihim sknya. Mas mabuti po na alam nya kalagayan nyo at kung bakit kayo nagpasya na magsuggest sknya na bumukod po kau.

Magbasa pa

Wag nlng yang isipin moms , lalo na natin ngayon ,may mas worst pang byenan na ganyan yan ang isipin mo. Ive been there moms mas worst pa ganyan na sitwasyon . Pray kalang parati. Hiwalay na din ako sa una kong partner, and thanks god hindi na ako pinatiis ni god sa ganung byenan .

VIP Member

Nkakalungkot ang kwento mo momsh, teary eyed dn aq.. Mas mgnda bumukod nlng kaio ng asawa mo if kaya nio n.. At mas mgnda open k s husband mo malayo man xa mgsbe k sknia status mo s bhay.. tiis tiis k nlng muna momsh wg paka stress mkksma s baby. πŸ™ Pray lng dn..

VIP Member

Sabihin mo sis sa asawa mo... pra gmawa sya ng paraan padalan ka ng pera.. baka nakalimutan lng ng byenan mo lalo na kung mejo may edad na sya mdalas wla sa sarili at hndi naman sya sanay na anjan ka.. gnyan kc un nanay ko lagi knkalimutan pnapabili ko dati.. πŸ™‚