SAD (Medyo mahaba, pero please lift me up)

Sanay na akong mag stay lang sa kwarto, so parang di na bago sa akin ung quarantine. Pero di ko pa din maiwasang mag alala dahil sa sitwasyon ko at malapit na din ako manganak. Di ka din pwede basta lumabas para bumili ng kailangan mo. Sobrang pahirapan lahat. Ultimo buďget, apektado. Pag gantong patapos na yung bwan, medyo tight budget na..lalo ngayong may lockdown. Ramdam mo ung crisis. Matagal n akong nag resign sa trabaho para makapag focus sa pag bubuntis ko. OFW ang husband ko. Kada padala nya, iba yung budget ko at yung expenses sa bahay. Bnibigay ko s byenan ko yung para sa bahay basta ung pangpacheck up ko, sa vitamins etc..tinatabi ko. Etong dumating ang lockdown, medyo nagulo ang budget dahil s panic buying, nag mahal ang bilihin, natigil din business ng byenan ko. Dumating na sa punto na nagpahiram na ako ng pera sa byenan ko para pang dagdag budget sa pagkain. Last money ko yun, pero nagpabili na lng ako ng gatas since madami pa naman vitamins ko. Isa pa, di naman ako madamot. Pede naman ako mag kanin at kung nagugutom ako. At eto na, wala ng budget. ? paubos na din gatas ko. Inutusan ako ng byenan ko n manghiram sa kapitbahay (wala na kasi ako maipahiram, dahil wala na talaga) na nauutus utusan namin mag drive papuntang palengke. Pandagdag daw sa foods dito sa bahay. Nakahiram ako at kanina namalengke sila. Bago sila mamalengke, chneck pa nya tray namin kung anong kailangang bilhin. Nakapila din yung tray ko dun. Sinadya ko ilabas un tray nung hiniraman nya ako ng pera para makita nya na kung hanggang kelan lang aabutin nung pinabili kong gatas sa kanya. Wala pang 1 oras, naka balik sila. Nakapamili naman. Vitamins nya, nung dalawang apo nya, mineral water (3 galons para sa apo nyang may kagagaling lang fr allergies) crackers (para din sa apo nya) tsaa, asukal etc. Nabili nya lahat...maliban sa gatas ko. Di ako kumibo..tinitignan ko lang syang mag ayos ng pinamili nya. Parang wala lang sa kanya na makitang walang laman yung tray ko kundi yung 2 scahet ng Energen - na hanggang pang ngayong araw ko na lang? tangina gusto ko maiyak..di ako nag damot kaht maalanganin kami ng baby ko. Alam nyang wala na akong pera. Pero di nya binili yung kailangan ko. Hindi ko alam kung baka nakalimutan nya lang, o mali na di ko sya nasabihan, o ang focus nya e dun lang sa ibang apo nya..Ayun, sabi nya sa akin ubos na daw yung nahiram na pera. Sabi ko na lang "wala..ganun talaga ang pera" pero sa loob ko, naubos ung perang ako pa nakipag usap na hiramin pero ako naman yng walang napakinabangan. Ni di nga sya nagtanong kung may vitamins pa ba ako o ano. Alam naman nya siwasyon ko. Ewan ko kung nagiging sensitive lang ako o baka unfair na talaga. Di ako mka daing sa asawa ko kasi ayoko mag away sila. Kinakausap ko na lang baby ko sa tummy ko na babawian ko sya after kong manganak at maka recover. Lagi ko isesecure needs nya, di na baleng masabihan akong madamot. Kasi ang hirap pag ikaw na yung mawawalan tpos di ka naman tinutulungan. ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you po.. ganyan din hinanakit ko sa tatay ng asawa ko.. kinausap din kami magasawa kung pwedeng ako manghiram ng pera para gawin nilang capital sa buy n sell na business nila ng mga gulay at isda.. naka oo na asawa ko ng di paku kinakausap kaya napasubo ako.. siyempre madaming pangako habang wala pa sa kanila ung pera, may pa heart to heart talk pa na kesyo lumapit na siya sa mga kapatid niya pero di siya pinagkakatiwalaan na kakayanin niyang mapalago ang business.. nung una maaus pa magbayad, tapos biglang nalelate na hangang sa dina talaga nagbabayad.. diko alam kung nalugi business nila pero sana man lng inisip nila na hindi naman akin ung pera at wala akong pang abono.. kung sanang madami akong pera kahit di na nila bayaran eh.. kaso walang wala talaga kaya nung nanganak ako sobrang hirap.. ngayon ako nagkakanda hirap na magbayad kasi siyempre pangalan ko nakapresenta sa bangko.. pag naiisip ko napapamura n lang talaga ako sa sama ng loob pero dikona binabanggit sa asawa ko kasi pagtatalunan lang namin pero andun pa rin naman ung problema.. di rin naman ako madamot, sinabi ko na iyon sa asawa ko na kung meron din lang naman extra pwedeng pwede kami tumulong pero kung masasacrifice naman ung needs namin at kami mawawalan eh ibang usapan na iyon lalo na ngayon na may anak na kami.. last kung nakita tatay niya nung nanghiram sila ng pera kaya diko alam kung anu magiging reaction ko pag nagkita ulit kami dahil sa totoo lang di ko pa nakakalimutan ginawa nila sakin, sana nga lang wag na sila magpilit na makita apo nila.. natutunan ko na di masamang unahin ang sarili or ang family bago tumulong sa iba lalo na kung wala ka namang ibang aasahan na tutulong sayo kundi sarili mo.. naisip ko panu mo tutulungan ang ibang nalulunod sa barko kung ikaw mismo ay hindi man lang maisalba sarili mo.. Iniisip ko na lang ngayon na nakioita naman siguro ng nasa taas ang hirap na pinagdadaanan namin at makakaraos naman siguro sana lang makaraos na agad para makapag focus naman ako sa needs ng anak ko

Magbasa pa
5y ago

Ang lungkot ano? Pag nag damot ka, ikaw pa masama. Pero di nila alam sila nag tuturo para maging makasarili ka. Nakakalungkot na parang hindi naiintindihan yung kondisyon ko..may dinadala ako at first time mom pa. Tbh, wala naman nag aasikaso sa akin dito. Ako nag papacheck up mag isa..bili gamit..lahat. Kasi ayokong mang abala. Kung hindi ako buntis, kaya ko naman mag adjust sa gantong sitwaston..baka hanggang ngayon nagttrabaho pa ako. Lesson na din sa akin to, actually di lang to unang beses na nangyari. Pero matapos lang tong krisis, tama na. Kapakan na ng magiging anak ko uunahin ko. Tama ka po, walang tutulong sayo kundi sarili mo. Mahirap na, dahil pag inabot mo kamay mo, buong braso mo susunggaban.