insecurities

Sana wala nalang ako stretch marks at mga maiitim na part :((((( diko matanggap nalulungkot ko

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung buhay pa mommy ko subrang na.amaze ako sknya kasi wala syang strechmark 5 kaming magkakapatid na niluwal niya subrang linis ng tyan hanggang pwet walang strechmark, lagi lang sinasabi samin pag nagbuntis wag magkakamot kung mangangati man daw gawa ng pagtubo ng buhok ni bby haplos haplusin lang daw. Magtimpi lang sa pagkakamot at wag msyadong kumain ng sweets and yun ang ginawa at sinunod ko yung payo niya ayuunn thanks God wala nga akong strechmark.😊 Pero umitim din mga singit at kili kili ko noon tanggap ko yun dahil ganyan tlga pag nagbubuntis madaming changes pero after ngayon 1yr na akong nanganak bumalik sa dating puti ang kili kili at singit ko.. Mamsh wag kang malungkot dahil pinagdadaanan tlga yan be proud and paglabas ni bby everything are all worth it.. Embrace your changes and always think the positive side. 😊

Magbasa pa
5y ago

Nasa genes nyo lang sguro yan. Hindi ako nagkakamot, less sweets pero nagka stretchmark padin.

Sa mga mommies na nagcocomment dito, wag naman kayo harsh. Just because proud kayo sa kung ano mang imperfection nangyare sainyo dahil part yon ng pagiging mommy, doesn't mean may right na kayo mag-invalidate ng feelings ng iba. Lalo na sa nagsabi na sana di nalang siya nagbuntis kase alam niya mangyayare yon. WTF? Ba't ganyan kayo mag-isip? Hindi na ba pwedeng maging happy mommy at unhappy sa imperfections at the same time? Wag niyo iinvalidate feelings ng iba, hindi niyo ikina-better. And just because proud kayo sa kahit anong imperfections niyo, doesn't also mean na mabuti na kayong ina kumpara sa nag-post. Be kind. Always.

Magbasa pa
5y ago

Totoo po, hindi nakakatulong yung pagsasabi nila na "dapat maging proud ka". Accept the fact na insecure na po siya, hindi na sya proud, ang kailangan niya po is pang-unawa, tips para maglighten yung stretch marks niya, para magbalik alindog siya, hindi pangaral, at lalong hindi sumbat na ungrateful sya naging nanay siya dahil lang naiinsecure siya sa mangyare sa body niya. Wag po naten husgahan yung pagiging nanay niya.

VIP Member

Part of pregnancy yan mamsh ganyan talaga mga Nanay may ibang masweswerte na hindi talaga magkakamot katulad ng kapatid ko at meron naman madami kamot katulad ko maitim at malalaki pa meron din sa boobies at hita. Pwede ka naman gumamit moisturizer para kahit papano ma lessen at yung pangingitim naman like kilikili batok leeg mawawala din yan mamsh. Love yourself. Isa pa kapalit nyan ay magandang regalo galing kay God meron ka anak na magbibigay saiyo ng kasiyahan na hindi makukuha sa materyal o ibang bagay.

Magbasa pa

Mommy habang buntis ka alagaan mo ng lotion (personal recommendation ang st. Ives oatmeal) or palmers. Apply as needed... Kapag ramdam mong nag stretch ang tyan mo... Kapag nangangati... Pagkagising at bago matulog... Dapat lagi mong lagyan... Sabi ni ob. Stretchmarks form dahil sa pagstretch biglaan ng balat resulting to dryness of skin... Di totoo yung sa genes... Kaming magkspatid nagbuntis... Ako walang stretchmarks after (kung meron man maliit lang, limited at maputi) yung sa kapatid ko sangkatutak

Magbasa pa

Ako po, 3rd pregnancy ko na to and dito lang lumabas lahat ng pimples ko. Umitim yung kili kili ko. May stretch marks ako pero light lang. Chaka ko tignan. Nag dry pa pati buhok ko but never ko nag isip ng negative thoughts. I don't care kung ano tingin nga mga tao sakin. Proud ako na nabigyan ulit ako ng chance magbuntis and soon to be mom ulit. Part of pregnancy yang pinag dadaanan mo. Walang dapat ikalungkot or ikahiya. Dapat nga sobrang proud ka pa. Ano naman ngayon kung may changes sa katawan mo?

Magbasa pa
5y ago

Ako po sobrang itim ng kili kili ko and I don't mind talaga. Hehe Ayos lang sakin yung mga changes sa katawan ko. Part ng journey ko to bilang isang ina and sobrang proud lang ako kasi di naman lahat nabibigyan ng chance 😊

Okay lang yan sis. Di ka nagiisa. Ako nga dark red pa stretchmarks ko e. Nung una nagiisip din ako pero lagi sinasabi ng asawa ko ako daw pinakamagandang babae nagbubuntis sa buong mundo. Haha kaya nawala insecurities ko napakasupportive kasi ni mister. Kaya pag napanganak ko na panganay namen don nalang bumawi. Basta safe si baby sa loob at paglabas niya masaya na ko kahit madami nagbago sa katawan ko πŸ˜‡

Magbasa pa

una ganyan din ako. pero pag naiisip ko yung baby ko. worth it naman lahat ng pagbabago physically. mas iniisip ko yung buhay na dinadala ko kesa sa kung ano man yung mga pagbabago sakin like tataba ka. mag kaka strech marks mangingitim mga singit at kilikili mo. pero wala un as long as na healthy ung baby ko ☺ okay lang yan sis.be confident kc. isipin mo nlng perks yan of being momπŸ™‚β˜Ί

Magbasa pa
TapFluencer

Alam mo mamsh, may mga kilala ako na hindi naman nabuntis, tumaba lang pero my mga stretch marks, at my mga mommy na wala naman stretch marks, iba iba po kasi yan eh, wether you like it ir not, kung anoman ang maging changes sayo, tatanggapin mo, pero hindi ibig sabibin non eh, parang wala kanang chance, my mga nabibili at home remedies naman para mag lighten ang mga marks na yan.

Magbasa pa

Bakit naman, momsh? Unless nag-iisip ka kung ano masabi ng bf or partner mo sa katawan mo? May other ways naman para pumuti yung stretch marks or matanggal (according to other mommies, laser yata idk). Atsaka nakatago naman iyan. I hope you’re one of the luckiest mommies na wala talagang stretch marks pero kung meron tanggapin mo nalang. =)

Magbasa pa
VIP Member

Sis for me ha sa mga sinabi mo parang nagsisisi kang buntis ka? Sa way ng sinabi mo un ung interpret ko. Siz 9 months lang kaht stretch marks man yan o pumangit ka basta alm mong safe and healthy baby mo masaya ka na. Sana alam mo ano magiging hormonal xhanges sa katawan mo and babalik naman ung katawan mo sa dati kung matyaga ka lang mag alaga

Magbasa pa
5y ago

May kanya kanya tayong nararamdaman. And based on your statement parang di ka babae na kung idown tong si momsh na may pinag dadaanan. Di natin alam sitwasyon nyan ngayon bakit ang dali mo sya judge? Di ka ba babae? Hahaha kapwa mo babae down na down all we need to do is boost her confidence di yun puro negative comment nyo sakmya. Bida bida