RASHES

Sana may pumansin. Mga mommy rashes/halas ba ito? Or sadyang mapink lang yang part nila dyan? Thankyou po. First time mom po. 4mons po si LO ko.

RASHES
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang puwet ng baby ko ayaw mawala ang mahapdi na rashes. Parati ito na problema ng mga babies. Yung mga common na rason ay acidity. Sometimes ang mga dumi ng baby ay medyo malambot. Yung parang mga buto ng kamatis ang itsura. Malaking chance na medyo acidic ang dumi niya. Kapag yung pupu niya ay nagistandby ng medyo matagal sa diaper napapaso yung pwet ng baby at kaya nagrarashes. Kapag hinugasan mo ang pwet at sya ay umiyak dahil sa hapdi most likely nga ito na yung cause ng acidic na dumi. Ang dapat mong gawin ay kapag dumumi ay dapat tangalin kaagad ang diaper at hugasan ang pwet ng running water at sabonan ng maigi na talagang bumula. Kahit sya ay umiiyak sa hapdi ay kailangan mong pabulain dahil ang bula lang ang makakatangal ng acid mula sa dumi dahil may pagkamantikain yun at gaya ng sebo ay bula lang makakatangal. Karamihang mali ng iba ay baby wipes lang o cotton water lang ang gamit. Kung naghuhugas ba kayo ng plato, pwede ba wipes lang cotton? Di ba hindi? Dahil alam natin na ang sebo ay di natatangal kung walang bula. Diba sa mga commercial pinagyayabang nila mas mabula ang cleanser or sabon nila? Ganun rin ang tao marami tayong sebo. Kahit pawis natin ay sebo rin kaya kapag di masyado bumubula kapag pinaliguan ay dadami ang bungang araw. Ngayon sa pwedeng ipahid sa rashes na mahapdi sa pwet, maganda yung may Zinc oxide. Ang common dyan ay yung Calmoseptine at Rashfree at marami pang iba. Dok ginamit ko na yan di pa rin nawawala? I always answer baka di mo gaanong sinabonan bago mo inapply. At ang isasagot nila ay oo nga pala wipes lang gamit namin. Another is to shift ang milk tempoarily to Lactosefree milk like one to two weeks para pumorma muna ang dumi. Ganun din kasi ang lactose intolerance. Syempre kapag persistent dapat pakonsulta ninyo dahil madami pa pong ibang rason gaya ng fungus or allergy (ibang topic na naman yun). Dr. Richard Mata Pedia Visit www.easyclinicsoftware.com if you need prescriptions

Magbasa pa
VIP Member

Nako ganan din yung sa lo ko jusko ilang buwan pawala wala at pabalik balik nakailang diaper narin ako, yun pala gawa ng poop niya maipot kasi siya tumae as in wala pang ihi may ipot na kaya hagad nya sa diaper. Winawipes ko lang siya yun pala ang dapat gawn eh wash ng lukewarm water tsaka yung batwash ni baby kelangan yung may bula para mwash out yung acid mula sa poop ni baby. Tamang linis lang mamsh kasi hiyang naman diaper niya kaso nagkakaganan prn dhl pala sa poop. I use calmoseptine nuon.

Magbasa pa
4y ago

Nung una cetaphil gentle cleanser gamit ko pero kasi ngayon 9months na sya sobra nang smelly ng poop nya kaya ginagamit ko na yung may scent, mustela wash na

wag mo Muna diaperan po lagyan mo lng petroleum . nakukulob kase pag lagi nakadiaper para mabilis gumaling lampin lng okay na

VIP Member

rashes na yn sis pahiran mo n agd tiny remedies in a rash mawala agad yn at matutuyo safe yn ksi all naturals #foreverbaby

Post reply image

rashes po yan ganyan din sa baby ko hinugasan ko lng ng cetaphil. tapos lampin muna ginamit ko sa knya..

VIP Member

try nyo magpalit ng brand ng diaper.. at araw araw maligo...mawala rin yan...

rashes po yan momsh.. calmoseptine po or tinybuds in a rash

VIP Member

rash po... mahapdi po yan. lagyan nyo po calmoseptine.

rashes po.rashfree zinc oxide.agapan m n sis pra d lumala

4y ago

Every palit ng diaper po ba ilalagay yung zinc oxide?

rash pero d p malala. calmoseptine sis effective