11 Replies

Pag naalala ko yung babae, masakit pa din. Kasi saamin recently lang talaga. Pero di nalang ako nagpapaapekto as long na ako at kami pa din ang pinili ng asawa ko, okay na ko dun. Move on move on nalang. Saka tanggapin mong wala ka ng magagawa dun. Kung pareho na kayong nagkasundo at nakapagusap about dun, be happy nalang kung anong meron na kayo ngayon. Ang mahalaga, nagkapatawaran at mas pinili niyo na yung ikabubuti ng pamilya niyo. Mastress ka lang talaga pag nagpaapekto kapa. At best way pa din, yung ipagpray mo lahat kay Lord. Kung mabigat pa din, isumbong mo lahat sakanya, gagaan talaga loob mo. Promise! Saka divert mo yung isip mo sa ibang bagay. Eventually, pag totally moved on sa siguro tayo, tatawanan at ijojoke nalang din natin lahat to. Pakakatatag lang ☺️💕🙏🏻

true na true

Nasasaktan pa rin ako syempre.. Lalo pag naaalala ko na nagmakaawa pa ako saknya pra lang kami piliin niya ng anak niya. Nangako ako na hinding hindi ko na un uulitin. Pag inulit niya pa iyon I decided na iiwan nanamin siya ng mga anak niya. Period. Mamahalin ko na lng sarili ko at mga anak ko. Madali siguro sabhin pero pipilitin kong gawin if ever. As of now, masaya naman kami at nagkababy pa kami ulit.. Pero syempre diko masasabi na 100% na ulit tiwala ko saknya, naging mas wise ako at the same time pinagbubuti ang pagiging asawa at nanay sa mga anak namin para if ever magloko siya hindi na ako magself pity na kya ganon kasi nagkulang ako. Yung lang mga mamsh. Forgive but never forget. 😊

Di naman nagkaroon ng kabit hubby ko..pero may mga kalandian sya.. nahuli ko sya sa secret account nya (another facebook nya). Dami nya ka-msg na babae dun.. Hindi ko sya inaway, tinanong ko lang sya bakit nya nagawa yun.. Ang tangi lang nya sinabi "Hindi na nya uulitin, kapag nahuli ko daw sya ulit, ibato ko daw cp nya".. Aba sagot ko hindi ko lng ibabato cp nya, hihiwalayan ko rin sya.. Okay naman na kami, may mga away pa din pero normal lang naman sa mag asawa mag away..sa ngayon hindi ko pa ulit sya nahuhuli, binura na din nya yung fb account nyang isa..

pag naaalala ko, prang wla nlang, tinatawanan ko nlang kasi dun din naman ako nkilala ng husto ng asawa ko, my tntago ksi akong sekreto sknya na wla ni isa s side ko ang nkakaalm, its just me at ung tao n nang gago skin, so d nya alam ung rison kung bkit ganto ung ugali mo.. so un nga, after nun, cnbi ko n ang dhilan ko, at un tuluyan n xang nagbago n kesyo ngwa nya un dhil s kakacomplain nya s pngit ko n ugali, pro katulad nga ng sbi ko, d nya ako kilala nuon at buti nlang ng dhil s babae n un naging ok n kmi, at lalot naintndhan nrin ako ng asawa ko...

Just move on po, ok lang po siguro kung currently happening, dami tlga mglalaro sa isip mo to the point gusto mo n sya mamatay eh..pero once n tapos na, ngsisi at ngbago na si hubby, move on nalang po..marerealize mo di kna ganun kaAffected at halos di mo n tanda lahat ng eksena sa buhay nyo nun mga panahong yun 😊

Kapag naalala ko, nididirect ko n lang sa mga anak ko yung attention ko, nilalambing ko sila more, or nagaayos ako ng sarili ko, nagluluto ako ng masarap, inaayos ko yung bahay.. ganun. Pinapaganda ko yung buhay ko. Hindi sila dapat pinagaaksayahan ng energy. Wag ka patalo sa alaala.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-131203)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-131203)

iniisip ko kung ano ang dapat sabihin or kung ano dapat kug gawin. baka sa susunod meron na naman. naaaliw nlng ako kasi ginagawan ko ng scenario eh ahahha

oo nga sis pero naisip ko din kapag meron nanaman hindi ko mapapatawad sarili ko kapag pinatawad ko pa cya. We’re better off without him

Siguro walang mabuting maidudulot kapag binabalikan pa ang nakaraan. ☺

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles