LYING IN OR HOSPITAL?

Safe po ba manganak sa lying in nagtitipid po kase kami ni hubby . 1st baby ko po

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Oo Naman po Chaka maalaga po sila. Maalaga din sila sa bill sa panganay ko lying in ako 12k mahigit bill ko hehe Kaya ngayon sa secondbaby ko public hospital na Wala pang gagastusin hehe

VIP Member

My first baby boy ay sa lying in. 1. Just make sure na wala kang complications. 2. Sariling ambulance ang lying in in case na magkaroon ng problem. 3. Malapit na hospital sa lying in.

Magbasa pa

1st baby is hospital po. 9months po ang pagbubuntis. Nung nalaman nyo pong buntis kayo dapat nag start na kayong mag ipon para sa panganganak nyo. Di po biro ang panganganak.

hospital mas maganda. in case of emergency may mga gamit sila. unlike sa lying in na normal delivery lang dapat. tska sabe nila pag first baby daw hospital daw talaga dapat.

Ako din nagtitipid kaya public hospital lang. Pag naasikaso philhealth libre na panganganak basta normal. Lying in kasi minsan may babayadan pa din kahit may philhealth ka.

VIP Member

Mag public hospital ka nalang mamsh. Kmi din nag titipid kaya from private lumipat kmi ng lying in then nag public hospital nalang para safe kung sakali magka emergency

VIP Member

better sa government hospital wla din.nman bbyaran, like dto.sa ospital ng maynila nacs ako before 0 bal kmi paglabas basta may.orange card ka or philhealth

5y ago

Hi sis, pano if philhealth lang meron pero manila residence? Okay lang po? Private ob kase ako pero balak ko manganak sa ospital ng maynila :)

safe nman po sa lying in .. ako nga sa lying in nanganak eh.. depende nman po kase yan e kung maselan po kau magbuntis sa ospital po kau dpat..

Depende sa health niyo ni Baby, dapat Lying in ako kaso nung last minute hindi kinaya ng katawan ko, kaya sa hospital na ko nagpadala.

ako mamsh lying in manganganak first baby ko, sobrang bait nung mga midwife na nag aasikaso sakin hehe pero dipende parin pa sainyo.