Gulatin ang newborn baby

Sabi ng mil ko gulatin daw lagi si baby para maalis ang pagiging magugulatin. 21days palang po si baby, lagi nila ginugulat si baby. Nagwo worry po ako, okay lang po bayun?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa amin sis pagkatapos maligo hinahagis hagis ng konti pataas. Parang free falling para nga daw mawala yung sawa. Pero napansin ko mas dumalas yung pagka magulatin nya kaya pinatigil ko ung practice na yun pagkaligo. Ngayong 3mos na sya hindi na nya pansin pag nagugulat sya. Normal po ang gulat sa baby lalo newborn moro reflex po ang tawag. Don't worry po :)

Magbasa pa

Bakit ginugulat nila? Magugulat talaga yun since sobrang lakas ng sense of hearing ng baby. Ako sis, sinaswaddle ko yung paa nya.

4y ago

baby ko din sis, ambilis magulat, kahit kunting2 ingay lang, minsan ako ang matatakot sa kanya kasi didilat ung mata nya na parang takot na takot talaga sya.. ano ginagawa nyo po? 3 mo old po si lo. 🙂