gusto paghiwalayin

Sa totoo lang, wala namang kaming tutol kung sino ang mamahalin ng kapatid namin. Pero ngayon lang kami tumutol sa relasyon ng kapatid namin. Ang work kase ng pamilya ng partner nya is masama. Nakakahiya mang sabihin pero mga pick pocket sila sa mall. As in buong pamilya nila. Recently namin nalamn nung nakulong yung nanay nung girl. Ngayon nabalitaan namin na sinasama nila yung kapatid ko sa bentahan nila ng mga nakaw na gamit. Galit na galit ako syempre. Kaming magkakapatid lumaki at nakapagtapos ng sariling sikap namin tas ganun sila. Kontrabida na pero gusto namin silang paghiwalayin dahil ayaw namin dumating sa puntong pati kapatid namin madamay sa maling gawain nila... Sa totoo lang gusto ko ng ipahuli yung pamilya nila eh kung hindi lamg buntis yung partner ng kapatid.. nakakastress

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin nyo ng masinsinan ang kapatid mo. Wag mo iparamdam na kalaban kayo. Kundi kakampi. Para maging magaan ang loob niya at hindi masamain ang mga sasabihin nyo. Mas mabuti pa na lumayo nalang kapatid mo at partner niya sa pamilya ng partner niya.alam naman nila masama ang ginagawa ng pamilya ng partner ng kapatid mo. Mamaya madamay pa kapatid mo o partner niya,makulong pa sila.mas mabuting maghanap sila ng ibang pagkakakitaan.hindi yung ganun.walang magandang kalalabasan yan.

Magbasa pa

Kung isinasama na ung kapatid mo dapat nga pagsabihan sya. Pero malaki na yung kapatid mo alam na nya ung tama at mali. Sincr alam nya na mali un dapat hindi na sya sumasama. Baka madamay pa sya. Pwde naman nya kunin ung partner nya at bumukod sila para d na sila madamay sa mga pinag gagawa ng family ng partner nya.

Magbasa pa

nako. ang ending baka in the future pati kapatid mo makulong at kayo pa ang maabala para palayain sya. baka maimpluwesyahan talaga kapatid mo dahil easy money. much better palayuin nyo na lang sila sa family nung girl kasi kung paghihiwalayin nyo yung kapatid mo at yung babae malabo yan at buntis pala

Magbasa pa

Kung ganon po pala sitwasyon mas maigi na jan nyo nlng po sa inyo pag stayin ung girl kesa yung kapatid nyo pa ung maimpluwensyahan ng fam ng girl.

5y ago

Tama, si girl.nalang pag stayin niyo jan at medyo bantayan niyo din since may lahing malikot so better nayun kesa paghiwalayin niyo kung mahal naman nila isat isa pwede naman magbago yun.

Kawawa ang baby pag lumaki na ganyan Yung environment. Bumukod na lang sila ng kapatid mo.