Help me,Need Advice Please!!!

Sa ngayon sa asawa ko na lang ako umaasa Dahil natanggal sya sa trabaho pansamantala and now hes lookingfor a new job. Sa parents nya kami ngayon nakatira syempre pati pagkain at vits sagot ng parents nya . Nong una okey nmn pakikitungo sakin ng parents at sister nya hanggat sa di ko malamn laman na dahilan ngayon na parang galit at naasiwa sakin ang sister nya. yong magulang nmn nila is okey nmn pa rin. Di ko alam bat biglang nagbago ang kapatid nya? Nagseselos ba sya sakin???? ( dalawa lang po silang magkapatid) nakakalungkot at nakakasama lang po ng dmdamin minsan nga po naiiyak na lang ako. Kung pwede lang ako magtrabaho ginawa ko na para di kami pabigat ng asawa ko.Naiisip ko na dapat ako talaga ang mag adjust kasi ako yong palamunin at nakikitira sa kanila, kailangan ko na lang muna ngayon magtiis hanggat manganak ako.? Ayaw ko nmn po pumunta sa parents ko kasi ayaw kong madagdagan problema nila ng dahil sakin. Ano po masasabi nyo? need ko po ng advice nyo.Salamat

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

'Wag mo na lang s'yang pansinin. Di mo naman kelangan patunayan sarili mo sa kanya. May mga ganyan talaga tao. Lilipas rin yan