“Soon tayo naman ang mag popost ng pregnancy announcement”

Hi sa mga TTC dito. naranasan nyo na din ba mainggit sa pregnancy announcement ng iba?🥹 yung tipong bigla ka nalang malulungkot at ma kwekwesyon yung sarili mo na “bakit ako wala pa?” “lahat naman ginagawa ko na pero bakit wala padin?” at nag sstart yung self blaming & guilt. pero may bigla akong nabasa sa newsfeed ko (see photo) nawala bigla yung lungkot ko. at na realize ko na may nakalaan para samin pero hindi pa ito yung right time. kaya sa mga TTC din like us wag po tayo mawalan ng pag-asa. SOON tayo naman ang mag popost ng pregnancy announcement!🥹✨🤰🏻 Isaiah 60:22 “When the time is right, I THE LORD will make it happen”.

“Soon tayo naman ang mag popost ng pregnancy announcement”
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mhie ganyan din ako noon. 1 and half year bago ako nabuntis. siguro napressure lang din ako nun kasi yung mga kakilala ko na kasabayan ko lang kinasal puro nabuntis kagad. dagdag pressure pa yung mga taong nagtatanong kung bakit daw wala pa ko, kelan daw ako magkakababy. nakaramdam din talaga ako noon ng inggit. saka nakakadepress yung tuwing madedelay ako ng 2 or 3 days, nageexpect ako na buntis na siguro ako pero sumunod na araw may mens na. akala ko nga nun baka may deperensya ako o kaya si hubby. pero totoo nga na good things come to those who patiently wait. nakatulong yung pagaalaga ko sa sarili, diet and exercise, tapos enjoy lang ang moment na kami lang muna ni hubby, nakakagala kami kung saan saan at lalong higit yung devotional prayer ko sa Dios. ngayon i have 9 months old baby na and super thankful ako sa Dios na binigay nya sa tamang panahon at pagkakataon ang anak namin 🙏🏻❤

Magbasa pa
VIP Member

dadating pa din po yung time nyo. ibibigay po yan ni papa god💖