Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

284 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nuon, nabuntis kasi ako before naikasal... kinasal kami 4 years old na anak namin... di ko hawak ang atm nya... di rin ako nanghihingi... kung bibigyan na ako, okay. kung hindi, okay din. Parang di ko sya ino obliga talaga. Pero nung kinasal na kami... Hanggang sa pinaka last peso ng salary and extra kita nya is binibigay nya sa akin. Sya mismo gumawa nun... Ako nag bubudget sa lahat and nanghihingi lang sya ng pambaon minsan o kung may mga gusto syang bilhin na gamit for work. Hindi ako nag bibigay ng pera para sa mga luho nya. Napag usapan namin kung gagastos sya para sa pagpapapogi ng motor nya or sa mga gala, dapat syang humanap nga extra money for that. LOL... nakakahanap naman sya ng extra money kaya no problem talaga. As for me, I work and may business din ako kaya I dont ask him for any money na pang wants ko. Bale ginagawa kasi namin, we put our income together then save money, pay expenses.. kung may extra, we discuss kung may need na bilhin. LOL pagkain lang usually hinihingi ko eh kaya not so much of a problem. Di rin ako masyadong bumibili ng anik-anik like clothes or make up.. siguro milk tea lang once every payday or request ng jobee.. mga ganun. For some husbands na ugali nilang di mag bigay, it's either they can't trust you with their money o sadyang wala pa sa isipan nila na asawa at ama na sila. Though nakakainis and nakaka stress, i.extend mo nalang muna ang pasensya mo. Sabihan mo sya sa constant expenses nyo ng anak nyo. Wag mo syang awayin o dont sound too demanding. Just let him see the whole picture bakit mo need ng money. Siguro when it comes to money para sa bata, need mo yan idiscuss... pero if gusto mong humingi ng allowance, i think loooong discussion pa yan. Mas mabuting, maghanap ka ng pagkakitaan para masustentohan mo mga wants mo. If ever di pa pwede mag work or mag biz ng kunti, be patient muna o lambingin muna si mister about it. pero siguro, not allowance. When we say allowance kasi, parang dapat weekly yan or kinsenas or monthly dapat talaga meron... siguro kung may gusto kang bilhin, isabi mo sa kanya...

Magbasa pa