126 Replies

nakakailang, syempre. pero at some point., pag nilawakan mo naman ang isip mo at natuto ka makaunawa, mare-realize mo din naman na kahit papano, malaki din ang maitutulong nila syo. at madami ka din matututunan.

VIP Member

Nakakailang. Sa sitwasyon ko kasi hindi pa handa ung mga byanan ko na mag asawa anak nila (32yrs. Old na po asawa ko) kasi sya ang inaasahan kahit pa may alotment naman sila sa isa nilang anak na seaman.

VIP Member

Nakakailang din siyempre tsaka parang mahihiya ka na di ka nagtatrabaho ng mga gawaing bahay kasi nag aalaga ka lang kay baby. Pero mababait naman in laws ko. Bawi na lang pag medyo naiiwanan na si baby.

Super Mum

We are not living with inlaws pero kpag umuuwi husband ko (seaman) we stay sa bhay nla nagbabakasyon mga 1-2 months. Hndi ako naiilang sa byenan ko kasi mabait naman sya pero naiilang ako sa mga kapatd.

nakakailang din lalo na kung lagi kang napagsasabihan pero nasasanay na din. basta pag nagagalit siya tamihik lang ako di naman ako sumasagot sa nakakatanda, hinahayaan ko lang tapos lilipas din ganun.

Swerte mga mami na may mababait at maalagang beyanan. Lalo na sa magiging apo nila. Unlike sa akin gusto nilang makunan ako or mamatay ang bata sa sinapupunan ko, mabait nga nasa loob naman ang kulo.

Yeah.. Much better padin sa magulang ko. Kasi mas ramdam ko na mahal nila ang magiging 1st apo nila.

Subrang hirap tumira kasama ang byanan mo super dimo magagawa ang gusto mo kasi ang gusto nila ang nasusunod lalo na pag dating sa aswa mo at kay lo mo subrang maiilang ka talaga 😞😞

ok nmn po sa akin, wala pa nmn kmi sriling bahay. mgnda nmn pkitungohn nmin sa bahay. ung nga lg minsn kpg gusto mo pagalitn o awayin asawa mo di mo mgawa kasi nkahihiya kaya silent war kmi parati

hndi naman . mas mabuti yun kasi may mkakatulong ka magbantay sa anak mo . lalo na kung close kyo . nkakalungkot lng ksi spoiled ang bata sa lolo at lola nila . iba daw ksi kpag apo ☺

Im not living with inlaws. Hindi pa kami kasal , nakaplano na yan. Iba ang sitwasyon pag magkkaasama kayo sa bahay. Mas mabuti na yung hindi. Kaya never namin inisip na makikipisan kami

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles