Asking for a help ?

Sa mga mommies and daddies natin dito, baka po pwede akong humingi ng tulong. Pang ngaung mag damag na lang kasi yung gatas ng bunso ko, tapos yung panganay naman konti na lang yung diapers niya. Alam ko maraming mag ja-judge dito, but hayaan niyo akong mag explain. Naka formula yung 2 girls ko kasi working mom talaga ako, pero nitong January lang nag decide muna kameng mag asawa na mag resigned ako dahil may skin allergy yung bunso namen. Extra alaga ang kailangan niya, not that hndi siya maaalagaan nila mama ng maayos but kailangan tutok dahil maraming pinapahid sa kanya tapos hndi rin basta basta yung pag lalaba, pag aayos ng mga ipapagamit sa kanya, pag papaligo at marami pang iba. Struggle lalo na at may toddler pa. Yun din ang reason kaya tuloy tuloy na din ang formula milk ni bunso kahit nasa bahay muna ako for the mean time. Ngaun dahil sa ECQ, naka pasok lang ang asawa ko for 1 week dahil may mga nag positive sa bldg kung saan siya nag ta-trabaho. Gustuhin man namin na pumasok siya para sa needs ng 2 nameng anak, hindi na namin sinapalaran ang kalusugan niya. Kaya ngaun walang wala tlga kame para sa needs ng 2 girls namen. Hndi sana ganito kung hndi nagka ECQ, kaya kakapalan ko na ang mukha kong humingi ng konting tulong sa inyong nkaka luwag pa rin kahit papano kahit na nka lockdown tayo. Di baleng wala na kameng matatanda, wag lang ang mga bata. Para po sa mga anak ko, humihingi po ako ng tulong dahil napaka sakit po para sa isang magulang na makitang hindi mo maibigay ang pangunahing pangangailangan nila. Kahit magkano po ay malaking tulong na. Alam ko rin pong mag dadalawang isip kayo dahil hndi ako nagpa kilala, pero willing po akong mkipag communicate sa inyo sa personal fb account ko para ma-prove na hindi to scam o ano pa man. Ngaun pa lang po ay nag papasalamat na ko. God Bless and sana matapos na ang giyera na to. ❀️??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ilang taon na po mga kids mo momsh and ano po milk nila?

5y ago

Yung toddler ko po naka Nido 1-3 tapos yung bunso po naka Nan Optipro dahil may Atopic Dermatitis. Yung milk lang po ng bunso yung problema kasi yung toddler ko naman po more on solid na.