HOUSEWIFE
####pa vent out*** Sino dito na nasa bahay nagbabantay ng anak linis ng bahay, luto ng pagkain para sa asawa? Alam niyo naiingit ako sa iba, tingin kasi sa akin ng asawa ko palamunin niya lang ako. Humingi kasi ako ng pera sa asawa ko for the first time* papadala ko lg sana sa kapatid ko para pandagdag pang baon sya ng isang linggo since nag start na demo teaching niya, kaso bigla syang nagalit e wala naman daw akong trabaho. Alm niyo yun gustong gusto ko mag trabaho, pero ayaw nya kasi kumuha ng yaya para mag bantay sa anak namin. Masama lg tlaga loob ko, kahit bagong panty hndi niya ako mabilhan bilhan, mag iisang taon na wala pa rin yun lg yung hiniling ko sa kanya khit konsuelo de bobo lg man sa pag aalaga ko sa kanilang dalawa. ** graduate kmeng pareho, sya may magandang trabaho kumikita sya ng 50k kada buwan. Ako kung hndi lg napaaga pagbubuntis ko kaya kong lamangan yang kinikita niya!! Pero pinili ko anak ko. Nanliliit lang ako sa sarili ko. Sana security guard na lang naging asawa ko, baka sa ganun gawin pa akong reyna hndi muchacha!!!
ako nga di rin binibigyan ng jowa ko ng pera kahit buntis ako ngayon, pero lamang ako palagi ng gastos pagdating sa mga gamit ng baby, gamot, vitamins at gatas ko. tapos pag kakaen kami sa labas or grocery madalas parang ang hatian pa namen 70-30. Ni hindi pa ko nabbilhan nyan ng damit at sapatos. Sya nabilhan ko na ilang beses simula naging kame. Sabe nga ng parents ko ni hindi man lang magpa-impress sa kanila na magdala ng pagkain or pasalubong. Pag may dala akong pagkain or pasalubong sinasabe ko nalang na hati kami kahit ako lang talaga ang bumili non. Nakakatawa ultimong gasolina kailangan lagi kaming hati. Kanina nga nagpa check up ako for my 37th week, eh ang babayaran namen 1700 kasama na gamot at vitamins. ang binigay lang literal 700. Hindi pa yan nagbigay kanina ng hati nya sa pambili ng bathtub & net ng baby halagang 500, humingi pa saken pambili ng meryenda nya kahit may pera sya. nakakagigil kaso wala eh kunat talaga. Sabe saken ng mommy ko, kawawa daw ako pag eto nakatuluyan ko. Wag daw muna kame pakasal. Take note and FYI may kaya pamilya neto at 80% ng mga kamag anak nila nasa States, anytime din na gustuhin nyan pumunta ng States maglalabas sila ng pera good for max of 6 months makabakasyon lang sya dun. Partida pinapa-renovate din ang buong bahay nila as of the moment. Sobrang kunat juskolord. Di lang sya pati ate nya makunat din sa lahat ng aspeto. Hoarder pa, daming gamit na binubulok lang imbes na pakinabangan like mga canned good na SPAM and mga branded na spices(sa sobrang dami pina-paexpire nya nalang imbes ipamigay sa iba kesa masayang lang. Ayaw nya talaga may ibang makinabang), gamit sa kitchen, towels, curtains, bedsheets (hinihintay nya muna tastasin ng mga ipis at daga at maluma ng sagad na sagad na sagad ang mga yan bago maglabas ng pamalit), eto pa lotions, shampoos, pabango, bags and shirts na may more than 5 years ago pang galing sa padala di pa rin nagagamit dinaga na at nagbakbak na sa luma. (FYI di ko pangarap mahingi yun, dahil meron akong pambili, I'm just saying.) Di ko alam bat may mga taong sadyang lumaki ng ganyan. 😂
Magbasa paAko house wife na since nag 2 yrs old na panganay ko ksi sakitin..nakaramdam ako ng kagaya sa iyo.dati pareho kmi may work.may mga gusto ako mbli hndi ko mabili hndi din ako mkbgay sa magulang ko pag need nila...alam mo ba imbes na mag emote at mag mukmok ako ito ginawa ko...ginalingan ko maging ina at asawa ksbay nun ang pag sisimba. Pinakita ko sa asawa ko kung papaano ko nttipid ang pera nya inaral ko magluto para mas makatipid kmi..hanggang mag tatatlo na ngayon anak nmin at may step daughter pa ako sa unang asawa nya..pinakita ko asikaso ko mabuti mga anak namin.malaki pa nga sweldo ng asawa mo kesa sa asawa ko eh..tlgang lahat ng source ginagawa ko pra makatipid kami kahit sa kuryente at tubig...alam mo ngayon pag nhingi ako skanya para iabot ko tulong sa magulang pamangkin at kapatid eh nagbbgay na sya..ksi ipinakita ko skanya pagpapahaga ko sa kinikita nya at pinag silbihan ko sya ng mabuti..at alam nyang prioridad ang pamilya nmin. Pero ako naman tinitimbang at tinatansya ko din ksi sa pagtulong hndi pwedeng pag ibngay mo ang kaliwa mong kamay ay ibbgay mo din ang kanang kamay mo..balance is a key.. kaya mo yan.. Ngayon kasi isa na tayong magulang hndi lang tayo ang nag mamayari ng buhay ntn once may anak na tayo pag aari na rin ng mga anak ntn ang buhay natin Kaya adjust tlga tyo para sa ikabubuti ng lahat. Alam mo ba sa nkalipas na 7 taon ngayon ko lang na appreciate ang pagiging house wife ay masaya. Ma suwerte tayo at may work mga asawa ntin at kaya tayo buhayin. At npaka swerte ng mga batang hands on ang ina lalaki sil ng mabubuting tao. Sana nakatulong ako sa iyo. Positive lang.
Magbasa pailang beses na ako nakakabasa ng anon dito na magkocomment tapos isisingit na galing sya exclusive school. exclusive school ka na nga nagaral ganyan pa mentality mo, so ano dapat hangaan namin sayo, pangalan ng school mo? Yung "galing" mo mag-english? hahaha. nakakahiya. to you sender, try mo na mag-online work muna. kahit part time lang. 2-3 hours a day, pwede na yan. I've been working at home since I gave birth to my first born (2012). When my child grew older, I transitioned to full time. Tapos balik ulit part time nitong nanganak ako sa second ko last August. Im not from an exclusive school. I only took a 1 year short course on animation pero I was able to thrive in my career. Now, Im a lead animator and designer. What Im trying to say is, for someone like you na degree holder, Im sure there will be better opportunities for you compared to me when I was starting. Today I earn about 35k-50k a month depende kung kaya ng time ko magaccept other freelance work pero yung part time work ko talaga, weekends lang kasi yun lang time na nasa bahay si hubby ng matagal at pwedeng magbantay kay baby while I work. Explain mo sa kanya mommy na gusto mo din magkaron ng pera na sarili mo. If may internet kayong stable saka computer, go na. Go to upwork.com or onlinejobs.ph or hubstaff talent to browse job opportunities. Create your profile and start applying for jobs. Kaya mo yan mommy! Wag ka na lang focus sa asawa mo, ifocus mo na lang sa sarili mo at sa anak mo. Good luck!
Magbasa paMy advise to you mag-usap kayo... Dapat magkaintindihan kayo ng desires and expectations ng isa't isa or you will both end up with disappointments. Baka to your hubby 50k isn't alot and nilalaan nya un para sa family niyo as his priority at kasama ka doon. Wag din sasama ang loob mo if he does not want to help your sister as he has no obligations to do so. Plus na lang un if he is generous enough to do so. He is only responsibile to his own family and I think ginagawa naman nya un. Wag ka din mainis sa pag-aalaga sa kanila at parte un ng pagiging ina at asawa... Tell him how you feel, na sumasama loob mo pag sinasabihan ka na walang work. He wouldn't be able to work without your support at home. Team kayo dapat. Wala kayo sa competition to identify who brings more to the table and gives more effort. Now, if you are unhappy being unemployed and unfulfilled as an individual, sabihin mo rin sa kanya. Not all women kasi are happy with a "mom and wife" title or role. I am not saying it is bad but you can also have more titles to yourself. Put your emotions aside then usap kayo. Communication is key. Hope this helps.
Magbasa paHi momsh, pareho din kami graduate ni hubby. Housewife ako ngayon and 30 weeks preggy. Ayaw nya ko mag work nung first trimester ko, kaya pinatigil nya ko mag work as a manager sa isang restaurant. Tapos nung siya nalang nag wowork, kino-compare niya ako sa mga buntis na nagtatrabaho. Kaya naiinis ako. Hahaha Sobrang nakakabored dito sa bahay, paulit ulit ang ginagawa. Kaya gumawa ako ng paraan, nag online selling ako para may sarili akong pera. Nag online job (virtual assistant/encoder/marketing), nag resell ng mga products. Nag benta ng mga used clothes ko na hindi na magagamit. Try mo momsh, marami na pwede kitain ang homebased ngayon. Choice mo din yun kung aasa kalang din kay hubby. Pero kung ganyan aasahan mo, simulan mo na maghanap ng raket. Kahit ayaw pa niya mag work ka, wala naman siya magagawa. Love yourself mumsh kahit may asawa na tayo. 💛 😊😊
Magbasa paGanyan din ako, kinumpara din niya sa mga buntis sa office na nakakapag work. Alam naman niya high risk pagbubuntis ko. Ang work makakapg hintay. Si baby hindi.
Oh my. Same situation 😠hindi nya naappreciate yung pag alaga ko sa anak namin. Sya pa nagpush na pure breastfeed so baby hanggang mag 2 years old para daw healthy at less gastos. Sabihan kang palamunin, walang bilang sa lipunan, pabigat, etc. Lahat narinig ko na. So ang nangyari, nawalan ako ng amor sa kanya and eventually, we broke up. But now he's clinging back, narealize din siguro mga pagkakamali nya. Don't ask him of financial help for your sibling. Imo, di nya obligasyon yun. With your skills, pwede ka mag freelance at makakuha ng clients na magssweldo sayo ng $10/hr or higher. Pakita mo sa kanya na kaya mo mag earn habang hands on kang ina at homemaker. No one deserves of such treatment dahil piniling maging full time mom.
Magbasa paI tried mommy, pero pinagbawal nya kasi gusto nya focus sa newborn, plus nahirapan din ako sa first 2months ko nun kasi wala rin ako ibang katuwang nag bukod kme
Bakit naman po mommy mag rereklamo ka eh sarili mo naman pong family inaalagaan mo? Pag nanay ka na wag ka po mag expect na lahat ng pagod mo kakaalaga sa mag ama ay may reward po. Isipin mo nalang para sa family din niyo yan tsaka regarding po sa paghingi ng pera, siguro nagalit yung hubby mo dahil di mo na po obligasyon bigyan kapatid mo. Sabihin na natin na breadwinner ka po dati sa family mo, but you chose to build your own family na po so dapat sila na priority mo. Wala naman masama magbigay din pero baka napapadalas yung paghingi magagalit talaga hubby mo. Marami naman din opportunities kahit nasa bahay lang po kayo mommy. Wag mo po ikagalit yung opinion ko ha?
Magbasa paTry asking him na pwede ka ba mag start ng own business mo. Do not expect him to give it right away. Sabihan mo sya na ibudget muna. Kung magagalit sya at ipasisigawan na naman nya na wala kang work, isabi mo sa kanya ang realidad na naging ganyan ka kasi pinili mo ang pamilya nyo at hindi ka nagpakalumpo just to make excuses na ayaw mo magtrabaho. Maghanap ka muna ng business na gusto mong itry and yung sa tingin mo kaya mo. Di naman lahat ng business kailangan malaki kaagad ang capital, pwede 500, 1000 or 5000 maka start kana nyan. Kung ayaw nya mag work ka, ipa.intindi mo sa kanya na gusto mo rin kumita kasi alam mo na capable ka of earning money.
Magbasa paSa panahon naman talaga ngayon dmo na talaga masasabi sa mga asawa eh, kadalasan pa nga kung sino pa ang mga asawang kapos lang ang kinikita sila pa ang mas nakakaparamdam nang sensiridad, konsederasyon at higit sa lahat tunay na pag mamahal sa ating mga maybahay. At kung sino pa ang ang libo libo ang sweldo sila pa mareklamo, makwenta at higit sa lahat madamot na asawa. Hindi natin masasabi talaga, lalo sa panahon ngayon wala ng permanente at lahat agad agad nag babago, swetehan nalang talaga sa mahahanap mong asawa mo. Oo walang peroektong asawa, pero merong totoo at mapag mahal talaga sa lahat ng kaliit liitang bagay.
Magbasa paYan lng tlga pangit e... mga lalaki gusto magstop sa work wife nila pra mag alaga ng anak nila tpos kht allowance ndi man lng nila bgyan wife nila. Sana nagwork nlng pra ndi humihingi sknla. Ang mga maid nga may sahod e dapat kht oano ang wife din may allowance sympre nid din ng wife ng kht konting money dba... if i were un sis pg medyo mlki na baby mo un tipong nkakapag salita na mag work knlng. Or tama suggestion ng isang mommy na mag home based work ka like tutorial or online business. Kaloka mga ganyn lalaki. Ang wife ndi maid Asawa kya dapat ituring na asawa ndi taga pag alaga lng ng anak nila.
Magbasa pa