21 Replies
MAY 13 ako. Sobrang hirap na matulog. Sobrang bigat din. Madalas naninigas. Hintay nalang ako april 22 kasi 37weeks na ko nun. Pwede na manganak. Ospital p din ako manganganak kasi mababa dugo ko hehe. Hoping wag ma cs kasi parang ang laki na ng baby ko sa loob. Di naman makapagpa ultrasound ngayon. Hayyy
May 16 sakin diko pa alam kung CS or Normal Delivery ako tsaka dipa ako nakapag paultrasound kasi nung last suhi ako eh sabi kelangan iultrasound ulit para makita kung okay na siya. Dipa ako nakapag pacheck up ngayon sa hospital na panganganakan ko eh diko alam kung open ang OPD nila.
34w6d po
May 7, di makapagexercise at nakakulong lang sa kwarto. Hindi makakain ng healthy dahil krisis. Ang hirap lang :c Balik ko sana sa OB nung 26, ayaw ako payagan lumabas gawa ng covid. 36 weeks na ko bukas hoping na 39 or 40 weeks na lumabas si baby
Kaya nga po di nako nakakapag exercise lakad2 haha squat2 nlng sa loob ng bahay
May 07, 2020 and EDD ko..pero since repeat CS ako, magpapa-admit na ako sa April 20 (37 weeks and 4 days) which is considered full term na c baby that time. Mahirap na kc pag patagalin mo pa sa panahon ngaun. Good luck sa ating laat mga mommies 🙏
God bless po. Scheduled CS din po ako. Ayaw na po patagalin ng OB ko kasi sa sitwasyon ngayon. Tsaka frank breech position ng baby ko.
Ako 35 weeks nagpacheck up ako kanina need ko magpaBPS ultrasound bilis daw kasi ng tibok ng puso ni baby , ang problema walang bukas na clinic meron ang akong alam ang layo nman wala pang masakyan haist sana ok lang si baby ko...
Sa center lang ako nagpacheck up kanina tapos binigyan nila ko ng referral sa ospital ang problema nman hindi tumatanggap yung ospital ng opd...
May 12 her planning center lng manganak yon kc malapit dito layo kc ng hospital sa amin nakakatakot din pag hospital lalo na sa situation ngaun malapit narin makaraos laban lang mga momshie
Hello po! Paano po compute nio Ng edd nio? May 27 po ang edd ko pero may chance po bang mapaaga un? Last mens ko is August 21,2019 san po ba mag start magbilang last mens o first day ng mens?
Thank you po.
Ako sabi ni doc 38 weeks operahan na ako 35weeks na po ako ngayon...gusto ko na din operahan ng di pa sana mataous quarantine para makauwi na ng bahay ng wala pang mga pakalat kalat na tao
San ka po sa munoz?
Di mo po masabi sis.. kc 37weeks plang pwede na lumabas si baby... wag lang po kayo mag pa pagod masyado para hindi kayo mag labor... baka kc mag labor mapapaaga Cs sa inyo.
May 13 edd ko , di ko alam if naka position naba si baby , di pa ko nakapagpaprenatal dahil walang mga hosp . wala.din ako mga Lab dahil naabutan ng Lockdown
same tayu mamsh....may 13 din ang edd ko....buti nalang dito sa province may mga open pang clinic...kaya continuos ang check up ko...ang problem ung mga laboratory testing clinics ang sarado.....kaya wait pa ako hanggang matapus lockdown
Mommy Kim