ATTENTION!!!

Sa mga mag-aadopt at nagpapa-adopt, please naman idaan niyo sa legal process lahat. Hindi yung kung saan saan kayo nagpopost na para bang hayop lang yung pinapaampon niyo. Thankful naman kami kasi hindi niyo pinaabort yung mga babies, pero sana wag niyo kalimutan na tao sila. Hindi sila hayop na pwede niyong ipamigay lang kung saan saan. Pumunta kayo sa DSWD para dun magpa-assist regarding sa legal process. Para rin magkaroon ng assessment or evaluation yung mga gustong mag-adopt. Sa mga nagbabalak naman mag-adopt, wag kayo basta kuha lang nang kuha ng bata na pinopost kung saan saan. Hindi natin alam, baka kinidnap lang sila. Maraming nangunguha ngayon ng mga bata tapos binibenta. Kayo rin naman makakasuhan ng kidnapping tsaka human trafficking kung sakali. Maging sigurista po sana tayo! Idaan niyo lahat sa legal, yung meron kayong papel na panghahawakan!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Rohei Foundation can also help all the moms out there who's planning to adopt and mom's who wants their child to have a better future. (kahit buntis palang, aalagaan nila kayo) GOD loves all His children.

VIP Member

True!